Dec. 31, 2009
2pm.
Pagkauwi galing sa work, gusto ko sana matulog para makapagpahinga galing sa napaka stress na araw. After kumain, derecho sa higaan at natulog… natulog habang may earphone at nakikinig ng mga Korean songs sa mp4. Siguro ganun talaga pag call center agent, nasanay na lagi dapat may earphone or headset na nakakabit lagi…
Habanag nakahiga, at dahil sa sobrang ingay ng mp4 at ng mga videoke sa labas, ang resulta – di din ako nakatulog. Oo nga’t nakahiga ako, nakapikit at kunyari nagtutulog-tulugan, pero ang totoo eh gising ang diwa at isip ko. Pilitin ko man, mahirap makipagplastikan na di talaga ako makatulog. Hehe.. kaya aun, andito na naman ako sa harap ng pc, at gumagawa na naman ng ganito..
Well, ano pa nga ba gagawin ko mamaya. Putukan na mamaya. Madaming first time na magaganap. Una na dito ay ang pagkakaroon naming ng “budget sa fireworks”. OO first time to. Ngayon lang kami nageffort na gumastos. Siguro dahil sa may work na ako at may pera, pero first time din na kumpleto ang pamilya ngayon matatapos ang 2009. Last yeart kasi, wala lang ang new year, ordinary araw lang..pero nagyon, bongga! Hehehe… first time din maghanda ng “mejo” madaming handa. Kahit walang bisitang darating (at walang ininvite), atleast madami kming malalamon! Hahaha… first time mag barbeque. Ewan ko ba kung ano naiisp nila at nag BBQ sila.. aniwiez, Masaya talaga.
Ngayon lang din sumapit ang new year na hindi ako naka-unlimited text. Dati, dec. 29 pa lang naka 5 days unli na ako kasi alam kong mahirap magregister pag ganitong may holiday. Pero ngayon, dahil busy sa work, din na ako nag effort na mag unli. Sayanag lang load ko, di din naman maxadong magagamit pantext. At dati din, lagi kong tinatawagan ang mga friends ko every new years eve. Ngayon lang hindi kasi,… tipid sa load! Hahaha. (saka, nakakatamad.. lolz)
5pm na.
maxado pang maaga. Kung maingay sa labas, edi mag ingay din ako sa bahay. Syempre walang kamatayang Korean songs ang background music ko ngayon habang ginagawa ko to. Kaya nga ganado ako eh. Lols. At dahil sa napapasayaw sa mga song na un, nawala ako sa focus at feeling Korean na nmn ako. Hahaha…
out muna ako…. Wala talaga ako sa mood i-continue to.. hehe..
0-------------0-----------------0----------------0-----------------0------------------0------------------0-------------0
(continuation…)
As part of yesterday’s celebration of new year, today is the First day of 2010. And I decided to continue this as much as I can…
January 1, 2010
Yehey!! Wala akong work. Naka-leave ako ngayonmg araw lang na ito at bukas, last day ng “hell” sa work… last night, sobrang saya. Iba talaga ang new year celebration kagabi unlike from the previous year’s celebration. Iba ang feeling ng may fireworks display sa tapat ng bahay. Iba din ang feeling ng taga-sindi ng fireworks. (ako lng naman gumagawa samin nun eh… ) magkahalong kaba habang sinisindihan, tapos, sabay takbo at magtatago sa likod ng gate at manonood ng sinindihang fireworks. Hahahaha… ang saya saya talaga. I cant explain what I’ve felt throughout the whole night. Eventhough may mga instances na may mga sumasablay na fireworks (sa kapitbahay namin) the celebration must go on. Palitan ng show. Pag ang kapitbahy ang nag-fireworks, nood lang kmi. Pagtapos nila, kami naman. Tapos ung ibang kapitbahay naman. Hehehe.. pero unlike nung tabing bahay naming, mas madami pa din ang fireworks nila. Yearly na nilang trademark un eh. Kami naman, were just starting pa lang.. (may ganun?? hahaha)
You would also notice na ung ibang residence samin, nagtipid din. Siguro dahil sa malaking impact before ng bagyong ondoy sa subdivision. Of course, theres no one who we can blame about it naman diba, pero atleast ok na din kahit papano na we all have celebrated the new years eve peacefully and happily as it was before…
Sa ngayon, mahaba-haba uli ang hihintayin bago uli mangyari ang ganitong celebration. 365 days again. We should all look forward in this year 2010. Have a prosperous new year everyone!!!
No comments:
Post a Comment