Saturday, October 30, 2010

BUTI PA ANG BIGLAANG LAKAD NATUTULOY, ANG PLANADO... HINDI

Nakakainis ung mga taong akala mo kung sino makapag-sabi na UNFAIR ung iba. Sa barkada na lang, uso ang ganung eksena. Halimbawa, kapag nag-aya ako ng lakad sa ibang kabarkada ko na alam kong sasama agad without any hesitations, ung lakad na iyon ay matutuloy. Tapos, kapag nalaman ng iba na hindi ko sila niyaya, sasabihin nila unfair daw kami (ako) kasi nagsosolo trip daw kami....

The reason why I didn't invite them is because, alam namin hindi din sila matutuloy. Sila ung tipong "sama sa galak, iwan sa lakad". Maraming beses ng nangyari un, nasa college days pa kami nun. So ang hindi ko magets, hindi pa ba sila sanay sa pag-uugaling meron sila!??...

Eto pa, kung sila naman ang magbabalak ng isang lakad or gimik, syempre lahat sasama at willing sumama. Pero, sa mismong araw ng lakad na iyon, bigla nilang sasabihin na "guys, postphoned... next time nalang". TANG INA di ba? planado na ang lahat tapos sila pa aayaw... kaya mas mabuti ng mag-organized ng isang lakad at isama ang mga taong alam kong sasama agad. Hindi ung puro salita lang na "count me in, sasama ako" pero di din naman sila matutuloy.

Minsan din naman, mas maganda pa ung bigla mo nalang itetext ung taong gusto mong makasama. In that way, you'll know na willing syang samahan ka nya kesa dun sa mga planadong lakad na hanggang plano lang talaga. Sabi nga e, "BUTI PA ANG BIGLAANG LAKAD NATUTULOY, ANG PLANADO... HINDI." TAMA hindi ba?!

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...