Feb 19, 2011.
Dahil sa hindi natuloy ang maliit na EB na dapat ay naganap sa araw na ito, nagdesisyon akong gumala pa din. Like what I've said sa previous post ko, matuloy man o hindi, kelangan kong gumala kahit saan. hehehe... Basta ayoko lang umuwi agad sa bahay.. :)
Ayun na nga, after shift ko sa work, tanghaling tapat... sobrang init kaya andun din ung feeling ng konting katamaran. Pero hindi ako nagpatalo.. Hinila ako ng paa ko papuntang SM Fairview (SMF for short). Bakit sa SM Fairview? kasi may grupo ako dun na kapawa ko adik sa PIU (ung dance arcade na minsan ko ng nabanggit dito sa blog ko) OO tama, grupo, as in parang "clan" nadin. Kasi lahat ng malls, may kanya-kanya grupo sa arcade na iyon, kaya isa ako sa mga pioneer na member ng group dun. ahahaha... Dahil every malls may group, may mga competition din na nagaganap about syempre sa arcade na iyon. Parang Tekken lang din yan, may competition din.
Ang name ng group namin sa SMF ay *secret* ahaha. yokong sabihin. Basta originally came from the creator of the arcade. Nga pala, hindi lang ako sa SMF nabibilang, kundi pati sa Megamall. hehehe... Sa megamall ako unang nagkaron ng group at ang name namin sa megamall ay *SECRET DIN* ahaha. At ung ibang taga ibang mall naman like Sta. Lucia Mall, Robinsons Galleria, SM North, SM Valenzuela, SM Manila at marami pang mall sa metro manila ay may mga kilala akong member sa kanilang grupo. So in short, madami akong nasasagap na chismax sa kanila. ADIK!!!!