Friday, September 23, 2011

Thank you for being part of my life...

Pretend you don’t love him/her, just pretend. The two things will happen: He/She’ll realize how much he/she misses you or you’ll realize how much you don’t need him/her.


----------------------------------------------------------------


Kamuzta ka na? 

Siguro naka-moved on ka na kasi wala na ako. Wala ng nangungulit sayo kung ano gawa mo, kung kamuzta ka na, kung pauwi ka na ba sa work at kung late ka sa pagpasok mo. Wala ng nagsasabi sayo ng "gudnight", "iloveyou", "imissyou" . Wala ng tumatawag sayo ng "Blue"...


Siguro masaya ka na ngayon, samantalang ako, eto at sinusubukan pa din kalimutan ka... Mahirap. Pero pinipilit ko. Kahit na nagpakatanga ako, (oo, sayo lang ako nagpakatanga ng ganito eh...) ganito talaga ako. I'm too weak kapag nagmahal.




Alam mo ba, sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung bakit tayo nagkaganito. Wala naman kasi tayong pinag-awayan or something. As in wala. Pero, lately I've noticed na mukhang busy ka lagi. Well, ako din naman busy so pareho lang. Pero ni minsan hindi kita nagawang kalimutan. Everyday tinetext kita at kinakamusta kita pero bihira akong makareceive ng reply from you. Hindi ko alam kung tinatamad ka lang magreply, kung tulog ka sa mga oras na yun, or super busy lang talaga... Napansin ko yun lately, mga weeks before our 2nd monthsary.

Though hindi ko masyadong binigyan ng meaning yun dahil ayoko din mag-isip ng kung anu-ano. Hindi ko na din sinabi sayo na ganun na nga ang napi-feel ko, kasi alam ko ang sasabihin mo - "napaparanoid na naman ako". Hindi ka naman ganun dati eh, dati kada text ko sayo, magrereply ka din at may iloveyou pa sa huli. Pero lately, iba na nga...

Nagplano tayong lalabas sa 2nd month natin. 2 weeks before pa lang nung sinabi ko sayo at pumayag ka naman. Pero nagtext ka at sinabi mong kung pwede ire-sched natin kasi nakalimutan mong bday pala ng kapatid mo at lalabas kayo ng family nyo. So OK lang naman sakin yun, i agreed.

Nung araw na mismo na yun, maaga akong nagising kahit walang pasok just to greet you a "happy 2nd bday" for both of us. Matagal nanahimik ang celphone ko, at ako naman naghihintay pa din ng reply from you. I thought na tulog ka pa kasi kapag weekends, late ka na lagi kung magising dba? So naghitay pa din ako... Nagonline muna ako. Dating gawi. FB dito Fb dun. Hanggang sa naisipan kong tignan ang profile mo, baka sakaling may bago kang post, hanggang sa nagulat na lang ako sa natuklasan ko...

Hindi ko masearch ang name mo. Panic mode ako. I searched my friend's list, inulit ko ng 3 beses baka kasi may nalaktawan lang akong name... pero wala ka na sa friend's list ko. Samantalang i checked your FB the day before at ok pa ang lahat... I checked my inbox sa FB, alam ko nagPM ako sayo dati kaya makikita ko ang name mo dun. When I saw it, wala kang DP, hindi clickable ang name mo, in other words, naka-blocked ako sa FB moh.


"Ano ibig sabihin nun?".. 
"May dapat ba akong malaman?"... 
"Anong nangyayari?".. 


Yan ang mga tanong na gumugulo sa akin sa mismong araw pa ng 2nd bday natin... My happiness and excitement turned into nightmare. Super nakakalungkot... Bakit?.. HINDI KO ALAM.


Like what i've mentioned, wala akong natatandaang ikinasama ng loob mo. As in normal ang lahat bago nangyari yun. So out of a sudden naging ganun na lang ang lahat, which is kinda made me wondered why?


I texted you again at dedma kunyari ako sa nangyayari, tinext kita at tinanong kita kung sira ba FB mo pero walang reply. Sumapit ang hapon, i texted you again kung kamusta na ang bday ng kapatid mo. SA WAKAS NAGREPLY KA, pero ang sabi mo, "ok naman ako, w8 lng ah, mejo busy d2 sa bahay. txt kita maya." Ganun kasimple. Walang sweet words from you. I've waited na igreet mo din ako ng happy monthsary tulad nung ginawa mo dati nung 1st month natin... pero WALA. Sumapit ang gabi, at wala pa din text. Kelangan ko ng matulog ng maaga kasi may work na ako kinabukasan pero wala pa din akong balita from you. Natapos ang buong araw, natapos ang bday nating dalawa sa wala. 

Nagtext uli ako sayo nung gabing iyon bago ako matulog. Wala akong paki kung tulog ka na or kung ano na ginagawa mo, basta mababasa mo din naman yun kung kelan mo gusto. 


"dko lam kung pano ko sasabihin or let's say takot akong sabihin sayo, pero feeling ko, there's something that we need to talk about blue... Hindi sa pinangungunahan kta, pero parang may mali eh.. Gus2 qlng maliwanagan sa lahat.. Bukas magkita tayo, ako na pupunta para malapit sayo. SM Marikina, pagkaout ko sa work derecho na ako dun. Saglit lang tayo, kain lang tayo together.. I'll be expecting you there."


Ive waited for few minutes, walang reply. 


"reply ka naman oh, naninibago ako sayo eh. May nagawa na nmn ba akong di mo gusto? Dko na kasi kayang magpretend na OK lang ako. Nag-aalala ako sayo blue.. Nag-aalala ako satin. I love you and thats for real. Sana alam mong mahal na mahal kta. I trust you blue... I trust you.. =("


"Pasok na ako, gudnyt... See u tom ah, i'll be expecting you there. I love you..."





SEPTEMBER 18, 2011 

- the day after our 2nd bday.

After shift ko, derecho nga ako ng SM Marikina para maaga din makauwi dahil kelangan ko pang matulog. That morning, tinext pa uli kita baka kasi nakalimutan mong may usapan tayo, niremind ko lang sayo. Excited ako nun, wala akong iniisp na pwedeng mangyari. Basta, masaya ako hoping na makikita kita...

Pagdating ko sa SM, napaaga ako, tinext kita na kung pwede agahan mo na din kasi malapit ka naman dun. Naghintay at tumambay ako sa harap ng cinema. Nakaupo lang ako, nakikinig ng mp3 at naghihintay sayo kahit super antok na ako. Lumipas ang 1 oras, wala ka pa din. So naghintay pa din ako ng another 30 mins. Alam kong mejo niloloko ko na ang sarili ko, kasi imposibleng abutin ka ng ganung katagal eh ang lapit mo kamo sa SM marikina, taga dun ka eh. Hindi ko nga lang alam bahay nyo kasi hindi mo pa naituro sa akin. Natapos uli ang 30 mins at wala ka pa din... I texted you kung pupunta ka pa ba, wala uling reply.  Tinatawagan kita pero patay ata cp mo, voicemail ang naririnig ko eh. Nakailang tawag ako sayo, pero ganun pa din talaga. Di kita makontact. I've decided na umuwi na lang after another 30 mins, so for 2 hours, hindi ka nagpakita sa akin. For 2 hours, nagmukha akong tanga naghihintay sa wala... Mangiyak-ngiyak akong lumabas ng SM, knowing na first time kong pumunta dun at hindi ko alam kung saan ang sakayan pauwi. Inikot ko ang SM hanggang sa makita ko ang sakayan pabalik ng Cubao. 

Napahinto pa ako nun, parang ayoko pang sumakay pauwi kasi natanaw ko ang Marikina river. Alam mo ba kung ano ang nasa isip ko nun?.. Ang sarap sana tumalon sa Marikina river nung mga oras na yun, pero di ko magawa dahil kahit papaano may respeto ako sa sarili ko. Umuwi na lang ako nun. Dumaan sa gateway, pinuntahan ung sinehan sa itaas kung saan tayo unang nagkita at nag movie date din tayo minsan dun (Ang babae sa septic tank) kung naaalala mo pa. Pinuntahan ko un, kasi baka yun na ang huli kong pagbisita sa Gateway Mall. Ang sakit ng nararamdaman ko habang nasa byahe ako pauwi. Nakarating na ako ng bahay ng mga 6pm, hindi na ako nakatulog nun kasi iniisip ko pa din ang mga nangyari. Hindi na ako natulog at derecho pasok uli kinagabihan...

Iyak ako ng iyak sa loob ng cr habang naliligo ako. Kahit nung kumain ako mag-isa bago ako pumasok naiiyak ako kahit ang palabas sa TV ay ung palabas ni Vice Ganda. Ako na kasi ang baliw hindi ba?... Hanggang sa sumapit ang mga sumunod na araw at hindi pa din kita makalimutan... HANGGANG SA NGAYON... 



AT MALAMANG ITO NA ANG HULI.

I still trying to convince myself na sana ay wala akong nagawang mali na ikinasama ng loob mo. Na biglaan lang ang mga pangyayari. Pero wala akong naririnig sa side mo. Ganyan ka ba talaga?... Buti nakakaya mong manahimik na lang jan. Sana magawa ko din yang ginagawa mo na yan - ang magpaka dedma. Hindi ako galit ako sayo, wala akong karapatang magalit. Nagagalit ako sa sarili ko kasi nagpakatanga na naman ako. 

Ako? kung nagtatampo?.. no sense na din siguro kasi naiwan na ako mag-isa...

Gusto ko lang makalimutan sana ang lahat. Pero paano ba? Paano ba ginagawa mo para makalimutan mo ako? Alam mo, kung sakaling binabasa mo ito ngayon, ano kaya ang nararamdaman mo ngayon? Wala na ba talaga akong space jan sa puso mo? Kung ayaw mo na talaga, sana sabihin mo sakin para hindi na talaga ako aasa pang meron kahit konti. Kung wala na talaga, sana sabihin mo, para atleast matanggap ko ng hanggang dun na lang tayo. WALA PA KASI TAYONG CLOSURE EH.. At sa mga oras na ito, naghihintay pa din ako ng sagot sayo.



I've done everything to make our relationship last long... Pero tinatry ko na ngang kalimutan na ang lahat kahit paunti-unti. Nga pala, ung silver bracelet na gift ko sayo, ikaw na bahala dun. Pati ung angry bird (si baby blue), ikaw na din bahala. Yun lang kasi ang magiging remembrance ko sayo at magpapaalalang nagmahal lang ako at minahal kita...


Salamat Blue sa memories.... hanggang memories na lang ata ang lahat.... Salamat kasi naging parte ka ng buhay ko kahit sa maikling pagkakataon lang... Salamat... 



6 comments:

Bino said...

ang bilis naman.

tabian said...

ouch! :(

magiging ok din lahat, dumaan din ako sa ganyan pero sabi nga nila - time heals all wounds..and believe me it does..so cheer up,tomorrow is another day parang commercial lang ng noodles ano?:)

emmanuelmateo said...

hello there..

iya_khin said...

o kay bilis naman maglaho ng pag-ibig mo sinta,daig mo pa ang isang kisap mata...kanina'y nariyan lang at bigla namang nawala, daig mo pa ang isang kisap mata ahhhh.....

Jessica said...

ouch ang sakit naman :(

Diamond R said...

mahaba-haba na rin ang 2 months. Ganon talaga ang buhay.Sayawan mo lang. at least alam mong nagmahal ka.siya ang may problema di ikaw.

wohhh ano ba itong pinagsasabi ko.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...