Showing posts with label call center. Show all posts
Showing posts with label call center. Show all posts

Friday, February 4, 2011

Buhay ng isang Colboy (part 2)

Katangahan.

Nasa work ako ngayon at tinatamad na magwork. Nakakaasar. AS IN!!! AYOKO NA TALAGA!!! haaayyy.

Eto ang ilang mga di ko malilimutang eksena sa aking pagwowork as colboy. Nakakapikon ung iba. Siguro sabihin na nating masamang tao na ako, given na yun eh at aminado akong masamang tao talaga ako!. ahaha.. Pero basta. sa mga walang idea kung paano ang maging masamang tao, ganito read nyo nlng.... ilagay nyo ang sarili nyo sa situation ng isang colboy.

Ako: Hi, this is Ralph from ________'s broadband department. How can i help???
Sila: I have brodband and I dont have any internet connection.

(malamang, kaya ka nga tumatawag eh... at Ralph and phone name ko.. hihihi)

Ako: what can you see on your sreen now???
sila: yes.

(ay puta!!! related ang sagot. napaka informative)

ako: can you go to control panel?
sila:  where the hell is control panel???

(putcha, sabay MUTE at pinagmumura ko si bobo. tanga tanga!)
(where in the hell ka din galing!?!)

ako: click the START and look for control panel
sila:  where's the start button?

(pakamatay ka na gago!!)

ako: try to restart your computer...
sila: how can I do that?

(grrrr... punyeta ka!!!, itapon mo!)

ako: how do you you usually turn it off? (pasigaw na yan ah...pero maingat pa din para sa QA)
sila: i shut it down.

(ay puta talaga)

ako: Then do the same thing, SHUT IT DOWN!
sila: you said restart it.
ako: After you shut it down, turn it on again...
sila: ahhh... ok..

(PUTANGNAMO!!!!!)

ako: What brand of modem are you using?
sila: i dont have a modem, i have broadband

(FU ka!! ungas!)

ako: what are the lights that are lit on your modem?
sila: green lights.
ako: yes i know, they are green, can you name those lights. they are labeled for example, power light, dsl light, etc...
sila: they are green.

(shut up!!!)

ako: right-click on Local area connection
sila:  how do you do that?

(HANAP KA NG KAUSAP MO ULOL!)

ako: can you see the address bar on top?
sila: hmmm.. no..
ako: its the long box that has "http" or "www" written on it.... can you see it?
sila: no.

(daig mo pa bulag mamatay ka na!)



sila: the pc is not responding....

(and so???.... ahahahaha, buti nga!!!!)





Konti pa nga lang ito eh, ung iba di ko na sinama. Ganun din naman, bobo at tanga pa din sila. ito lang ang mga common na eksena.... Ang saya saya dba?? mag colboy at colgirl na din kayo!!!! ahahahaha... Nagawa ko lang ito ngayon kasi inaantok ako, at eto, nalibang naman ako. hehehehe...




Eto ang naunang istorya. Buhay ng isang Colboy (part 1)





This email is confidential and intended for the addressee(s) only.

If you are not the addressee, please notify the sender and delete the message. Do not use the content in any other way.

Tuesday, January 25, 2011

Buhay ng isang Colboy

Hindi ko alam kung bakit ako napunta sa ganitong uri ng industriya. Hindi ko din alam kung bakit ko naisipan subukan ang ganitong gawain - dala ba ng pangangailangan o kapit lang ako sa patalim? Akala ko gaganda kinabukasan ko pag naging call boy ako... pero hindi ko pa din malasap ang sarap ng buhay dito. Ang tagal ko ng ginagawa to, pero nagsasawa na ako. Wala naman akong maisip na ibang pagkaabalahan maliban dito.

I have been in this industry for almost 2 years. Tama, 2nd anniversary ko na as Call Boy this coming April. Pero teka lang, magkaliwanagan lang tayo ah... Hindi ako literal na callboy kung ano man ang iniisip nyo. Hindi ako yung tipong bayaran lang sa tabi-tabi. Marangal na trabaho ang pinag-uusapan ko dito. Call boy kasi, I am working in a call center industry. Gusto ko lang tawagin sarili ko na call boy. hehehe...

Dahil sa hirap maghanap ng trabaho sa ngayon, masasabi kong ang call center industry lang ang madaling pasukan. Kahit sino pwede. No age limit. No specific gender required. After ko ng college, siguro mga after 1 year din ako hindi nakapagwork. Syempre kasama na ung desisyon kong maging tambay muna kahit saglit. (saglit pero inabot ng 1 year! hehehe) At pinasok ko na nga ang mundo ng pagiging isang call boy...

Ako ay nagwowork ngayon sa isang callcenter (CC) dito sa Fairview. Although hindi sya masasabi na isang corporate world, kasi ang mga katabing establishments ay malls, residential areas, schools at malapit din sa palengke! ahahaha pero atleast kahit papaano, malapit lang sa amin. Hindi hussle sa byahe. Sa 2 years kong pagwork dito, wala pa akong naipon sa sarili ko. Puro kasi ako gastos. Kulang na kulang ang sweldo. Hindi lahat ng call center ay malaki magpa-sweldo. Yun ay DEPENDE SA ACCOUNT at sa kung anong POSITION (TSR or CSR) at kung NIGHT SHIFT ka, syempre additional night differential. Depende din kung may YEARLY APPRAISAL, at mga iba pang benefits for example, sa sales, syempre may quota kayong kelangang sundin.

Sa kasamaang palad, sa CC na aking pinapasukan ngayon, ay walang ganun sa ACCOUNT namin. Basic kung basic salary lang talaga. WALANG APPRAISAL, WALANG NIGHT DIFF (kasi day shift kami eh, New Zealand account kasi kami kaya morning shift). Technical support representative ako. We deal with broadband connections, email, modem, etc... pero nakakainis, kasi hindi lang kami basta TSR, kundi slash CSR na din. At higit sa lahat, NAKAKAPIKON NA KASI ANG PANGET NA NG MANAGEMENT NG COMPANY. Haaayyyyyy....



Paano malalaman kung call center agent ang isang tao?


Hindi lahat ng mga CC agents ay mayayaman. MUKHA LANG MAYAMAN kung tignan kasi sunod sa fashion at mostly ay mga nasa edad 19-30's ang mga tao. May panggastos kasi kaya nasasabing "mejo sosyal". Party goer minsan. Gimik dito, gimik doon. Kahit tanghaling tapat, may inuman session. hehe. adik talaga. Hindi din lahat ng CC agent ay nabubuhay sa kape. Ako, ni minsan ay hindi uminom ng kape. Hindi ako sanay sa mainit at umuusok na inumin. Kung iinom man ako ng kape, Java Chip Frappe lang sa Starbucks (at nag-promote pa!). Hindi kasi kape para sakin un, parang shake lang. (coffee flavor nga lang. hehe)

Most CC agent ay may jacket. Fashion statement na namin yun.. Hindi ka masasabing CC agent kung wala kang jacket. Ang lamig naman kasi sa floor eh. Malas mo lng kung nasa ulunan mo pa ung mismong aircon. Hindi din mawawala sa mga CC agent ang earphones at mp3 na nakakabit lagi sa tenga lalo na kung nasa byahe. Nasanay na siguro kaming may nakalagay sa tenga namin kahit walang calls... For me, may mp3 ako para marelax ako habang nasa byahe at di agad ma-stress. At eto pa, pabonggahan ng gadgets! (talo ako dito... kasi walang asenso sa company namin. ahaha)

Habang may calls lang kami todo effort sa english. Pag avail, chika to the max. Murahan dito, murahan doon. Tae, ang sakit sa ilong kung puro english na lang. ahahaha... Todo browse na din kung hindi nakablocked and website. Sanay na sanay kami sa multi tasking. Eto nga at habang may call ako ngayon, ginagawa ko tong entry na ito. Ang hirap kaya mag type in Tagalog tapos magsalita in english. Kapag nadulas pa ang dila namin at may masabi kaming tagalog word... at narecord - PATAY! Incident Report ka at dito samin, 1 year to clear! (ngayon ata 3 months nlng, pero last year, 1 year to clear talaga) ahahaha..

Sanay din sa puyatan. Ako, kahit hindi kami graveyard shift, minsan pag may lakad at gimik ako, more than 48 hours na akong gising at walang tulog (pero may ligo naman un ah). Natutulog na lang ako pag naka-hold si customer at gusto ko lang magpetiks. Pero di talaga maiwasan ang makatulog habang may call, lalo na sa madaling araw.

Online sa madaling araw kahit weekends or walang pasok, ibig sabihin di agad makatulog kasi nasanay na gising kahit madaling araw.

Minsan conyo. pa-sosyal ang dating. Pag oorder sa resto or fast food, english pa ang putangna! ahahaha. Ang arte!

Gusto lagi ng aircon, nasanay na sa malamig kasi nakakaputi daw. (tinamaan ako dito ah.. ouch!)

Pag galit, ang bilis magsalita at minsan english pa kung magalit.... (dudugo na lang ilong mo kahit di ka pa nya nahahawakan or nasusuntok)

at iba pang signs kung pano malaman na ang tao ay isang colcen agent, 100 ways to know na sa callcenter ka nagtatrabaho.


Regarding sa metrics, ok naman sya. Hindi naman ako performer at wala akong balak maging top agent. Wala naman dagdag sweldo kung mabigyan ka ng award eh. Nasa gitna lang ako. Pwedeng pwede ako magpakagago kung gusto ko. ahahaha. Wasiwas dito, wasiwas ng call doon. Transfer sa ibang department kung sobrang irate si customer at naghahanap ng supervisor!. ahahah.... (tamaan din kayo! ginagawa nyo din yan! ahahaha) O kaya naman, dahil mabilis uminit ulo ko, makikipagsabayan ako ng sigaw kay customer at ipapamukha ko sa kanya na tanga sya kasi di sya marunong sumunod ng instruction. "right-click" lang ng mouse, puta di alam kung paano.Tapos ang lakas ng loob magkaroon at gumamit ng computer at magrereklamo kung bakit walang internet connection. MGA BOBO!!!! ahahahahaha...

Bestfriend namin si MUTE button. Kung ano-anong bad words ang nasasabi namin pag kami ay naka MUTE. At after namin magmura, balik kay customer at magpapaka-plastik na kunyari willing namin silang tulungan. Pero deep inside, iniisp namin na sana maghang-up na sya.

Nakaka stress na talaga sobra. Saludo ako sa mga nagtatagal sa pagiging agent for 5 years at knowing na american acount pa sila. Pero wala naman pinagkaiba kung american or new zealander (kiwi) ang tumatawag, pare-pareho lang silang mga bobo! ahahaha....

Sa ngayon, nagiisip na akong lumipat ng ibang karera.. siguro by next month… Konting tiis tiis muna… konting panggagago pa. wahahahahaha




Call Center Survival Tips for Pinoy Agents. Nakita ko lang to at promise, maraming totoo dito! ahahaha...





Saturday, October 23, 2010

work. work. work.

walang magawa sa work... saturday na saturday, may work. ganun talaga pag call center agent. minsan nakakamatad na nga pumasok eh, pero dahil eto lang ang madaling pagkakitaan, go na din. money-wise, ok na din.
gusto ko kasi ng petiks mode lang. Oo nga, at nasa office ka, naka-formal attire, pero super dami ng work load. madami ka pang kelangan isipin na presentation for the team. so double preparation pa un, powerpoint, research etc... unlike here in BPO company, we are only stressed while taking calls, but after that, it's a normal life again. we can go home without thinking of any group presentations for tomorrow. we can go party after shift - anytime. we can last the day without sleep. I am in a morning shift, so parang normal lang din ang buhay. the only difference is may pasok pag holiday, pag weekends, at pag may bagyo. ahahaha...
 
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...