Monday, September 24, 2012

First Blogger MU


Kahapon, pagkagaling sa work at wala pang tulog malamang,  naisipan ko na parang ayoko munang umuwi ng bahay... wala naman akong gagawin. Matutulog lang ako nun. Nakakabobo. Dahil may isang ungas na gustong gustong magpalibre sakin, edi tinext ko sya.. Ang ungas na un ay si Musingan. Sinabi ko na agad sa kanya na wala akong pera, na kahit Mcdo ay kaya kong patulan para sa kanya... Pumayag naman ang ungas, siguro dala talaga ng pangangailangan! AHAHAHAHA.

Edi yun na nga, 1pm ang usapan sa Trinoma, at dumating ang matabang ungas ng 2pm. Wow ah, tagal kong naghintay. natulog na lang sana ako sa bahay. :)

After nun, may katagpo din pala sya sa Trinoma. By the way, first time namin magkita nitong ungas na to at nilait lait ko na agad sya.. feeling close! lol. Hinintay namin si Suprejaid. First time ko din syang na-meet. Sabay kaming tatlo sa lob ng MRT papuntang Ayala Station para naman i-meet ang ibang blogger sa Glorietta.

Ang adik na si Jengpot. Parang tae kasi eh, kung mag-text installment basis. Tetext mo kung saan sila banda, magrereply lang ng "sa glorietta". Naknang! ang laki ng glorietta?!... tinext ko uli kung saan sa glorietta, ang sabi naman nya "glorietta 5" daw. And again, ang lawak ng G-5... tapos sabi nya sa foodcourt... (saan kaya sa foodcourt?) Tapos biglang magtetext na wala daw sila sa G-5, kundi nasa glorietta 4 pala sila... naknang talaga! ahahaha... 


First time ko din makita ang mga blogger famous na si kuya Bino ng Damuhan, kuya Khanto at syempre ang Star of the Night na si Akoni with special participation ni kumander nya... :) Parang winner sa Willtime Bigtime si Akoni.. daming dollars! ahahahaha.. Thanks nga pala sa food. Yung polo mong type ko, pwede mo pa din ipadala na lang sakin... hehehe.. 


Dahil sa wala akong picture, sa kanila na lang ako aasang i-upload nila. hahaha. Eto at nakapagnakaw na ng isa kay Musingan ng walang paalam. Wala naman syang magagawa, naka post na eh. At isa pa sa twitter ni kuya Bino. ahahaha... Sorry guys, I'll give the credits naman senyo eh. ^_^




Ang kulit lang.. wala na akong masabi. hahahaha...


... and there has been closure ...



September 18 last year pala ang araw na hindi ka na nagpakita. Bigla ka na lang nawala ng parang bula. Though I've arranged an appointment with you, pero di mo ko sinipot. Nagmukha lang akong tanga at naghintay ng 2 hours sa SM Marikina last year para lang marinig ko sayo ang mga salitang gusto kong marinig from you. I would want you to explain that time. Maraming "Bakit?" akong tanong sayo, pero wala eh... hindi ka nagpakita.... At from there, hinayaan ko na lang kalimutan ang lahat... hinayaan kong kalimutan ka. It took me almost a month bago ko talaga matanggap ang lahat.... matanggap na wala ka na at never na uling magpapakita pa...




... Pero last Sept. 20, 2012, parang bumalik ako sa nakaraan. Habang naglalakad ako papasok sa work, sa dinami dami ng taong pwedeng makita ay bakit IKAW pa? I didn't wish na makita ka uli, pero wala akong nagawa. Kaw ang lumapit at kaw ang unang nagsabi sakin ng "oh, ano ginagawa mo dito?"

Natulala ako ng ilang segundo.. matagal na ang 5 segundo dahil naka-dalawa syang tanong sakin ng "kamusta ka na?", "san ka papunta?" habang ako ay napipi at tulala pa din. Gulat sa pangyayari. All of a sudden, ang taong kinalimutan ko na, ang taong biglang nawala ay bigla na lang din nasa harap ko at kinausap ako. Bigla tuloy nag-flashback sakin ung mga panahong nagmukha akong tanga habang ako naman ang naghihintay sa iyo. 

Sya: "uy, kamusta? san ka papunta?"

Ako: "ah, papasok pa lang ako. kaw, bakit andito ka?"

"anong oras time mo? hinihintay ko lang ung friend ko, may binili lang sa mercury drug..."

"12am time ko" (10:30pm pa lang nung mga oras na yun)

"maaga pa ah... Diba sa North ka nagwowork?"

"wala na ako dun last june pa, Sa gilmore na ako"

"Edi wala ng Lrt nyan..."

"oo nga eh, kaya naman ng jeep... Eh, kaw, sa makati (ayala ave) ka pa din ba?"

"hindi na din. sa Magallanes na ako."

"ahh ok..."



*** at biglang tumahimik ****



May konting pagkailang akong naramdaman. Di ko alam kung dapat ko pa bang ipagpatuloy ang pag-uusap namin o aalis na lang ako, kunyari nagmamadali ako papasok... Pero dahil nga nag-flashback ang mga nangyari last year, naisip kong baka PAGKAKATAON NA DIN TO para malaman kung ano ang totoo... Para marinig ko sa kanya ng harapan ang mga salitang hindi ko narinig bago sya nawala. Bahala na kung anong masasabi nya, basta alam kong tapos na ang lahat... 

"pumapayat ka ah?"

"huh? hahaha.. stressed eh... kaw din naman ah, pumayat ka."

"oo, mahirap kumain eh. May braces na kasi ako."




*** at bigla uling tumahimik habang tinitignan ko ang mga taong palakad lakad ***





"Kaw, kamusta ka na? Bakit bigla ka na lang nawala?..."

Mga ilang segundo din bago ako nakarinig ng sagot sa kanya.  Tumango lang sya (sign na parang "ewan, di ko alam eh..." parang ganun ang gusto nyang sabihin) Hindi ako nagtanong uli. Nanahimik... Hinintay kong may sabihin sya. At biglang...

"Ewan, di ko alam eh. nawalan ng spark..."

Mukha syang nakatawa habang sinasabi nya yun, ganun naman talaga sya eh di mo magets ang emotions nya minsan... pero alam kong seryoso sya. Hindi ko na din sinundan pa ng ibang tanong, Yun na siguro ang mga salitang dapat kong marinig dati pa mula sa kanya. At sa wakas, narinig ko yun ng harapan sa kanya...




*** KATAHIMIKAN *** 





"Nasa akin pa ung mga pics natin..."

"talaga?..." then I smiled.


Wala na akong masabi after kong marining ang mga sinabi nya. Hindi ko naman napansin kung suot pa nya ung bracelet ng binigay ko sakanya, pero wala na akong balak pang alamin yun... Those words are enough. 



"Kamusta naman lovelife mo ngayon?"

"wala. eto. masaya..."

"weh? wala ng sumunod after sakin?"

"wala."




*** At anjan uli si KATAHIMIKAN ****




Lumabas na ang friend nya galing sa mercury drug. Alam kong sa ganung eksena na matatapos ang kwento. Gumagabi na din at papasok pa ako, sila naman ay pauwi na. Ang way ko para makasakay ng jeep ay pareho din ng way nila. So pareho pa kaming maglalakad paderecho hanggang sa sakayan. Pero ayoko ng mangyari yun.

"O sige, una na ako ah"

"cge cge... "




Nauna na akong naglakad. Sa una, mabagal pa. Tulala pa din sa mga nangyari. Pero binilisan ko na din ang paglakad. Hindi ako lumingon patalikod. Hinayaan ko na lang kung saan ako dadalin ng aking mga paa. Normal na lakad ng tipong nagmamadali sa office, ung tipong parang walang nangyari...


After 1 year ng bigla nyang pagkawala, siguro ito na nga ang matagal ko ng hinihintay na "closure". Tapos na ang kwentong ito. Masaya na ako. Bagong kwento na ang susunod...




Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...