Wednesday, May 23, 2012

My 2nd Baguio Adventure

5 nights and 4 days kaming nagbakasyon sa Baguio. Dahil nag-iinarte sila mama at papa at ayaw sumama (tatakbo daw kasi ang bahay kapag walang maiiwan) kaya sinama nalang namin ni kuya ang 2 pinsan ko. Wala kaming inintindi sa gastos kasi ung bahay na tinirhan namin dun ay pagmamay-ari ng Auntie ng wife ni Kuya. Nagkataong kakaalis lang ng nangungupahan dun kaya binigyan muna sila ng pagkakataon magbakasyon dun ng Auntie nila at libre na sa rent. Pero kung hindi nila Auntie yun at kung hindi nila Ninang sa kasal, ang halaga ng bahay ay 12K per month. Depende sa price yung mga rooms kung transient houses ang pag-uusapan.





May nakatira sa kaliwang bahay at samin ung kanan. 


Day 1. Mostly pictorial lang sa bahay to at pinuntahan lang namin ay Burnham park at SM baguio. Dun namin na-meet ang ibang relatives ng wife ni kuya kaya dinner na lang din sa SM Baguio.






DAY 2. Gala to the max. Pinuntahan ang mga dapat puntahan sa Baguio. Hindi naman ako mahilig sa extreme experience or extreme adventure pero hindi ko din naman masasabing ayokong subukan or takot akong subukan. Lakasan lang ba ng loob. Tutal naman, may bagong attraction sa John Hay sa Baguio, edi i-grab na ang opportunity na subukan ang Tree Top Adventure para maiba naman ang Baguio experience namin at hindi ung usual na gala at sight-seeing lang…




  • Tree Drop experience. Ito ung parang rappeling kaso patihaya ka (not the usual rappeling). Nasa 60ft. flatform ka, at uuga-uga kang naka-hang sa ere ng padapa. Bahala ka kung ano gusto mong gawin ayos sa kamay mo, pwedeng close fist or bahala ka… Basta wag mo lang hawakan ung rope. Maraming foreigner at mga turista ang nagtry. Maririnig mo ang sigaw nila kapag bumagsak na sila. May nakakatawa ang sigaw, may pasimpleng mura pa. Nakakabigla lang kasi ung moment na sinabi ni kuyang nag-aassist sayo na “sir, tingin dun oh, pipicturan kayo”  edi syempre magpapacute ka naman para sa picture. Tapos walang sabi-sabi, hindi mo alam na bigla ka na palang ihuhulog sabay sabing “aaaaaahhhhhhhhhhhh… tanginaaaaaaaaaaa!!!” at nanginginig akong nagtanggal ng harness nung after kong mahulog. Masarap lang ang feeling. Nakakatawa kasi ang mukha akong gago sa picture nung pagbagsak ko. Basta, masarap na muntanga lang ang itsura. ahahaha… Php 150 lang naman ang tree drop, kaya pwede na para sa mga may lakas ng loob mag-try.





DAY 3. Swimming at Mountain View Resort in Itogon Benguet. Hotspring sya. Hindi nga lang sya fully developed na resort kasi nasa bundok pero masarap naman at super linaw ng tubig. Mas gaganda pa sana to at magiging tourist attraction kung madedevelop pa ito. Karaniwan kasi ng mga tao dito ay mga taga Benguet lang din at karatig na bayan kaya sila nakakaalam nun. May mga Korean din na nagbababad sa mismong hotspring. Maganda sya infairness.






Kasama namin ang mga pinsan ni sister in law na sila na din ang nagsilbing tour guide namin at interpreter kasi mga Ilokano sila pati na din ang language. Php 40 lang ang entrance (imagine, walang ganyan sa Manila!)


DAY 4. Last day na din naman kasi umuwi na kami kinagabihan. Pero bago umuwi, sinulit ang gala nung umaga. Kaming magpipinsan na lang ang gumala kasi ang mag-asawa ay naiwan sa bahay at may lunch sila together with some relatives ng sister in law ko. Di na kami nakahabol sa lunch nila, kasi mas ginusto namin gumala. hehehe...



  • Funicular Ride. Wala lang to. Parang escalator lang pero nakaupo. Ihahatid lang naman kasi kayo nito sa taas ng station ng canopy para di mag-effort sa stairs. :)




  • Canopy ride sa John Hay pa din. Unlike tree drop, eto ay Php 350. Pero sulit din naman sya kasi 8 stations ang pupuntahan mo. Nakaupo ka lang, tanaw na tanaw ang view sa baba tapos mabagal lang ang andar. So may time kayong mag-moment at magphotoshoot sa taas habang umaandar.


Super bitin ang bakasyon. Hanggat maari nga ayoko ng umuwi ng Manila. hehehe... Mainit na naman kasi. At dahil dito, 3 days akong absent sa work without even informing my Boss na nagbabakasyon ako. No call no show nga daw eh. Ang tindi at 3 days pa! ahahaha.. Ang saya lang kapag kasama mo ang mga mahal mo sa buhay. Sayang sila mama at papa, maarte kasi eh. Baka next year na lang uli pag-uwi uli ni sister in law from Canada. :)



For any other inquries, check their website: 




http://www.treetopadventureph.com/index.html 







6 comments:

eMPi said...

bigla kong namiss ang Baguio

khantotantra said...

wow, naenjoy nio ang camp john hay, yan yung may trekking at ibang activities.

gusto ko yung swimming pool sa benguet, sana makapunta ako doon

Lady Fishbone said...

hehehe XD
ansaya naman ng adventure niyo sa baguio.... buti pa kayo na experience niyo un, ung mountain mountain churvaness na un, ako na tga baguio hindi pa na-try :( hehehehe....

Anonymous said...

buti na lang at hindi tayo nagtagpo dyna.kung hindi nabatukan sana kita hahaha.joke.

may mga ganyan pala dun...
di ko kasi napuntahan ang john hay...

sayang1

Rap said...

empi - saya sobra. kakamiss nga din eh. sana dun nlng ako forever. hehe


khantotantra - maganda ung swimming pool. nasa gitna ng bundok. ok din ung parang infinity pool nila kaso walang dagat kaya mukang hindi infinity pool.. batis lang kasi andun. lol



jessica - ahahah.. natawa naman ako sayo. i-tour kita gusto moh? ahaha.. joke. sa john hay yun... tambay ka dun. parang nakita nga kita dun eh. chos. :)



jay - ay naku, maihi ka dun. batukan mo urself! ahaha

Diamond R said...

Mukhang bago yan sa Baguio o dahil ang tagal ko ng di napunta diyan.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...