Tuesday, October 18, 2011

BongBong VS. NoyNoy

BONGBONG: can we talk?
NOYNOY: who you?
BONGBONG: kapal mo! you deleted my number na?
NOYNOY: kupal ka pala eh. sino ka ba?
BONGBONG: gago! senator BONGBONG here.
NOYNOY: tae ka! why would i have your #?

BONGBONG: di ka ba talaga pwedeng makausap nang matino?
NOYNOY: di tayo close, you know that!
BONGBONG: ulol! we have a lot of things in common, tandaan mo ‘yan.
NOYNOY: magkaiba tayo.

BONGBONG: ‘di ah! pangalan pa lang natin, pareho na! bong-bong! noy-noy!
NOYNOY: tanga! anong pareho dun!? magkaiba ‘yon. ferdinand ka, benigno ako.
BONGBONG: see? kapangalan pa natin ang ating mga ama.
NOYNOY: bobo! junior ka, the third ako. malaki ang difference no’n.

BONGBONG: pati sa mga kapatid natin, may similarity tayo. ‘yong panganay naming si ate IMEE: saksakan nang ‘tigas ng ulo noong dalaga. kapag nagustuhan ang lalaki, nagrerebelde.
NOYNOY: sira! hindi ganun ang panganay naming si ate ballsy.
BONGBONG: ha-ha-ha! sinong may sabing si ballsy ang tinutukoy ko?
NOYNOY: huwag mong idamay si viel, tahimik ‘yon.
BONGBONG: sige na nga. regards na lang kay kris. joke!
NOYNOY: namemersonal ka na!
BONGBONG: ikaw ang nagsimula!

NOYNOY: fault ko pa? sino bang sumisira sa diwa ng edsa? singapore your face! I’ve got two words for you: “martial law!”
BONGBONG: ah gano’n? babalikan na naman natin ang nakaraan? do not provoke me!
NOYNOY: really? here’s another: “marcos cronies!”
BONGBONG: pakyu ka! “kamag-anak incorporated!”

NOYNOY: “plaza miranda bombing!”
BONGBONG: “mendiola massacre!” hoy! wala kang alam sa history! si joma sison ang nambomba sa plaza miranda! ‘yon ang nasa libro ni ka jovy salonga!
NOYNOY: ah basta!
BONGBONG: ha-ha-ha naubusan ka na ng bala!

NOYNOY: noong panahon ng tatay mo, walang freedom of the press!
BONGBONG: noong panahon ng nanay mo, walang kuryente!

NOYNOY: marcos billions sa europa!
BONGBONG: whatever! hacienda luisita!
NOYNOY: engot! in five years, ipapamahagi na namin ‘yon!
BONGBONG: i don’t believe you! gawin mo muna!

NOYNOY: wala ka na sa Bagong Lipunan. wake up!
BONGBONG: wala ka na sa poder ng nanay mo, grow up!

NOYNOY: teka nga! bakit ka ba text nang text?
BONGBONG: eh bakit reply ka nang reply?
NOYNOY: ano ba talagang gusto mo?
BONGBONG: simple lang, state funeral and an honorable burial para sa aking tatay sa Libingan ng mga Bayani.

NOYNOY: that’s not for me to decide.
BONGBONG: i’m not surprised.
NOYNOY: what do you mean?
BONGBONG: wushuuu! aminin mo, hindi naman talaga ikaw ang nagdedecide sa government kundi ang mga taong nakapaligid sa ‘yo eh!

NOYNOY: that’s democracy.
BONGBONG: that’s weakness.

NOYNOY: hindi ako diktador!
BONGBONG: oops, i’m sorry mr. symbolic president.
NOYNOY: sumusobra ka na! ang pagiging sobra ang dahilan kung bakit kayo pinalayas ng people power sa edsa. you’re way out of line!

BONGBONG: out of line??? no! we’re so back! isa sa senado, isa sa kamara at isang gobernadora.
NOYNOY: WALANG STATE BURIAL!
BONGBONG: ha-ha-ha, now you’re talking! fine!

NOYNOY: tapusin na natin ‘tong usapang ‘to. stop txting me!
BONGBONG: agad? i’m just warming up.
NOYNOY: maghanap ka ng kausap mo.
BONGBONG: may ipapakilala akong chick. 25 lang. maputi, mahilig sa jazz music.
NOYNOY: huwag mo akong daanin sa babae. sa dami ng problema ng bansa these days, women are the least of my concerns.
BONGBONG: talaga? ok. fine. bye!
NOYNOY: sandali lang!!! chinita ba?

Silence.. (Note: BONGBONG Marcos didn’t reply. An aide said, “Na-check operator services po si Sir.”)

 

 

 This e-mail may contain confidential and/or privileged information. If you are not the intended recipient (or have received this e-mail in error) please  notify the sender immediately and destroy this e-mail. Any unauthorized  copying, disclosure or distribution of the material in this e-mail is strictly  forbidden.   

Thursday, October 13, 2011

Katangahan ko.. shet



shet.. may katangahan akong nagawa....


dinelete ko kasi ung album sa G+ ko, na ang laman ay lahat ng mga pics na naka-upload sa blog ko... 


eh hindi ko naman alam na pag dinelete yun, as in totally mawawala din sya sa mga posts ko. 


kaya ayun, nagtataka ako bakit puro may EXCLAMATION MARK ung mga images mostly sa lahat ng posts ko (kahit ung pinakaluma 2009 posts pa) nawala din!!!


Shet!!!


ang tanga tanga!!!


ahahaha...


BUDOY kasi eh!!!


haaayyy... gustuhin ko man iupload lahat uli, kasi ang panget tignan ang puro exclamation mark, pero ANG DAMI NUN!!!! saka isa pa, wala na akong copy nung iba... *naiiyak ako*


huhuhu....


peste!!!








Tuesday, October 11, 2011

Sila BUDOY...

Hindi ko syempre papalampasin ang moment na ito para ahmm... manlait? ahaha...

Nang dahil sa twitter at sa trending na "AKO BUDOY", masyado na naman akong natuwa at umiral na naman ang pagka-demonyo ko...


Unang-una, parang napaka big deal kay B.Mars ung "AKO BUDOY"?... di ko alam kung ako lang naka-feel, pero parang sarcastic ang dating sa akin... hehhe.. (ako na masama, sige na ako na!!) Half-half pa naman lahi nya, tapos ganito ang magiging reaction nya... Though, understandable naman na syempre hindi nya alam ang mga nangyayari dito sa pinas dba?.. Syempre kung ibang tao ka din naman, tatanungin mo din siguro kung ano nga ung AKO BUDOY.


Wala lang naman, gusto ko lang gumawa ng issue. ahahahaha... Endorser ka pa naman ng BEnch, at si Budoy, Bench din... BAHALA na kayo!!! kay Kuya Boy Abunda na lang kayo magpaliwanag... 




At dinamay pa si K.Perry noh?...

Etong si Ms.P naman, naki-ride on. (for publicity) ahahaha. Bentang-benta tong post nya sakin..



Sige Ms. P, IKAW NA ANG BUDOY!!! ahahaha.. KAW NA!!! SAYONG-SAYONG na ang TERM NA BUDOY! ahahaha


Infairness, your fans were trying to educate you about what BUDOY is all about...


At close na kayo ni Budoy ah?... Ang bilis ng transition ng chismis.. ahaha... (ano kaya reaction ni Mr. Budoy sayo?)



At nakita ko din pala sa tweets nya na gusto daw nga matuto pa ng ibang language... Siguro para malaman nya ang ibig sabihin ng BUDOY. hehehe... 




Friday, October 7, 2011

for my security purposes lang...

Hindi ko alam kung may naka-hack ba ng gmail account ko. May nangyayari kasing kakaiba eh.. Though I've noticed it for the second time pa lang naman, ayoko ng mangyari uli yun for the 3rd time...

May something na nakapost dito sa blog ko last week at kagabi, that contains a link (na never kong inopen ung link). Eh hindi naman ako nagpost ng ganun at walang reason para magpost ako ng something stupid na link na kagaya nun.. Kung may nakapansin man siguro senyo nun, baka nakita nyo sa dashboard nyo na may post ako kagabi HINDI PO AKO YUN.



At napansin ko din na pareho ang post sa blog ko at sa FB ko... Pareho kasing gmail ang gamit ko sa FB at sa blog, so malamang, gmail account ko nga ang hinahack. Pero iba ang PW sa FB dba?... ang weird basta... (pero bakit walang nangyaring kakaiba sa Google+ ko?)


Buti na lang, ibang email add ang gamit ko sa tumblr at twitter. Kaya ngayon, nagpalit ako ng PW para lang makasigurado and i'll observe this again... 







Thursday, October 6, 2011

Pa-contest

In my 24 years of existence, ngayon lang matutupad ang pangarap kong makapunta sa Star City. ahaha.. OO, ako na ang late bloomer when it comes to Star City. Inosente pa ako sa kanya... 

So paano naging totoo ang pangarap na ito?.. Last week kasi, saktong dayoff ko nun, tambay ako FB maghapon... nakita kong may parang promo ang Star City sa page nila. Deadma ko lang sya nung una kong nabasa ang post nila. Tapos, ewan ko ah, pero parang may pumasok sa utak ko na nagpa-convince sakin na patulan ung pakulo nila. Wala naman mawawala sakin kung susubukan ko eh. Kaya ayun, eto ang tanong nila...




Wala akong idea sa isasagot ko. Dalawang beses akong sumagot sa tanong na ito.. Mali kasi ung unang sagot ko at may dispute din naman sa question nila...Ang kelangan daw na sagot ay dalawang bands... Sabi ko sa sarili ko, "lokohan ata ito ah" heheh... Pero ewan ko din at kung ano ang pumasok sa isip ko, naisipan kong ibrowse ang ang mga previous post ng SC sa wall nila... At yun nga, ang sagot ay nasa mismong wall din nila, na pinost nila few days ago before sila magpa-contest ng ganito.

Excited ako nun. Bakit?... kasi konti pa lang ang taong nagpopost ng sagot. Binilang ko kung pasok ako sa first 10 commentors at booom! malaki ang chance ko... May pagka-OA na, pero ang bilis ng tibok ng puso ko nun habang hinihintay ang announcement of winners. ahahaha... Hanggang sa...




Bwahahahaha!!! at akalain mo nga naman, ako pa ung 2nd sa may tamang sagot. ahahaha.. Ang saya. Alam mo ung feeling na unexpected kang nanalo sa isang contest na hindi mo naman talaga sineryoso? ahaha.. at 2 ride all you can tickets pa!!! super saya!

Nag-PM sila sa mga winners about how to claim our tickets. Kahapon lang sila ng-PM at kagabi ko lang din nabasa. Sabi, this Saturday daw, Oct 8 start na ng claiming pero wala namang sinabing deadling kung hanggang kelan. Wala din sinabi kung hanggang kelan pwdeng gamitin, pero ayon sa comments nila, they advise na gamitin daw agad pagka-claim... 

Hmmm... May work ako ng Saturday at pwede kong i-claim un after shift ko. Pwede ko na din gamitin sa mismong araw na iyon, kaso SINO ANG ISASAMA ko?... ahahah.. Yun ang malaking tanong. Bahala na... 


Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...