Sunday, November 18, 2012

Lets' give a Bear.... ^_^



at habang gumagala ako sa mall kanina, I saw this cute bear. Kapag bumili ka ng bear (pair for Php 100) one bear will go to a certain charitable institution or orphanage. (bahala na si SM kung anong institution man yun, kasi di alam nung bantay eh) Well, I supported this campaign anyway... Nakakahiya naman sa mga nagshopping tapos for only 100, di ka magdodonate?... atleast in a simple way, nakatulong ako. YES, ANDUN ANG EFFORT AT SINCERITY KONG TUMULONG. (mabait din naman pala ako. ahaha)






Tapos, nahiya akong magpapicture habang sinasabit ung bear sa xmas tree nila.. kaya si ate na lang pinalagay ko at sya ang pinicturan ko. may konting bears na dun, so meaning may mga nagdonate na din... pero iilan pa lang... Sana sa mga makakabasa nito, let's support this campaign. Damihan natin ung bears na nasa xmas tree. I think, lahat naman ng SM malls may ganitong campaign. For only Php 100, may cute stuffed toy ka na, nakatulong ka pa sa kapwa... at ung isang bear na isinabit mo sa xmas tree, sasaya na ang mga makakatanggap nun. Promise, pamasko mo na sa kanila yun. :)

Then, i wrote dun sa card nung bear na dinonate ko "Hi, merry christmas and happy new year!".... ang sarap sa pakiramdam ng nakatulong ka sa nangangailangan... :)

Advance Merry Christmas to all! ^_^



Tuesday, November 6, 2012

Stalker mode...



hahaha.. saktong 30 days from now, gustong kong mag-isip ng pwede kong gawin na very unusual. Yung tipong unforgetable at ung tipong di mo aakalaing magagawa ko. ung wala sa personality ko... basta magulo hirap explain....

parang last year lang, nagpa-ear pierce ako. saka ang pinakamatindi dun, STALKER MODE AKO sa isang kaofficemate. Inalam ko kung saan sya nakaupo, at habang wala ng tao sa bay nila, lumapit ako at binuksan ang monitor nya. *tenen* nakita ko name nya! AHAHAHAHA.. at yun, seach sa fb... pero di ko inaadd... NAHIHIYA ako sa pinaggagagawa ko eh kaya piniem ko na lang sya... ! AHAHAHAHA... at ang lintik, after 2 months nagreply... at di na uli nasundan pa... :(









pero ngayon, masaya. at tawa ako ng tawa kasi sa sarili ko, nagulat ako at nagawa ko tong bagay na to. lakasan lang ng loob. hahaha... 




Sunday, October 14, 2012

blogger MU 2


Daanin sa photo blog. Wala akong masabi eh. As usual, katamaran. hehehe... Nagkita kita ang mga ungas.





Balikan ang pagkabata... Laro laro din sa WOF. Me and Jaid.

Musingan ang Jaid. Naka-seat belt pa oh. lol

bf ni kamil (mike), kamil, jaid, mj, me, at pablo ("friend daw ni mj" pero kung magkaholding hands HAHAHA)

endorsers ng jobee

Mj and Pablo (uyyyyyy hahah)

kamil ang BF

sa Eat my English bar sa Metrowalk. lahat ng cast andito.

di ko alam to. :)

ung magjowa uli... hehe

sa El Pueblo, hinintay namin si cheenee d2. 

Cheenee and Kamil

Cheenee and Jaid

obvious naman siguro...

Kamil, Cheenee, Jaid

Sila pa din tapos umepal ako... 

Kamil, Cheenee

Bagay oh! ahahaha issue?





Inumagang bonding. Nagkita sa Megamall, pumunta ng Metrowalk at huli sa Ruby Red bar sa Shaw blvd. Nagpakita ng card magic si Musingan... Lakathon (lakad mode lang lagi) ang ginawa. Hayaan ko ng sila ang magkwento.. Sorry, tamad eh. hahaha.


Monday, September 24, 2012

First Blogger MU


Kahapon, pagkagaling sa work at wala pang tulog malamang,  naisipan ko na parang ayoko munang umuwi ng bahay... wala naman akong gagawin. Matutulog lang ako nun. Nakakabobo. Dahil may isang ungas na gustong gustong magpalibre sakin, edi tinext ko sya.. Ang ungas na un ay si Musingan. Sinabi ko na agad sa kanya na wala akong pera, na kahit Mcdo ay kaya kong patulan para sa kanya... Pumayag naman ang ungas, siguro dala talaga ng pangangailangan! AHAHAHAHA.

Edi yun na nga, 1pm ang usapan sa Trinoma, at dumating ang matabang ungas ng 2pm. Wow ah, tagal kong naghintay. natulog na lang sana ako sa bahay. :)

After nun, may katagpo din pala sya sa Trinoma. By the way, first time namin magkita nitong ungas na to at nilait lait ko na agad sya.. feeling close! lol. Hinintay namin si Suprejaid. First time ko din syang na-meet. Sabay kaming tatlo sa lob ng MRT papuntang Ayala Station para naman i-meet ang ibang blogger sa Glorietta.

Ang adik na si Jengpot. Parang tae kasi eh, kung mag-text installment basis. Tetext mo kung saan sila banda, magrereply lang ng "sa glorietta". Naknang! ang laki ng glorietta?!... tinext ko uli kung saan sa glorietta, ang sabi naman nya "glorietta 5" daw. And again, ang lawak ng G-5... tapos sabi nya sa foodcourt... (saan kaya sa foodcourt?) Tapos biglang magtetext na wala daw sila sa G-5, kundi nasa glorietta 4 pala sila... naknang talaga! ahahaha... 


First time ko din makita ang mga blogger famous na si kuya Bino ng Damuhan, kuya Khanto at syempre ang Star of the Night na si Akoni with special participation ni kumander nya... :) Parang winner sa Willtime Bigtime si Akoni.. daming dollars! ahahahaha.. Thanks nga pala sa food. Yung polo mong type ko, pwede mo pa din ipadala na lang sakin... hehehe.. 


Dahil sa wala akong picture, sa kanila na lang ako aasang i-upload nila. hahaha. Eto at nakapagnakaw na ng isa kay Musingan ng walang paalam. Wala naman syang magagawa, naka post na eh. At isa pa sa twitter ni kuya Bino. ahahaha... Sorry guys, I'll give the credits naman senyo eh. ^_^




Ang kulit lang.. wala na akong masabi. hahahaha...


... and there has been closure ...



September 18 last year pala ang araw na hindi ka na nagpakita. Bigla ka na lang nawala ng parang bula. Though I've arranged an appointment with you, pero di mo ko sinipot. Nagmukha lang akong tanga at naghintay ng 2 hours sa SM Marikina last year para lang marinig ko sayo ang mga salitang gusto kong marinig from you. I would want you to explain that time. Maraming "Bakit?" akong tanong sayo, pero wala eh... hindi ka nagpakita.... At from there, hinayaan ko na lang kalimutan ang lahat... hinayaan kong kalimutan ka. It took me almost a month bago ko talaga matanggap ang lahat.... matanggap na wala ka na at never na uling magpapakita pa...




... Pero last Sept. 20, 2012, parang bumalik ako sa nakaraan. Habang naglalakad ako papasok sa work, sa dinami dami ng taong pwedeng makita ay bakit IKAW pa? I didn't wish na makita ka uli, pero wala akong nagawa. Kaw ang lumapit at kaw ang unang nagsabi sakin ng "oh, ano ginagawa mo dito?"

Natulala ako ng ilang segundo.. matagal na ang 5 segundo dahil naka-dalawa syang tanong sakin ng "kamusta ka na?", "san ka papunta?" habang ako ay napipi at tulala pa din. Gulat sa pangyayari. All of a sudden, ang taong kinalimutan ko na, ang taong biglang nawala ay bigla na lang din nasa harap ko at kinausap ako. Bigla tuloy nag-flashback sakin ung mga panahong nagmukha akong tanga habang ako naman ang naghihintay sa iyo. 

Sya: "uy, kamusta? san ka papunta?"

Ako: "ah, papasok pa lang ako. kaw, bakit andito ka?"

"anong oras time mo? hinihintay ko lang ung friend ko, may binili lang sa mercury drug..."

"12am time ko" (10:30pm pa lang nung mga oras na yun)

"maaga pa ah... Diba sa North ka nagwowork?"

"wala na ako dun last june pa, Sa gilmore na ako"

"Edi wala ng Lrt nyan..."

"oo nga eh, kaya naman ng jeep... Eh, kaw, sa makati (ayala ave) ka pa din ba?"

"hindi na din. sa Magallanes na ako."

"ahh ok..."



*** at biglang tumahimik ****



May konting pagkailang akong naramdaman. Di ko alam kung dapat ko pa bang ipagpatuloy ang pag-uusap namin o aalis na lang ako, kunyari nagmamadali ako papasok... Pero dahil nga nag-flashback ang mga nangyari last year, naisip kong baka PAGKAKATAON NA DIN TO para malaman kung ano ang totoo... Para marinig ko sa kanya ng harapan ang mga salitang hindi ko narinig bago sya nawala. Bahala na kung anong masasabi nya, basta alam kong tapos na ang lahat... 

"pumapayat ka ah?"

"huh? hahaha.. stressed eh... kaw din naman ah, pumayat ka."

"oo, mahirap kumain eh. May braces na kasi ako."




*** at bigla uling tumahimik habang tinitignan ko ang mga taong palakad lakad ***





"Kaw, kamusta ka na? Bakit bigla ka na lang nawala?..."

Mga ilang segundo din bago ako nakarinig ng sagot sa kanya.  Tumango lang sya (sign na parang "ewan, di ko alam eh..." parang ganun ang gusto nyang sabihin) Hindi ako nagtanong uli. Nanahimik... Hinintay kong may sabihin sya. At biglang...

"Ewan, di ko alam eh. nawalan ng spark..."

Mukha syang nakatawa habang sinasabi nya yun, ganun naman talaga sya eh di mo magets ang emotions nya minsan... pero alam kong seryoso sya. Hindi ko na din sinundan pa ng ibang tanong, Yun na siguro ang mga salitang dapat kong marinig dati pa mula sa kanya. At sa wakas, narinig ko yun ng harapan sa kanya...




*** KATAHIMIKAN *** 





"Nasa akin pa ung mga pics natin..."

"talaga?..." then I smiled.


Wala na akong masabi after kong marining ang mga sinabi nya. Hindi ko naman napansin kung suot pa nya ung bracelet ng binigay ko sakanya, pero wala na akong balak pang alamin yun... Those words are enough. 



"Kamusta naman lovelife mo ngayon?"

"wala. eto. masaya..."

"weh? wala ng sumunod after sakin?"

"wala."




*** At anjan uli si KATAHIMIKAN ****




Lumabas na ang friend nya galing sa mercury drug. Alam kong sa ganung eksena na matatapos ang kwento. Gumagabi na din at papasok pa ako, sila naman ay pauwi na. Ang way ko para makasakay ng jeep ay pareho din ng way nila. So pareho pa kaming maglalakad paderecho hanggang sa sakayan. Pero ayoko ng mangyari yun.

"O sige, una na ako ah"

"cge cge... "




Nauna na akong naglakad. Sa una, mabagal pa. Tulala pa din sa mga nangyari. Pero binilisan ko na din ang paglakad. Hindi ako lumingon patalikod. Hinayaan ko na lang kung saan ako dadalin ng aking mga paa. Normal na lakad ng tipong nagmamadali sa office, ung tipong parang walang nangyari...


After 1 year ng bigla nyang pagkawala, siguro ito na nga ang matagal ko ng hinihintay na "closure". Tapos na ang kwentong ito. Masaya na ako. Bagong kwento na ang susunod...




Sunday, July 8, 2012

...

hindi ko alam kung paano sisimulan ito... wala ako sa mood ngayon, pero ewan ko kung bakit nasa harap ako ngayon ng pc at nagta-type sa keyboard. ang dami kong gustong sabihin at ikwento,  pero ewan ko bakit mas pinili kong kausapin ang notepad kesa makipag-usap sa tao. hayop ba ako?! hahahaha... tangenge lang uli ako. :)




i missed my old damn self. mukhang nag-eemo na naman ako ah. ahahaha.... pero seriously, namiss ko ang ganitong setup ng buhay ko. ung tipong ako lang mag-isa sa mundo. si notepad lang at si pc ang kausap ko. ang sarap lang kasing maging loner minsan eh. walang magulo... walang nanggugulo... at alam mong walang magbabalak na guluhin ka! hehehe... tama? maraming bagay ang pwedeng mong gawin kung nag-iisa ka lang (hindi to bastos ok?!) what i mean is mas malaya kang mag-internalize? (artista?) ahahahaha... mas feel mong mag-reminisce... parang holy week lang. it's time to reflect.  




i missed blogging... i missed expressing myself. kaso eto lang siguro ang hirap kapag super busy ka, wala ka talagang time. madami ng mga memories ang nagdaan na hindi ko nai-blog. pero walang panghihinayang. tandang-tanda ko pa naman ang mga pangyayaring iyon. sariwa pa sa utak at sa memorya ko ang mga yun. babawi na lang uli ako sa susunod...  at mas madrama sa susunod. (kelan naman kaya yun?) LOL :))






Wednesday, May 23, 2012

My 2nd Baguio Adventure

5 nights and 4 days kaming nagbakasyon sa Baguio. Dahil nag-iinarte sila mama at papa at ayaw sumama (tatakbo daw kasi ang bahay kapag walang maiiwan) kaya sinama nalang namin ni kuya ang 2 pinsan ko. Wala kaming inintindi sa gastos kasi ung bahay na tinirhan namin dun ay pagmamay-ari ng Auntie ng wife ni Kuya. Nagkataong kakaalis lang ng nangungupahan dun kaya binigyan muna sila ng pagkakataon magbakasyon dun ng Auntie nila at libre na sa rent. Pero kung hindi nila Auntie yun at kung hindi nila Ninang sa kasal, ang halaga ng bahay ay 12K per month. Depende sa price yung mga rooms kung transient houses ang pag-uusapan.





May nakatira sa kaliwang bahay at samin ung kanan. 


Day 1. Mostly pictorial lang sa bahay to at pinuntahan lang namin ay Burnham park at SM baguio. Dun namin na-meet ang ibang relatives ng wife ni kuya kaya dinner na lang din sa SM Baguio.






DAY 2. Gala to the max. Pinuntahan ang mga dapat puntahan sa Baguio. Hindi naman ako mahilig sa extreme experience or extreme adventure pero hindi ko din naman masasabing ayokong subukan or takot akong subukan. Lakasan lang ba ng loob. Tutal naman, may bagong attraction sa John Hay sa Baguio, edi i-grab na ang opportunity na subukan ang Tree Top Adventure para maiba naman ang Baguio experience namin at hindi ung usual na gala at sight-seeing lang…




  • Tree Drop experience. Ito ung parang rappeling kaso patihaya ka (not the usual rappeling). Nasa 60ft. flatform ka, at uuga-uga kang naka-hang sa ere ng padapa. Bahala ka kung ano gusto mong gawin ayos sa kamay mo, pwedeng close fist or bahala ka… Basta wag mo lang hawakan ung rope. Maraming foreigner at mga turista ang nagtry. Maririnig mo ang sigaw nila kapag bumagsak na sila. May nakakatawa ang sigaw, may pasimpleng mura pa. Nakakabigla lang kasi ung moment na sinabi ni kuyang nag-aassist sayo na “sir, tingin dun oh, pipicturan kayo”  edi syempre magpapacute ka naman para sa picture. Tapos walang sabi-sabi, hindi mo alam na bigla ka na palang ihuhulog sabay sabing “aaaaaahhhhhhhhhhhh… tanginaaaaaaaaaaa!!!” at nanginginig akong nagtanggal ng harness nung after kong mahulog. Masarap lang ang feeling. Nakakatawa kasi ang mukha akong gago sa picture nung pagbagsak ko. Basta, masarap na muntanga lang ang itsura. ahahaha… Php 150 lang naman ang tree drop, kaya pwede na para sa mga may lakas ng loob mag-try.





DAY 3. Swimming at Mountain View Resort in Itogon Benguet. Hotspring sya. Hindi nga lang sya fully developed na resort kasi nasa bundok pero masarap naman at super linaw ng tubig. Mas gaganda pa sana to at magiging tourist attraction kung madedevelop pa ito. Karaniwan kasi ng mga tao dito ay mga taga Benguet lang din at karatig na bayan kaya sila nakakaalam nun. May mga Korean din na nagbababad sa mismong hotspring. Maganda sya infairness.






Kasama namin ang mga pinsan ni sister in law na sila na din ang nagsilbing tour guide namin at interpreter kasi mga Ilokano sila pati na din ang language. Php 40 lang ang entrance (imagine, walang ganyan sa Manila!)


DAY 4. Last day na din naman kasi umuwi na kami kinagabihan. Pero bago umuwi, sinulit ang gala nung umaga. Kaming magpipinsan na lang ang gumala kasi ang mag-asawa ay naiwan sa bahay at may lunch sila together with some relatives ng sister in law ko. Di na kami nakahabol sa lunch nila, kasi mas ginusto namin gumala. hehehe...



  • Funicular Ride. Wala lang to. Parang escalator lang pero nakaupo. Ihahatid lang naman kasi kayo nito sa taas ng station ng canopy para di mag-effort sa stairs. :)




  • Canopy ride sa John Hay pa din. Unlike tree drop, eto ay Php 350. Pero sulit din naman sya kasi 8 stations ang pupuntahan mo. Nakaupo ka lang, tanaw na tanaw ang view sa baba tapos mabagal lang ang andar. So may time kayong mag-moment at magphotoshoot sa taas habang umaandar.


Super bitin ang bakasyon. Hanggat maari nga ayoko ng umuwi ng Manila. hehehe... Mainit na naman kasi. At dahil dito, 3 days akong absent sa work without even informing my Boss na nagbabakasyon ako. No call no show nga daw eh. Ang tindi at 3 days pa! ahahaha.. Ang saya lang kapag kasama mo ang mga mahal mo sa buhay. Sayang sila mama at papa, maarte kasi eh. Baka next year na lang uli pag-uwi uli ni sister in law from Canada. :)



For any other inquries, check their website: 




http://www.treetopadventureph.com/index.html 







Sunday, April 8, 2012

Happy Easter Eggs!!!!

masarap ka ba?.. padila nga!

omg, parang OP ako d2 ah... ako lang maputi. lol

bleh! 

monster eggs

ala lagot!!! sino susunod?

sinong matapang dito ah?

i just want to be with you... (hangsweet ^_^)

teka lang ah... 

aray, sakit ng ulo ko!

huhuhu.. nabungi ako

WHHAAAATTT!! WTF!!!

anjan na si kamatayan!

nalulunod ako!!! nalulunod ako!!!

massacre



Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...