Sunday, February 20, 2011

Isang nakakapagod na araw

Feb 19, 2011.

Dahil sa hindi natuloy ang maliit na EB na dapat ay naganap sa araw na ito, nagdesisyon akong gumala pa din. Like what I've said sa previous post ko, matuloy man o hindi, kelangan kong gumala kahit saan. hehehe... Basta ayoko lang umuwi agad sa bahay.. :)

Ayun na nga, after shift ko sa work, tanghaling tapat... sobrang init kaya andun din ung feeling ng konting katamaran. Pero hindi ako nagpatalo.. Hinila ako ng paa ko papuntang SM Fairview (SMF for short). Bakit sa SM Fairview? kasi may grupo ako dun na kapawa ko adik sa PIU (ung dance arcade na minsan ko ng nabanggit dito sa blog ko) OO tama, grupo, as in parang "clan" nadin. Kasi lahat ng malls, may kanya-kanya grupo sa arcade na iyon, kaya isa ako sa mga pioneer na member ng group dun. ahahaha... Dahil every malls may group, may mga competition din na nagaganap about syempre sa arcade na iyon. Parang Tekken lang din yan, may competition din.

Ang name ng group namin sa SMF ay *secret* ahaha. yokong sabihin. Basta originally came from the creator of the arcade. Nga pala, hindi lang ako sa SMF nabibilang, kundi pati sa Megamall. hehehe... Sa megamall ako unang nagkaron ng group at ang name namin sa megamall ay *SECRET DIN* ahaha. At ung ibang taga ibang mall naman like Sta. Lucia Mall, Robinsons Galleria, SM North, SM Valenzuela, SM Manila at marami pang mall sa metro manila ay may mga kilala akong member sa kanilang grupo. So in short, madami akong nasasagap na chismax sa kanila. ADIK!!!!




natirang tokens ko, 6 php each, 30 pcs lahat yan, ilan na lang natira. 


the PIU Fiesta machine itself / speakers tong malaking bilog
control buttons
PIU dance pad


Balik tayo sa reason ng pagpunta ko ng SMF. Matagal na kasi akong hindi nakakadalaw sa groupo. Busy sa work eh. Almost 4x lang ata ako nakadalaw sa kanila last year 2010. Konti pa lang members nun, kaya kanina pagdating ko, madami na akong hindi kilala kasi dumami na ang members. Pero ang maga pioneer members ay kumpleto pa din. 

Kamustahan dito, kamustahan doon, Laro dito, Laro dun. Walang kasawaan. Sila na ang walang kapaguran, pero ako, dahil mejo matagal na din nahinto sa paglalaro, parang hindi na ako gaanong sanay. Mabilis na akong hingalin. Basta nakakapanibago na naman kasi siguro nabigla na naman ako sa paglalaro kanina. Mejo nahihilo ako hehehe... 

halatang antok na antok na ako oh
Nakakagutom ang maglaro ng maglaro. Kumain kami sa Mcdo nung isang kasama ko na matagal din namin hindi nakita ang isa't isa. Pagkatapos kumain, laro uli... ang resulta, feeling nasusuka ako. ahaha... Naghahanap ako ng candy pero walang may candy. Kelangan ko ng matamis na malalasahan. Ang laking problema, buti na lang may Strawberries and cream sa SB. ahahaha... (pasimpleng pagpromote ng produkto to...) Ayun, after ng coke float sa mcdo, strawberries and cream naman sa SB.... pag-uwi, ang sakit ng tyan ko! ahahaha.

At dahil kahapon pa ako ng gabi gising, almost 28 hours na naman akong walang tulog, kapag pinagsama ang antok, puyat, ung feeling ng nasusuka at natatae..... ang resulta - bagsak sa higaan para magpahinga. hehehe... Gudnyt ^^

7 comments:

uno said...

wow naman super gala ka ah...

sleep tight and rest well nakakapagod yang ginawa mo

Bino said...

ay sayang naman kala ko natuloy kayo. at least enjoy pa rin ikaw :D

Leonrap said...

uno - thanks sa concern.. nakatulog naman ako... mga 6 hours lang. hehe. parang gusto ko ulli gumala ngayon! ahaha

bino - un nga eh... sa uulitin na lang daw uli, dami pang pagkakataon..

T.R.Aurelius said...

wowowowow gala to the max!


:D

Akoni said...

Bago lang ako sa blogging world..pero may EB din palang nagaganap dito? hehe

Angel said...

kaka-guilty naman.. :p

advised absent ako ha, hindi no call no show! sana may susunod pa, like namin makasama ni chino.. :)

Leonrap said...

TR Aurelius - di naman, isa lang pinuntahan ko, unlike nung kasama ko mga clasmates ko sa ortigas, cubao at nagmotel hopping pa kami.

Akoni - kahit saan din nmn ata meron kung gugustuhin... welcome sa blog world. bago lang din ako dito.. last year lang. ahaha chos!

angel - sige sige... next time.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...