Tuesday, January 25, 2011

Buhay ng isang Colboy

Hindi ko alam kung bakit ako napunta sa ganitong uri ng industriya. Hindi ko din alam kung bakit ko naisipan subukan ang ganitong gawain - dala ba ng pangangailangan o kapit lang ako sa patalim? Akala ko gaganda kinabukasan ko pag naging call boy ako... pero hindi ko pa din malasap ang sarap ng buhay dito. Ang tagal ko ng ginagawa to, pero nagsasawa na ako. Wala naman akong maisip na ibang pagkaabalahan maliban dito.

I have been in this industry for almost 2 years. Tama, 2nd anniversary ko na as Call Boy this coming April. Pero teka lang, magkaliwanagan lang tayo ah... Hindi ako literal na callboy kung ano man ang iniisip nyo. Hindi ako yung tipong bayaran lang sa tabi-tabi. Marangal na trabaho ang pinag-uusapan ko dito. Call boy kasi, I am working in a call center industry. Gusto ko lang tawagin sarili ko na call boy. hehehe...

Dahil sa hirap maghanap ng trabaho sa ngayon, masasabi kong ang call center industry lang ang madaling pasukan. Kahit sino pwede. No age limit. No specific gender required. After ko ng college, siguro mga after 1 year din ako hindi nakapagwork. Syempre kasama na ung desisyon kong maging tambay muna kahit saglit. (saglit pero inabot ng 1 year! hehehe) At pinasok ko na nga ang mundo ng pagiging isang call boy...

Ako ay nagwowork ngayon sa isang callcenter (CC) dito sa Fairview. Although hindi sya masasabi na isang corporate world, kasi ang mga katabing establishments ay malls, residential areas, schools at malapit din sa palengke! ahahaha pero atleast kahit papaano, malapit lang sa amin. Hindi hussle sa byahe. Sa 2 years kong pagwork dito, wala pa akong naipon sa sarili ko. Puro kasi ako gastos. Kulang na kulang ang sweldo. Hindi lahat ng call center ay malaki magpa-sweldo. Yun ay DEPENDE SA ACCOUNT at sa kung anong POSITION (TSR or CSR) at kung NIGHT SHIFT ka, syempre additional night differential. Depende din kung may YEARLY APPRAISAL, at mga iba pang benefits for example, sa sales, syempre may quota kayong kelangang sundin.

Sa kasamaang palad, sa CC na aking pinapasukan ngayon, ay walang ganun sa ACCOUNT namin. Basic kung basic salary lang talaga. WALANG APPRAISAL, WALANG NIGHT DIFF (kasi day shift kami eh, New Zealand account kasi kami kaya morning shift). Technical support representative ako. We deal with broadband connections, email, modem, etc... pero nakakainis, kasi hindi lang kami basta TSR, kundi slash CSR na din. At higit sa lahat, NAKAKAPIKON NA KASI ANG PANGET NA NG MANAGEMENT NG COMPANY. Haaayyyyyy....



Paano malalaman kung call center agent ang isang tao?


Hindi lahat ng mga CC agents ay mayayaman. MUKHA LANG MAYAMAN kung tignan kasi sunod sa fashion at mostly ay mga nasa edad 19-30's ang mga tao. May panggastos kasi kaya nasasabing "mejo sosyal". Party goer minsan. Gimik dito, gimik doon. Kahit tanghaling tapat, may inuman session. hehe. adik talaga. Hindi din lahat ng CC agent ay nabubuhay sa kape. Ako, ni minsan ay hindi uminom ng kape. Hindi ako sanay sa mainit at umuusok na inumin. Kung iinom man ako ng kape, Java Chip Frappe lang sa Starbucks (at nag-promote pa!). Hindi kasi kape para sakin un, parang shake lang. (coffee flavor nga lang. hehe)

Most CC agent ay may jacket. Fashion statement na namin yun.. Hindi ka masasabing CC agent kung wala kang jacket. Ang lamig naman kasi sa floor eh. Malas mo lng kung nasa ulunan mo pa ung mismong aircon. Hindi din mawawala sa mga CC agent ang earphones at mp3 na nakakabit lagi sa tenga lalo na kung nasa byahe. Nasanay na siguro kaming may nakalagay sa tenga namin kahit walang calls... For me, may mp3 ako para marelax ako habang nasa byahe at di agad ma-stress. At eto pa, pabonggahan ng gadgets! (talo ako dito... kasi walang asenso sa company namin. ahaha)

Habang may calls lang kami todo effort sa english. Pag avail, chika to the max. Murahan dito, murahan doon. Tae, ang sakit sa ilong kung puro english na lang. ahahaha... Todo browse na din kung hindi nakablocked and website. Sanay na sanay kami sa multi tasking. Eto nga at habang may call ako ngayon, ginagawa ko tong entry na ito. Ang hirap kaya mag type in Tagalog tapos magsalita in english. Kapag nadulas pa ang dila namin at may masabi kaming tagalog word... at narecord - PATAY! Incident Report ka at dito samin, 1 year to clear! (ngayon ata 3 months nlng, pero last year, 1 year to clear talaga) ahahaha..

Sanay din sa puyatan. Ako, kahit hindi kami graveyard shift, minsan pag may lakad at gimik ako, more than 48 hours na akong gising at walang tulog (pero may ligo naman un ah). Natutulog na lang ako pag naka-hold si customer at gusto ko lang magpetiks. Pero di talaga maiwasan ang makatulog habang may call, lalo na sa madaling araw.

Online sa madaling araw kahit weekends or walang pasok, ibig sabihin di agad makatulog kasi nasanay na gising kahit madaling araw.

Minsan conyo. pa-sosyal ang dating. Pag oorder sa resto or fast food, english pa ang putangna! ahahaha. Ang arte!

Gusto lagi ng aircon, nasanay na sa malamig kasi nakakaputi daw. (tinamaan ako dito ah.. ouch!)

Pag galit, ang bilis magsalita at minsan english pa kung magalit.... (dudugo na lang ilong mo kahit di ka pa nya nahahawakan or nasusuntok)

at iba pang signs kung pano malaman na ang tao ay isang colcen agent, 100 ways to know na sa callcenter ka nagtatrabaho.


Regarding sa metrics, ok naman sya. Hindi naman ako performer at wala akong balak maging top agent. Wala naman dagdag sweldo kung mabigyan ka ng award eh. Nasa gitna lang ako. Pwedeng pwede ako magpakagago kung gusto ko. ahahaha. Wasiwas dito, wasiwas ng call doon. Transfer sa ibang department kung sobrang irate si customer at naghahanap ng supervisor!. ahahah.... (tamaan din kayo! ginagawa nyo din yan! ahahaha) O kaya naman, dahil mabilis uminit ulo ko, makikipagsabayan ako ng sigaw kay customer at ipapamukha ko sa kanya na tanga sya kasi di sya marunong sumunod ng instruction. "right-click" lang ng mouse, puta di alam kung paano.Tapos ang lakas ng loob magkaroon at gumamit ng computer at magrereklamo kung bakit walang internet connection. MGA BOBO!!!! ahahahahaha...

Bestfriend namin si MUTE button. Kung ano-anong bad words ang nasasabi namin pag kami ay naka MUTE. At after namin magmura, balik kay customer at magpapaka-plastik na kunyari willing namin silang tulungan. Pero deep inside, iniisp namin na sana maghang-up na sya.

Nakaka stress na talaga sobra. Saludo ako sa mga nagtatagal sa pagiging agent for 5 years at knowing na american acount pa sila. Pero wala naman pinagkaiba kung american or new zealander (kiwi) ang tumatawag, pare-pareho lang silang mga bobo! ahahaha....

Sa ngayon, nagiisip na akong lumipat ng ibang karera.. siguro by next month… Konting tiis tiis muna… konting panggagago pa. wahahahahaha




Call Center Survival Tips for Pinoy Agents. Nakita ko lang to at promise, maraming totoo dito! ahahaha...





19 comments:

CheeNee said...

hahaha..sapul na sapul ako.. ako din callgirl eh.. uk account ngalang..:))..bestfriend talga natin si mute button..hahaha.. dito ok naman ang incentive..dun lang ako bumabawi sa sweldo..hehehe..

ilab this post!:)

Rap said...

san colcen ba kayo ni jobo??? maka apply nga at magreresign na talaga ako next month dito.. ahahaha... may back office kayo jan, non voice lang?....

twelveounces said...

Naku mga kapatid ko CC din. Laging puyat, at paiba iba ng shift, halos every week. Nakakaloka.

emmanuelmateo said...

saan po kayo nagtratrabaho?sa panahon po kasi ngayon kuya panahon ng pagtitipid dhil pamahal na ng pamahal ang mga bilihin.lets spend our money wisely.

TAMBAY said...

naks.. malaki ang sahod ng CC diba? un ang pagkakaalam ko.. at matatalinong tao hehehe...

nice post parekoy

Armored Lady said...

mag o-one year nkong tambay....
saglit lng nmn ang one year...hehehehehe
after ng february...magbbgo na buhay ko
sana..ahahahahahahaha ^_^

Kamila said...

inaantok na ako.. pero hindi sa post mo ah.. kase kasabay nito ay nag-aaply ako sa internet sa mga kung saan saan.. hindi kase uso papel resumer dito sa bansa na toh.. puro internet kaya di ko malaman kailan ba ako ma-tatawagan..walang interesado.

so anyway.. naalala ko.. dati lasing na lasing akong tumawag sa customer service ng globe..halos di ko na maintindihan nangyari..dahil hindi ako makapag-unli.. pero mabait naman siya at kinuha lahat ng impormasyon ko at nakapag unli naman ako kahit lasing...

naisip ko lang.. minumura kaya rin niya ako dahil sobrang lango ako.. hmmm..

Rap said...

kraehe - ganun talaga... paiba iba talaga kami every 2 months.. buti nlng! at wala akong eyebugs..

emmanuel - thanks sa advice, yup, nagiipon nmn ako kahit papaano, pero kulang pa din talaga... heheh... ayoko sabihin ung namae ng colcen, saka na pag resigned na ako. ahaha

Istambay - parekoy, nakakataba nmn ng puso sinabi mo.. pero hindi nmn po lhat MATALINO. may training nmn eh.. SKILLS lang ang puhunan mo siguro at dedication lang talaga... saka COMM SKILLS na din... pero di malaki sweldo ko... KULANG NA KULANG!!! ahahaha

Clai - lol, maganda yan! well, sana nga magkawork ka na din para libre mo ko KPOP CD. kain tayo Korean Resto. ahaha

Kamila - depende din po sa agent eh.. kung maayos din nmn treat mo sa kany khit lasing ka at nagkakaintindihan pa kayo, siguro di nmn nya nagawa ung naiisip mo... pero, walang imposible.. hehehe... di natin alam ^^

Blaine O said...

sa call center, madali pumasok... mahirap lumabas... naexperience ko yan for 2 months, di ko nakayanan... hehe

CheeNee said...

sa sitel.. dito sa ortigas.. meron kami chat support..try mo po..

Rap said...

@biboy - hehe... mukang ganun nga, hinohold nila ung mga ibang nagreresign samin... walang kwenta talaga tong company na to!!! makakaalis din ako dito! ahaha

@kokak - ay oo nga pala, nkita ko pics dati no jobo sa sitel... haaayyy... nagapply ako jan dati bumagsak ako.. ahahah 2 years ago... ^^

Xprosaic said...

Gusto ko subukan yan... kahit saglit lang... para malaman lang how it feels like... ahahahhaha... kung paano magpakagago rin...ahahahhahaha

Rap said...

@xprosaic - hahah... nice ah. kung gusto mo magpakagago, try mo muna sa ibang tao.. hehe. pag nagustuhan mo, go ka lang... (bad influence eh noh? LOL) pero kaw po bahala... kaw magdedecide kung gusto mo talaga. tenks sa pagkomento... ^^

JoboFlores said...

so katulad pala namin ni kokak potpot ikaw ay kolboy din?....heheheh minsan naiisip ko nakakabobo ang trabaho natin...pag may papasok na col sasagutin nang thank you for calling keme keme lou'' tapos pare pareho ang issue sa buhay...yung iba parang tumatawag na lang kasi wala silang ibang makaaway sa bahay nila...pakatapos closing spiel na...paulit ulit na lang heheheh nakakasawa na rin...mag aartista na lang talaga ako....sa susunod...na buhay hehehe

Rap said...

@job - snakakasawa na nga din... tapos badtrip pa talaga dito samin, MANDA OT. sinong hindi tatamarin dba?.. haayyy... pero, same tayo ng gusto, gusto ko din mag artista na lang! wahahaha

Sendo said...

call center capital na nga ata pilipinas eh hehe..gusto ko rin sana subukan mag call center agent hekhek... ^^ at nakikilala ko talaga ang isang CC agent kapag nakajacket at me nakasabit na ID hehe

Rap said...

@sendo - yup... tama.. in asia, India at Pinas ang may malaking BPO at CC industry. Kung nabasa mo ung comment dati ni miriam santiago (na TV din ata un) malayong maunahan ng pinas ang india sa pagiging CC capital... salamat at nalligaw ka dito.. hehe

Anonymous said...

Hey, Thank you for linking to my Blog I read through your blog and it was very insightful. Napagdaanan ko yang mga binangit mo personally. Mabuhay ang mga callcenter agent

Unknown said...

yun un eh! Lahat ng post dito swak na swak lalo na yung sup call! pag talagang tinatamad ka na bato mo na sa supervisor o kaya naman transfer sa ibang department. :)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...