Tinanong ako ng ilang friends ko na mahilig makialam sa buhay ng iba kung ano daw ba ang napapala ko sa pagba-blog?... Natahimik ako... Hindi dahil sa hindi ko alam ang isasagot ko at hindi dahil sa hindi ko kayang mangatwiran sa kanila, pero ang sa isip ko, kapag sinagot ko sila sa paraang hindi nila nakasanayan ay magiging useless din ang paliwanag ko dahil hindi din nila ako maiintindihan.
Ayokong gumamit ng mga malalalim na salita or kahit ano mang talinghaga. Hindi ako professional na writer at eto ay aking hobby lang. Pampalipas oras lang talaga ito sakin. Pero sinisigurado ko na kung magpalipas man ako ng oras, ang mga oras na yun ay may kabuluhan sa buhay ko at hindi basta-basta sinayang na oras lang.
Sinagot ko sila sa tanong nila. Bakit at ano daw ba ang napapala ko dito?
"Nagba-blog ako dahil masaya akong gawin to - katumbas ng ligayang nararamdaman nyo kung sakaling nabigyan ka ng regalo,.. katumbas ng feeling na bagong kain ka at nabusog ka… same reason kung sakaling napapatawa ka ng iba. Kung ano ang feelings at mood mo, pwede mong ilabas dito. Hindi ka kelangan magpaka-plastik… at kung may passion ka sa pagbabasa at pagsusulat, maiintindihan nyo din ang ibig kong sabihin…"
Eto lang ang isinagot ko sa kanila. Hindi ko man sila sinagot ng straight to the point, hinayaan ko silang pag-isipan kung ano man ang gusto kong iparating sa kanila… natahimik sila… at dahil sa kanila, eto pa ang ilang reasons ko kung bakit ako nagba-blog.
Nung una, hindi ko alam ang pinagkaiba ng blogging sa diary or sa daily journal lang na ginagawang project sa school noon. Basta ang alam ko lang na pinagkaiba nya, kapag sinabing "blog" dapat ay online at may computer ka. Kung diary at journal lang naman, notebook or scratch paper lang pwede na... hehehe. Ang tanga na naman ng comparison ko. Muntanga lang! LOL
Bakit nga ba ako nagba-blog?
Siguro, nainspired ako nung elementary na magsulat. Naging staff ako ng school paper namin dati. I joined inter school journalism contest pero inaamin ko, ginago ko lang ung contest na yun. ahahaha. Naimpluwensyahan ako ni Bob Ong dahil sa paraan ng pagsulat nya ng mga libro. Yung tipong nagkukwento lang sya. Nagtapos ako sa isang State University (PUP) na kilalang pugad ng mga aktibista, kung kaya't exposed ako sa mga bulgaran, makatotohanan at direct to the point na pambatikos, pero wala akong paki sa gobyerno, binabatikos ko lang ung mga kaputahang ina na ginagawa ng mga taong masama ang tingin sa akin hehehehe. Malaya ako kung ano ang gusto kong sabihin at ishare sa iba. At dahil dito, nainvolved ako sa mundo ng blogging, kung saan naging kakampi ko din ang blogsite ko sa mga oras na ako lang ang mag-isang nagdadalamhati sa sarili kong mundo....
I blog just to treasure every moment of my life. Alam kong maikli lang ang buhay. Di natin tiyak kung hanggang kelan tayo mabubuhay sa mundo. Ayokong dumating sa point na pagtanda ko ay wala na akong maalala na kahit ano. Sayang ang memories... Hindi ko man maiblog lahat, at least kahit papaano meron konti kesa sa talagang wala. Kung babalik lang siguro ako nung araw na ako'y pinanganak, isusulat ko lahat ng mangyayari sakin araw-araw....
I blog not to impress, I blog just to express. Luma na ang linyang ito. Madami din akong nakitang ganyan sa ibang blogs. Totoo naman eh, hindi para magmayabang ang pagkakaroon ng blog. Wala naman akong maipagmamayabang, kasi hindi naman ako artista para pag-usapan. Siguro kung may mga taong nagsasabi na ang yabang-yabang ko "daw", siguro sila yung taong nabibilang sa mga taong may itinatagong insecurites sa buhay. hehehe...
More on personal kagaguhan ang theme ng blog ko. Hindi ako nagba-blog para mag promote ng kung ano-anong produkto. Hindi ako gumagawa ng mga technical reviews sa mga bagong gadgets at sa kung ano ang uso ngayon. Gustuhin ko man gumawa ng isang photo blog pero dahil sa kahirapan ng buhay, wala akong DSLR! wahahaha. pathertic! Hindi din ako naka-focus sa isang topic lang, for example, ung iba kasi about love lang ang blog nila, about sex, about friendship, about movies... eh gusto ko kasi all around. Everthing under the sun.
I blog not to gain followers. Uso sa ibang blogsites yan. May takutan pa ngang nagaganap kung minsan eh, "follow mo ko, follow din kita!" DUH??!!! ahaha... HIndi ko naman inexpect na may magpa-follow sa akin kagaya ng mga followers ko ngayon. At kung sakali man na I followed you back, its because I like your blogs too. Ganun lang yun ^^, I enjoy reading and following you. heheh... (uyyyy kinikilig sila.. ahahah) Kung magkaharap lang siguro tayo ng personal, susundan din kita. (naglalaway pa) LOL.
I blog in a Tag-Lish way. wala lang, maarte ako eh. ahahahaha... That explains all. (eto ang sample ng 1-liner na sagot)
Kelan ako nag-start mag blog??
Hindi ko na maalala ang exact date. Pero itong blogspot ko ay ginawa ko after ng trahedya ni Ondoy. Madami akong kino-consider na blogsites. Di ko na nga lang naisalba ang iba. hehe
Bakit "My Replica" ang blog name ko??
Kapag ba tinanong kita kung bakit ganyan ung blogname mo, sasagutin mo din ba ako? hehehe... Okay, siguro naman nabasa nyo ung description sa itaas. Ganun lang kasimple. It's my replica in a "literature" way nga lang. Hindi ko na alam kung ilang blogsite ko na ang hindi ko nai-maintain. siguro 2 lang ata... Kaya mula nung naging active uli ako sa blogging, sinikap kong alagaan at imaintain ang blogname kong "My Replica".
Masarap magblog. Magkakaron tayo ng interactions sa isat'isa dahil sa comments na naise-share natin. Hindi man natin lubusan kilala ang isa't isa, sa pagbabasa ng mga entries natin, magkakaron tayo ng idea kung ano ang personality ng bawat isa. We need to explore life... We can gain and learn experiences on those blogs...