December 9, 2011.
Nananahimik ako sa bahay ng biglang may nag-pm sakin sa Fb. Tinanong nya ako kung asan ako. "Sa bahay..." ang sagot ko. Bigla syang nag-invite na manood ng movie ni Sarah G. at Gerald "budoy", yung "Won't Last A day Without You"... Natawa lang ako nung una kasi ung mga ganung movie ay di ko pinapanood sa big screen. ahahaha.. Pero dahil naka-VL naman ako at walang pasok, i grabbed the offer.. Libre naman daw nya eh, so why not...
Meeting place is Alabang Town Center. Tae, ang layo!!! nasa North part ako ng Metro Manila tapos dadayo ako ng South ng ako lang mag-isa. First time ko dun at di ko alam kung papaano ang way at kung ano dapat sakyan. Umuulan pa ng malakas nung araw na yun, kaya mejo nakakainis... Pero rain or shine, tuloy daw eh. (gusto ko din naman magpunta para makita ko din ang itsura ng ATC.
So, nagbyahe ako mag-isa. What would you expect edi traffic sa EDSA! Nag MRT ako dahil stranded mga bus, eh sa MRT din naman pala sardinas ang tao. So no choice, bahala syang maghintay sa akin! ahaha... Nakarating din naman ako ng matiwasay at buhay pa naman ako nung nagkita kaming dalawa. grabeh!!! ganun pala ung feeling ng parang naliligaw ka... ahaha...
Nanood na kami ng sine. Pagdating ko, may ticket na ang bruha. Hindi man lang ako pinapili or tinanong kung gusto ko ba talaga ng movie na yun. hanep! ahaha.. Pero dahil libre nga nya, ok sya na ang masusunod. Sarah at Gerald na, fine!...
Maganda ang movie. Nakakatuwa, nakakatawa. May tamang kilig factor at tamang "harot" lang. ahahaha... kilig-kiligan ang drama nila Sarah at Budoy. Tapos, may nakita akong nagpapahid ng tissue sa mata nya. Aba!! nag eemote ang bruha, nadadala sa eksena. ahahaha... UMIIYAK SYA!!!! ahahaha... so ako naman, pang-asar lang, tinawanan ko lang sya... lol...
At after ng sine, konting gala at picture sa ATC. Dinner at Shakeys, at ako na ang may sagot. Ang bruha, busog daw, halos walang bawas ang kinain, at tinake-out na lang nya para kainin sa office nila... Well, ako naman, umuwi na din after that at 3 hours ang byahe ko pag-uwi... Haayyy... masaya at nameet-up ko na din ang blogger friend kong si Lhuloy. (sa uulitin sa malapit na lang ah.. ayoko ng bumalik sa Alabang... ahahah)