(Ang buong kwento ng previous post ko - Ano ba ang "X")
August 13, 2010. Biglang naisipan naming magbabarkada na magkita-kita. Its been almost 7 months na din kasi kaming hindi nagkikita. Busy kasi kami sa work at mahirap magawan ng paraan sa schedule. Eto na lang uli ang pagkakataaon dahil halos lahat sa amin ngayon ay walang work ng weekends.
After ko sa work, umuwi lang ako para maligo at magpalit ng damit tapos, umalis din agad dahil late na ako sa usapan namin. Tinext ko si EX, I asked her kung nasaan na sya, sabi nya male-late din daw sya. Ang ibang berks namin ay kumpleto na dun, kami nalang ang wala. So, dahil ayokong mag grand entrance sa Shakeys na ako lang ang bukod tanging late sa usapan, sabi ko kay EX na sabay na lang kami para at least dalawa kaming late. ahaha.. Nagkita kami sa MRT North Station... Dapat ay 7pm ay nasa megamall na daw kami para mag dinner. Eh kaso, mga 8:30pm na kami nakarating ng megamall.
8:30pm. Ang meeting place - Shakeys Restaurant. Nakaupo na sila dun, mukang matagal ng nakaupo pero wala pang order kasi hinihintay kami hahaha. We ordered 2 monster meal grabe, dun palang, ang laki ng gastos pero ok lang kasi madami naman kami so maliit nlng ang partihan at di na masyado masakit sa bulsa. 4 na pizza, 2 carbonara, 2 spaghetti, 24 pcs. fried chicken, 2 basket ng mojos, 2 basket ng garlic bread at softdrinks. ang dami! di namin kinaya, pina takeout namin ang tira. ahahaha sayang eh. hinintay namin ang closing ng mall at umalis kami sa Shakeys ng mga 10.45pm. may mga tao pang natira at kumakain pa, pero ang mga crew ay busy na sa paglilinis.

2am. Pagtapos namin sa Tiende ng 2am, di namin alam kung saan kami na kami tutuloy. Kami lang naglalakad dahil mostly, may wheels. ahahaha. paki ba nila! we're just young professionals! lol. Ang iba sa amin, halatang di sanay sa puyatan at inaantok na. ung iba pwede umuwi sa kanila pero madami sa amin ang di na pwedeng umuwi sa oras na un, kasi mahirap magbyahe ng 2am at sarado ang mga gate ng bahay namin. Isa ako dun sa mga di pwedeng umuwi kasi sarado na ang gate ng bahay. So, umuwi na nga ang iba sa amin at 7 nalang kaming natira. nag-iisip kung saan pwede tumambay at matulog dahil di nadin kaya ng ilan.


Sa Araneta Center ang Eurotel. (experience the best Hotel in Europe pa ang tag-line nila) hahaha. kakatawa. wala na sa amin kung magkano, basta makahiga lang at pagod na din ang mga paa namin. pero WALA ULING VACANT ROOM! bwiset.
pagod na kami. di na kami naghanap pa ng motel dahil 3:30am na din naman. konting oras na lang, makakauwi na din kami at may araw na. un na lang ang nasa isip namin. Tumambay na lang kami sa Araneta Center pa din, tapat ng Colisuem malapit sa Telus. madami kasing tao dun kasi colcenter ang Telus at may mga employee na pagala-gala so safe na kami dun. Kwento-kwento para di makatulog, nanlalait ng mga taong kalait-lait na naglalakad, tatawa etc. In fact 26 hours na akong gising, pero ung 4 sa amin na nasa normal progamming world ay tamad na tamad na. ahaha. (naexperience nadin nila ang buhay colcen sa madaling araw)
hinintay na namin ang araw. 5:30am, kumain na kami sa Mcdo para derecho tulog na lang pag-uwi. At sa wakas, tapos na din ang aming "mini-adventure". haayy, sa tagal namin magkakasama, ito ang 1st time na nagawa namin ang adventure na to. Masaya hindi dahil sa nagkasama uli kami, kundi masaya na rin dahil umuwi na kami.
==========================
- Lesson learned?
- puno ang mga motel every friday. kasi madaming travellers pag weekend at gimikan talaga kapag friday. kung magdedecide na gumala uli, make sure na may mapagtatambayan na lugar. Ahahaha. It could have been better if we stayed in a bar na lang or maybe a comedy bar para atleast open pa until 5am. ( at next time un ang plano namin ahahahaha)
21 comments:
wow gala to the max....! haha fun fun fun!
:D
uber fun talaga... after din nyan, ang saya tignan ng wallet ko kasi wala na laman. aahaha
husay..sana kame din ng mga berks kowhz..jeje
kakagutom ang unang pics,.. panigurado nga parekoy, nagutom din ang wallet mo hehehe..
Lluloy - yayain mo sila... libre mo sila! hehe
Tambay - oo, tama ka jan.. ubos! di sya tulad ni McDo na wallet friendly! ahaha
kunyari ka pang ayaw mu malate mag isa... if i know gusto mo lang may solo moment kaung dalawa! hahaha
ahaha... pano mo nalaman??? adik ka hindi! ahahha.. HINDI!!!
Matagal na kaming may solo moment noh... wahahahaha! toinks! chismis ka jhengpot. ahaha
na mimiss ko na din yung mga ganyang lakad ..ibalik nyo na ako sa Pilipinas
puro libre ahhh...toinks!!!!!!
wow sinagad talaga ang bonding.. wahehhe
ikaw na ang super magkaroon ng lakad. hehehehehe
adang - tara, punta ka dito within 5 mins, tapos libre kita! ahahaha
lhuloy - ganun talaga...
kikomaxx - minsan lang kasi to mangyari eh.. kaya ayun, sigad kung sagad na...
Bino - ahahaha... magagawa mo din yan...
talagang walang pahinga to ah hehe..dmo tlga maiisip ang oras noh kpag ksama mo sila lalo na sa mga kaibigan ntin.
Apir kay kuya adang.. gusto ko na din bumalik pinas... di ko pa na-experience mag-motel.. pero gusto ko ma-try.. nyahahaha...... walang hiya hiya.. gusto ko ng adventure.. lol..
nakakatuwa naman ang gala.. sayang nga lang napagod pa kayo kakahanp ng motel.. tsk.. kung nag-bar na lang kayo mas happiness moment pa!!!:)
gusto ko sumama sa gala mo, kaso alang laman yung wallet, ko, hehehehe
grabe...umaapaw ang social life...
inggit ako...^_^
Emman - tama, masaya pag frinds mo kasama mo.. di bale ng pagod, uber saya naman!
Kamila - bkit dito mo pa gusto mag motel?? eh jan madami din nmn ah.. ahahaha
T.R - hingi ka kay ate watsons... ahaha. di ako maka getover sa kwento mong iyon! LOL
clai - tagal mong nawala ah... hindi naman umaapaw... sama ka din ah... nagmsg ako sa fb mo eh..
never pa ako nakapasok sa hotel/motel bwahahahahah
jobo.. mali pala ang akala kong suki kayo ni koka dun! wahahaha
mejo busy...geh..check ko..^_^
Post a Comment