Thursday, March 29, 2012

Ang BFF kong si NOTEPAD...



Draft muna.. bago post.

Everytime na gagawa ako ng blog post, hindi ko tinatype directly sa "add a text post" or "create new post". Ginagawa ko muna ito sa bestfriend kong si NOTEPAD. Tama, si NOTEPAD!


Ayoko kay MS WORD, ayokong makita ung ibang options at icons sa MS WORD. nadedestruct lang ako kapag si MS WORD ang kaharap ko. Kaya gusto ko si NOTEPAD, kasi simple lang sya. Payak. Direct to the point. Walang underline na makikita kung sakaling mali ang grammar or spelling mo. I admit, nagkakamali din naman ako. Maraming mga typo error. Pero mas gusto ko pa din gamitin si NOTEPAD.


Kay NOTEPAD ko sinasabi lahat ng pwede kong sabihin bago ko ito sabihin sa lahat. Sa kanya ako nagmumuni-muni. Sa kanya ako nagsasabi ng mga saloobin ko sa buhay at pati mga bitterness ko sya din ang unang nakakaalam...


Ganyan kami ka close ni NOTEPAD... Ikaw, bestfriend mo din ba si NOTEPAD? ^__^



3 comments:

RED said...

naku old school ako. ink on paper muna.

Leonrap said...

hahaha... nawawala ko kasi minsan pag sa papel..

Chris aka C2 said...

same here! notepad hahahaha ewan ko kung bakit pero mas madaling magsulat at magbasa dahil sa font at dahil nasa office ako madaling itago :D

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...