Kahapon, ay dapat pupunta kami ng mga officemates ko sa EK dahil naiinggit sila nung nagpunta ako last time dun. Hindi ko daw kasi sila sinabihan na pupunta ako dati kaya ayun, todo inggit at nagplano kami na gumala dun kahapon...
We've planned it a week before.. Maayos silang kausap. Actually, 6 na tao ang inivite ko (ung mga close ko lang talaga) pero bago pa man tumagal ang pagplano, may 2 na di talaga sasama kasi may lakad sila, so in short 4 na lang kaming natira...
Lumipas ang ilang araw, maayos pa din ang usapan... Tuloy daw kahit rain or shine...
Palapit ng palapit ang araw ng Friday.... Thursday ng gabi, nag-GM ako sa kanila na sa office na lang kami magkikita at tinext ko din sila about pa sa ibang info, kumbaga ako ang parang organizer nito...
Sumapit ang araw na aming pinakahihintay... Friday ng umaga, nagtext uli ako sa kanila kung ready na ba sila... Ang tagal ng reply nila... After 30 minutes, may ISANG nagreply at sinabing GO NA GO daw sya at sasama sya no matter what. Willing pa nga sya mag-undertime sa work kasi may shift sya nung araw na yun, pero kaming natira ay dayoff... So naghintay pa din ako ng reply dun sa dalawang natitira...
Tumatakbo ang oras, walang nagrereply. Ang sabi nung isang sure na sasama, nagtext pala sa kanya ung isa pa namin officemate at sinabing di daw sya makakapunta. Sa kanya nagtext at hindi sa akin. So ako naman, nagulat. Nabadtrip. At ung pinaka last na hinihintay namin magreply ay hindi talaga nagreply....
In other words, dalawa lang kaming matutuloy sa EK pag nagkataon... Dahil sa kabadtripan ko, kasi ang lalabo nilang kausap.. puro drawing ang laman ng utak putangna nila!! puro paasa... ung tipong kasama sa lakad pero iwan sa lakad... NAKAKAINIS TALAGA ANG GANOONG SCENARIO!!! LAHAT PLANADO NA EH. AALIS NA LANG KAMI TAPOS BIGLANG AAYAW SA ARAW MISMO NG LAKAD!!! GRRRRRR!!! umiinit lang ulo ko kapag naalala ko pa... kaya no comment na lang ako pag may nagtatanong sa fb kung bakit at ano ang nangyari... eto lang masasabi ko, mga GAGO sila!!!
HIndi na din kami tumuloy kasi nga dalawa lang kami, eh mejo alanganin din kasi sa ibang rides ung makakasama ko, kaya feeling ko, di din kami mageenjoy... We've decided to cancel our trip. Hindi na sya nag-undertime sa work at ako naman hindi na umalis at sa bahay muna tumambay....
Pero dahil sa sobrang sama ng loob ko, nasabi ko sa sarili ko, HINDING-HINDI NA AKO MAG-OORAGANIZE NG ANUMANG LAKAD. EH ANO KUNG WALA AKONG KASAMA, MAS ENJOY PA NGA PAG AKO LANG MAG-ISA EH. KANYA-KANYANG LAKAD NA LANG... AYOKO NG MGA TAONG PAASA LANG...
Nagpost ako sa FB ng kabadtripan ko, at may naglike naman ng status (barkada ko nung college ang naglike). So ayun, since nilike nya, that means online sya nung oras na yun. Syempre dapat pahabain ang thread ng status, in short, tinanong ko kung may lakad sya on that same day. Mabilis ang comment nya at meron daw silang lakad ng ibang college barkadas namin (kasi same office at work lang sila nagwowork kaya same silang lahat ng sked)
Ayun, I decided na sumama na lang sa kanila para naman mawala ang kabadtripan ko sa bahay. Matagal ko na din naman silang hindi nakakasama eh, so parang reunion uli namin ito... Nagkita kami sa Megamall at nanood ng sine together. Masaya ang gabi kahit umuwi na kami ng bandang 11pm. Ayoko pa sanang umuwi kaso may sportfest daw sila kinabukasa sa work nila kaya kelangan din daw nilang umuwi at magpahinga which is understandable naman... Ayun, umuwi na din ako kasama nila at kahit papaano masaya naman ang naging resulta...
LESSON LEARNED:
- NANINIWALA AKONG ANG BIGLAANG LAKAD AY NATUTULOY... ANG PLANADONG LAKAD, HINDI!!!!!
- WAG PILITIN ANG AYAW, ANG DAMI KASI NILANG KAPUTAHANG-INANG KAARTEHAN AT HINDI NA MAUBUSAN NG DAHILAN.
- maganda ung movie na ZOMBADINGS: Patayin sa shokot si Remington. hehhe.. tawa lahat ng tao sa sinehan.. aliw!!
9 comments:
well ung plano naman natuloy. hahaha. at least my lakad ka :D
on my part, bibihira ang natutuloy... mostly talaga biglaan mga lakad ko.. hehehe...
LOL! Nakaka-relate ako. Ayoko na ding mag-organize kasi nakakabadtrip 'yung mga hindi nagrereply. Kasi pwede namang sabihing hindi makakasama ng derecho kesa naman sa naghihintay ka sa wala. Siguro nag-expect lang ako ng mataas sa kanila kasi akala ko we're all mature adults.
But then again, mahirap din 'yung me sama ka ng loob. Hahaha! Kaya patawarin mo na lang din sila, pero 'wag ka na lang mag-organize ulit next time. :)
Agree. Pero at least, hindi nasayang ang day-off mo. haha
@gasoline dude, bd3p lng ako sa knila pero wla me sama ng loob. hahaha. oo never nkong magorganized ng lakadaha. oo never nkong magorganized ng lakad
@charles, yup tama!
Lols.. relate ako dito. Madalas yung mga nakapalnong lakad, hindi pa natutuloy. Instead, yung mga biglaan lakad, yun pa yung masaya at tuloy na tuloy.. :D
And yung mga ayaw? Minsan.. drama lang yan. Pilit factor bah. hihi..
Looks like you had fun.. Galing! :)
I AGREE ;) MAS PANALO ANG BIGLAANG GALA. MAS ENJOY, LESS ANG WORRIES DAHIL WALANG PREPARATION, PURELY EXCITEMENT.
clap clap. laking tango ko sa mga lessons learned mo.
isali mo na sa 2nd ang 'pag gusto kay paraan, pag ayaw may rason.'
Post a Comment