grrrrr!!! |
First day of Feb, 2012. I decided na asikasuhin ang pagkuha ko ng NBI clearance... (por pabor, wag nang itanong kung para saan ko gagamitin yun, ok?!)
Dahil restday naman at araw ng paggagala ko, 4am ako nagising. Sabi kasi dapat daw 7am andun na para makaabot sa cut-off na 500 people lang per day. Ang venue - Robinsons Galleria.
Umalis ako ng bahay ng mga 5:30am. (ako na mabagal kumilos). Ayokong mag MRT kasi alam kong sardinas kaya nag bus nlng ako, seating pretty pa at mas feel ko ang aircon. In short nakarating ako sa mismong Rob Galle ng mga 7:45am. (kasama na dun ang traffic at mga stop over ni manong driver)
Pagdating ko sa mismong entrance para magtanong sa guard, ang dami ng tao. edi lapit na ako kay manong guard... saktong may naunang nagtanong din sa kanya (di ko alam kung saan sya nanggaling, basta bigla na lang nakita ko sya sa harapan ko) kaya nakinig na lang ako sa usapan nila. We have the same question din naman kay manong guard at yun ay kung paano at saan kukuha ng number para sa NBI. Baka sabihin kasi biglang bumanat si manong guard ng "Ano ba yan, paulit-ulit?" ahahaha...
Straight to the point ang sagot ni guard. (siguro pagod na din syang kakaulit ng sagot). Ang sabi nya, "wala na pong kuhaan, ubos na po ung number kanina pang 5:30. Balik na lang po kayo bukas ng maaga, or madaling araw para pumila..."
No reaction. Normal lang ba. Sa dami ba naman ng taong nakapaligid na sa galle nung oras na yun, malamang nga ubos na. Pero di ako agad umalis sa galle (sayang bihis ko eh, irarampa ko muna) ahahaha!
Nag-isip ako kung ano magandang gawin. (waw ah, akalain mo un, ako?? nag-iisip? bwahahaha! SHET!!!) Naki-chika muna ako sa ibang malapit sa kinatatambayan ko. I asked them kung what time sila nagpunta ng galle at kung ano number nila... Among those people na malapit sa akin, dalawa lang ang kinausap ko kasi choosy ako - ung kasunod ko dapat na magtatanong din kay manong guard at ung isang katabi ko habang nag-iisip kung ano na gagawin ko. Pero walang kwentang kausap ung kasunod ko kasi nagdecide syang umuwi na lang,.. well, la me care sa kanya.
Ang sabi naman ng isang kinausap ko, 5am daw sya nakarating ng galle at ang number na nakuha nya ay pang 482th na. WOW dba?! Amazing! tapos ung iba nakisagot-sagot na kahit di ko tinatanong. Ung iba daw 2am nakapila na, at dahil maaga nga pila nila, nasa 200 something na din ang number nila. So that means, kung gusto mong makakuha ng magandang number, siguro dapat pumila ka na habang pasara na ang mall. mga 10pm siguro. =)
---------------------------
Ayokong umuwi ng walang nangyari sa lakad ko. Tinext ko ung isang iglot kong kaibigan (ahaha... u know who u are), sabi nya meron daw sa VICTORY MALL (Monumento) kuhaan din ng NBI. Edi go naman ako. Nag round trip lang ako from Nova-Ortigas... tapos from Ortigas-Monumento naman. Ang saya ng nasa aircon bus, super lamig at wiwing-wiwi na ako. ahahaha....
Pagdating sa Monumento ng mga 9:20am, pasok ako ng jolibee... Kakain sana ako, magandang pambungad sakin ng isang crew, "gudmorning sir, welcome to jolibee...". I smiled. (toinks!) at naghanap ng CR. Un lang ang pinunta ko sa loob ng jolibee at sabay labas din.
Papasok na ako ng Victory mall, pero sabi naman ng guard dun wala na daw NBI sa loob. Lumipat na daw sa GRAND CENTRAL. (bakit pa kasi palipat-lipat ang mga hinayupak na yun?). BUti na lang, katapat lang ng VMALL ang Grand Central, so keri lang. As usual, super dami ng pila at sarado pa ang mall. Nung nagbukas na ang mall, ang gulo na ng pila kasi ang dami din entrance dun. So ung iba, umalis sa pila nila at sa iba naki-entrance (parang ako lang, diskarte tawag dun) at sabay takbo sa taas para maunahan ung mga ungas na nasa bandang unahan. Successfull naman ang pagtakbo ko, mejo nasa malapit na ako.
BUT....
Wala din naman nangyari. Nagsulat lang ng name sa attendance sheet siguro nila, at binigyan kami ng number tapos sabi bumalik na lang daw kami sa FEB 22 para sa mismong pagprocess ng NBI. In short, YUN LANG ANG IPINUNTA KO DUN - ANG NUMBER!... haaayyy at pang 250th ako! ang saya saya! Dahil nga malinaw na sakin ang lahat na wala akong mapapala sa araw na yun, lumayas na ako pagkakuha ko ng number.
-------------------------------
Buti na lang, nasa bahay na si kuya nung oras na yun. Tinext ko sya at pinahanap ko kay google ang branch ng PHILHEALTH sa Caloocan dahil andun na din naman ako. Sucess! nagtext naman ang ungas at nakita ko ang building... Wala pa akong Philhealth ID pero may PH number na ako. Konti lang ang tao kaya kinapalan ko ng magtanong. Ayun, nakakuha na din ako ng PH ID. SO ATLEAST MAY NAGAWA AKO SA ARAW NA YUN...
After nun, i decided na makigulo at bumisita sa isang kamag-anak na taga caloocan. Libre na lunch, nakapagpahinga pa ako, nakanood ng TV at feel at home. hehehe... pero nung nagsawa na, umuwi na din ako.
Balik sa SM north ang ruta ko dahil gusto ko pang gumala. Nakita ko ang Bubble Tea sa The Block at nademonyo akong pumasok at kumain mag-isa... Ang dami ng naorder ko, eh saktong pauwi pa lang ang ibang kateamates ko, tinext ko ang isang teamate at pinasunod ko kung asan man ako naroon. Edi dalawa na kami ngayon! Masaya na ang buhay, di na lonely.. hehehe... at after kumain, derecho uwi na talaga...
HAAAAYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYY.
Perwisyo ung NBI Clearance na yan. Bakit di na lang kasi gawing online? bakit tinanggal ang renewal? bakit nagbago ang sistema pero wala naman pinagkaiba sa itsura kapag nakuha mo na mismo ang NBI Clearance mo. color yellow pa din. wala man lang nagbago, so ano bago dun?... Pinahirap lang nila. WALA TALAGANG KWENTA KAPAG MAGPPROCESS NG KAHIT ANONG GOVERNMENT PAPERS/REQUIREMENTS. Pahirapan talaga.
Naisip ko tuloy, kung sakaling iba ang nationality ko , may NBI clearance din ba sa at do i need that para makapagwork sa ??? O dito lang maraming kaartehan kasi IT'S MORE FUN IN THE PHILIPPINES nga daw?!... HAHAHAHAHAHA =)
8 comments:
magngangawa ka man jan,wala kang magagawa hahaha...
mag aabroad>?well
ganun talaga. ako naman swerte sa nbi clearance ang daling nakakuha :)
high five rap!
problema ko din yang NBI clearance na yan! makita ko pa lang pila
"I GIVE UP" na ang drama ko
good luck sau..^_^
dapat may BACKER ka jan... haha!!
dito sa pilipinas,,dapat bawat ahensya ng gobyerno may kakilala ka para hindi ka mahirapan...
agahan mo kasi at bilisan mo kumilos! kaw talaga!
eenjo mo nalang yan.. dami pang pagpipilahan sa buhay...
jay - abroad?.. ako?.. naku, ni maglaba nga ng underwear di ko ginagawa eh.. di din marunong magluto... ahahah...
bino - baka way back 90;s pa yan... ahaha.. joke
clai - yeah, gudlak talaga. salamatz
allan - hmm... so parang may mga alaga akong buwaya nun?... buwaya ng gobyerno.. lol.. wala me kakilalang ganun eh... mga artista lng kaclose ko. LOL
jengpot - mabilis ako kumilos.. kaso mas mabilis pa din takbo ng oras kaya ganun... gets mo? kung hindi... wag mo ng balakin pa... magpapagod ka lang. ^^
kikomax - yeah, tama... pipilahan din ang lamay ko kung sakali. ahahah
Post a Comment