Better late than never nga daw dba? Kaya eto, late na...
Masyadong trending ang salitang "Valentines" nitong nakaraang araw. (pagbigyan na natin, once a year lng naman eh). Take note, HINDI PO AKO BITTER!!!! Paano ako magiging bitter, EH ANG SARAP SARAP KO!!! BWAHAHAHAHA...
Moving forward, may mga taong ayaw makisabay sa mismong araw ng Vday. Super dami nga kasi ng tao. Saka ang corni. ahahaha... Sa office nga lang eh, ang corni ng idea nilang magsuot ng RED nung Vday. Eh no choice naman kasi super required daw kasi may client. Kaya ayun, muntanga lang kaming lahat sa office, pulang-pula! Itago nalang sa jacket kong color blue. #pasaway eh.
Moving forward uli, dahil wala naman akong ka-Vday, edi mag-Group date na lang. Sino ba kasi may sabing Vday is for lovers lang at sasapakin ko? hehehe...
February 11, 2011.
We have this annual tradition with my college friends. Group date kami lagi as part of our reunion kasi super busy. It started 2nd year college ata kami hanggang sa ngayon ay buhay pa din ang celebration namin na ganito. Parang christmas lang, may exchange chocolates kami.
We have this annual tradition with my college friends. Group date kami lagi as part of our reunion kasi super busy. It started 2nd year college ata kami hanggang sa ngayon ay buhay pa din ang celebration namin na ganito. Parang christmas lang, may exchange chocolates kami.
After ng shift ko sa work, as usual, walang tulog, derecho na sa MOA. Petiks sa loob ng bus habang traffic. Nakakaidilip ako in that way.. Advantage sakin yun kesa mag-MRT ako. Siksikan na, di mo pa feel aircon, nakatayo pa! Eh sa bus, petiks lang... ok lang late sa usapan, pa-VIP eh. hehehe.
We've decided na sa MOA gawin ang Valentine date ng barkada. First day din ng Pyrolympics/Pyromusical sa MOA kaya super dami ng tao. Super saya din. Kasi 1st time namin manuod ng pyromusical together. Syempre, di namin papalampasin ang MOA's Eye...
Wala naman ibang nangyari nung araw yun kundi, kwentuhan, asaran, tawanan, dinner at daldalan... Hanggang sa abutin kami ng 1am sa MOA at mga 2:30am na ako nakauwi sa bahay...