Monday, September 24, 2012

First Blogger MU


Kahapon, pagkagaling sa work at wala pang tulog malamang,  naisipan ko na parang ayoko munang umuwi ng bahay... wala naman akong gagawin. Matutulog lang ako nun. Nakakabobo. Dahil may isang ungas na gustong gustong magpalibre sakin, edi tinext ko sya.. Ang ungas na un ay si Musingan. Sinabi ko na agad sa kanya na wala akong pera, na kahit Mcdo ay kaya kong patulan para sa kanya... Pumayag naman ang ungas, siguro dala talaga ng pangangailangan! AHAHAHAHA.

Edi yun na nga, 1pm ang usapan sa Trinoma, at dumating ang matabang ungas ng 2pm. Wow ah, tagal kong naghintay. natulog na lang sana ako sa bahay. :)

After nun, may katagpo din pala sya sa Trinoma. By the way, first time namin magkita nitong ungas na to at nilait lait ko na agad sya.. feeling close! lol. Hinintay namin si Suprejaid. First time ko din syang na-meet. Sabay kaming tatlo sa lob ng MRT papuntang Ayala Station para naman i-meet ang ibang blogger sa Glorietta.

Ang adik na si Jengpot. Parang tae kasi eh, kung mag-text installment basis. Tetext mo kung saan sila banda, magrereply lang ng "sa glorietta". Naknang! ang laki ng glorietta?!... tinext ko uli kung saan sa glorietta, ang sabi naman nya "glorietta 5" daw. And again, ang lawak ng G-5... tapos sabi nya sa foodcourt... (saan kaya sa foodcourt?) Tapos biglang magtetext na wala daw sila sa G-5, kundi nasa glorietta 4 pala sila... naknang talaga! ahahaha... 


First time ko din makita ang mga blogger famous na si kuya Bino ng Damuhan, kuya Khanto at syempre ang Star of the Night na si Akoni with special participation ni kumander nya... :) Parang winner sa Willtime Bigtime si Akoni.. daming dollars! ahahahaha.. Thanks nga pala sa food. Yung polo mong type ko, pwede mo pa din ipadala na lang sakin... hehehe.. 


Dahil sa wala akong picture, sa kanila na lang ako aasang i-upload nila. hahaha. Eto at nakapagnakaw na ng isa kay Musingan ng walang paalam. Wala naman syang magagawa, naka post na eh. At isa pa sa twitter ni kuya Bino. ahahaha... Sorry guys, I'll give the credits naman senyo eh. ^_^




Ang kulit lang.. wala na akong masabi. hahahaha...


14 comments:

Bino said...

wow ang aga magpost! naunahan ako lol. nice meeting you. sa susunod ulit :D

Arvin U. de la Peña said...

ayos...


nasa blog list po kita sa stage 2...di ko alam nasa blog list mo pala ang blog ko...now ko lang nalaman....

Jessica said...

wow ang saya naman niyan.. hehe

Leonrap said...

bino - may kaagaw kasi ako sa pc mamaya kaya kelangan gumising ng maaga para makauna sa pc...


Arwin - hehe... di na kasi ako super active d2 eh... kain-tulog-work lang ang pinagkakaabalahan ko sa buhay.


Jessica - pag nagpunta kami Baguio uli, tara! lol

musingan said...

ahahhaha.... kung makapanlait ka e no... hahahha... pero nalaman ko na ok ka rin pala kasama... dahil dyan... huwag ka manonood ng The Mistress kung hindi ako kasama... nood tayo... per KKB muna... ahahahah.... at nga pala... sama natin sin Pause Queen... Pause iyak huhuhuhu... si Jaid yun... ahahahha


pabitin effect si jaid kung magtext... ahahahah... yahooo...

KULAPITOT said...

wow.. follower muna ako...

Diamond R said...

Tawa ako ng tawa sa installment na text ni jengpot- adik talaga mukhang napipilitan lang sumagot. Buti na lang di napipikon si Al sa panlalait mo.

the best ang star of the EB.

Diamond R said...

Tawa ako ng tawa sa installment na text ni jengpot- adik talaga mukhang napipilitan lang sumagot. Buti na lang di napipikon si Al sa panlalait mo.

the best ang star of the EB.

khantotantra said...

nice meeting you. at thanks sa fb add. :D

TAMBAY said...

mula kay sir bino ay nagawi ako dito at talagang natawa ko sa kwento tungkol kay jhengpot. ^^ kulit haha

nag iisip ako. wala pa kong namemeet na blogger kundi si sir empi at sy maam yanah :)

sana may mameet pa ko ^^

SunnyToast said...

Saya naman nag kitakita kayo:) minsan sasali ako:) pa join ha!

Superjaid said...

ang dami kong tawa kapag nababasa ko yung salitang ungas na naging matabang ungas pa. nakakabaliw!as in sumakit talaga ang panga ko sa tandem nyo ni kuya musingan. sobrang kulit nyo!!haha nice meeting you rap. sa susunod ulit!=D

jhengpot said...

Edi ako na shunga! gagu ka ha. lol

Shunga ka rin eh, pangalawa mo na kaya toh! una si lhuloyski dba? ayieee... hahahaha

Hoy sa 6 ha!

Xander said...

i supposed to be here hahaha kaso may urgent na gagawin wahahaha

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...