8:00am
Lunch namin sa work (wag ng umangal basta lunch na kahit breakfast nyo pa lang)...
Lahat kami inaantok...
Iba na kasi sched namin, 2am na ibang teamates ko pero ako 2:45am ang time ko.
Sabay-sabay kami naglunch.
Palibhasa lahat bangenge at gusto pang matulog, umorder kami ng masarap na makakain. (para magising)
Lechon kawali ang sa akin.
At humingi kami ng sabaw - sinigang...
Wala akong ganang kumain.
Ang tamlay tamlay ko.
Naka 2 subo lang ako ng kanin, tapos tinitigan ko lang pagkain ko.
Nang biglang....
***drumroll***
Tenen!!!
Putcha! Natapon ung sabaw ng sinigang!... tumapon sa pants ko na kulay cream.
SHIT!!! ang dami!
Ramdam ko ang init ng sabaw... pero di naman sya kumukulo.
Mainit lang,...
Para akong naihi sa pants ko!!
as in malapit pa sa may zipper... sa may hita.., hanggang sa kumalat na sa may bandang pwetan.
Sabi tuloy ng kasama ko, "rap, baka maluto ung itlog mo!" sabay tawa...
at ang isa pang kasama kong bading ay nagvoluteer na "rap, ako nalang magpupunas ng pants mo"..
HAHAHA! GAGO KAU!! MANAHIMIK KAYO!! BUHOS KO TO SENYO EH!!! LECHE!
...
SHIT TALAGA!!! SHIT!!!!
Nakakahiya tuloy itsura ko.
Mukha akong dugyot....
Mukha akong dugyot....
At habang naglalakad pa ako pabalik ng building, nakatangin ang ibang empleyado sa pants ko.
Bakit ngayon lang ba sila nakakita ng natapunan ng sabaw?
mga tado nila!!! haaayyyy.....
o baka naman iba tinitignan nila?! wahahahaha. (*pervert*)
Pagbalik ko sa floor, punta agad ng CR.
Nagbasa ng tissue... pinunas sa nabasang parte ng pants ko.
Pinatuyo sa hand drier, na halos mangalay ako dahil naka de-kwatro ang istura ko pero nakatayo ako nun..
imaginin nyo na lang, ang hirap magbalance!
Ang taas kasi ng drier at hindi naman abot ung hita ko...
Pag may mga pumapasok tuloy na magsi-CR din, di maiwasan tignan din kung ano ginagawa ko sa drier.
Paki ba nila? ahahaha
chismoso...
Buti nalang wala akong narinig na nagsabi, "ui, tulog kapa kasi ata eh, ano yan, wet dreams?"
Ay, puta, kung may narinig lang ako na nagsabi nun, ipapakain ko ung tissue na hawak ko sa kanya! ahahahaha...
Ang malas malas naman...
First day ko pa naman sa work...
Ang ganda pa naman ng porma ko, disenteng disente.
mukang intelektuwal... LOL
New sched pa naman...
at ang laki na naman ng gastos ko pag madaling araw ako kasi kelangan kong magtaxi...
... tapos ganito lang mangyayari.... hahahaha...
Buti naman, natuyo na sa drier...
sana bukas hindi na ako malasin...
KAYO NAMAN SANA!!! jeje
------------------------------------
Sa lahat, this was posted gamit ang work email ko uli.
Sa ganitong paraan lang ako makakapagpost, kasi next week pa talaga magagawa ang pc sa bahay.
(sana nga next week na talaga)
Hindi naman ako makakasagot sa mga comments nyo,..
i entertain violent reactions kaya go!!! ahahaha.... ^^
This email is confidential and intended for the addressee(s) only.If you are not the addressee, please notify the sender and delete the message. Do not use the content in any other way.