Sunday, June 26, 2011

walang maisip na title

Kahapon, mabuti naman at hindi umapaw ung creek sa mismong kanto namin. Pero nung umalis ako ng bahay para pumunta na sa office, nakita kong madaming tao ang nakabantay at nakatambay sa creek na iyon, yung tipong anytime pwedeng umapaw at bigla silang mapapanic. Nung nasa tricycle ako, ka-level na sya ng pader nung creek, kaya nung nasa byahe ako papuntang office ay di mapanatag ang loob ko kasi inaalala ko sila mama sa bahay...


Wala naman daw nangyari... Oo nga at umapaw ang creek na iyon pero hindi bumaha sa daan. Bumaba din daw nung huminto ang malaks na ulan. Pero ang sabi ni mama, karamihan daw sa kapitbahay namin ay nag-evacuate dala-dala ang kanilang mga sasakyan para iligtas dahil ang lahat ay may mga phobia na dahil kay Ondoy. Pero nagpapasalamat kami at wala talagang nangyari, though, expected na uli na marami pang bagyo ang darating...




-------------------------


para maiba naman, at wala na akong masabi, nakita ko lang sa fb to.. natawa lang ako. 






(malamang kasi ang panget kapag sinabi kong nagalit ako or sumimangot ako sa picture na ito). jejeje




Friday, June 24, 2011

commercial lang 'to

maikling commercial lang....
almost 3 weeks akong di nagparamdam kay blog.
walang maisip na maiblog eh, besides, kelangan matulog at kumain lang matapos maghanapbuhay. hehe




alam kong maraming nakamiss sakin.. (ehem, meron ba? ahaha. oo kunyari ka pa! isa ka dun!!!)
alam ko din marami akong di nabackread na mga posts nyo. (di ako ulyanin tulad ni ano... guess who. ahaha)
alam ko din na sabik na sabik kayong matikman ako! ahahaha (ang sagwa,! di bagay!)


pero lahat ng ito ay dahil sa isang salita lamang - KATAMARAN.






------------------------------


actually marami ng ngyari na dapat kong ishare, pero dahil sa salitang KATAMARAN, ay hindi ko naishare. lagi naman kasing may NEXT TIME eh. lol


maulan na linggo. bumabagyo.
may rumoronda sa subdivision namin na magpapakawala daw ng tubig ang la mesa daw anytime.
Nakakatakot kasi kapag sumabay ang malakas na ulan, baka maging Ondoy part 2 ito sa amin.
May work pa naman ako mamayang gabi, at magulang ko lang ang matitira sa bahay...
Hindi naman maiwasan ang magkaroon ng panic button sa utak. hehehe...
pero sana walang masamang mangyari..... SANA...




Take care everyone!






Saturday, June 4, 2011

kahit ano lang


Ngayon ang concert nila ng 2NE1 dito sa pinas, sa Araneta Colisuem. At dahil sa kaadikan ko sa kpop at fan ako ng 2NE1, sa kasamaang palad, hindi ako makakanood ng concert nila unlike nung sa Super Junior na 2 concert nila ay present ako at talagang pinagkagastusan ko...


Etong sa 2ne1 kasi ay hindi nila FULL Concert. Parang lumalabas na guest performer lang sila. Konting kanta lang siguro ang gagawin nila. Ayoko ng may mga front acts at ayokong sayangin ang pera ko para lang panoorin ang mga front acts na yun... (THE BLOOMFIELDS, TECHIE ROMANTICS, CALLALILY, PHIL. ALL STARS, CHRISTIAN BAUTISTA). hehehe...  Ang gusto ko lang makita ay si Sandara at si Park Bom na member ng 2ne1. SILA LANG. hehehe.... ako na talaga adik sa kanila.... *naglalaway mode* ahahahaha...


----------------------------------------------------------------------------


May 1 week na lang kami para magtraining sa work. After nun, malalaman namin kung papasa ba kami or hindi. Syempre hindi ko iisiping babagsak ako kasi kelangan positive thinking lagi. At kung iisipin kong babagsak man ako, edi LAHAT ng BATCHMATES ko ay babagsak din dahil lahat kami mejo tagilid sa scores. ahahaha... wala ngang naka-abot sa passing grade kahapon sa exams eh.. ahahaha... 


Pero nabigyan ako ng free shirt ng trainer namin last monday kasi I've got a perfect score sa individual performance namin. Graded un at ako lang daw ang naka perfect! (yes, un na lang ang pinanghahawakan kong panghatak ng grades ko.. ahaha) Kung naiintriga kayo kung ano ung individual performance na ginawa namin, simple lang... one-on-one lang. As in kami lang. Nasa harap ako ng pc at ginagawa ang dapat kong gawin habang ang trainer naman namin ay nakatingin sa ginagawa ko sa harap ng pc... Nakakakaba. Nung una ayaw ko pang gawin kasi mahirap na at ayoko ng eksena. Baka machismis pa kami... Pero kelangan dahil grade ang pinaguusapan dito... Tagaktak ang pawis ko... pero ang sarap naman. Live na live!!! at nakaraos na din after ng 15 minutes...


yun ay walang kinalaman sa marumi nyong pag-iisip! ahahaha.... MOCK CALLS lang naman yun. kala mo siguro cyber sex noh? ahahaha...  Ung shirt ay may logo katulad nung nasa picture. HP ang account namin kaya wala ng magtatanong kung bakit HP ang shirt. 



---------------------------------------------------------------------------------------



Kahapon din nagkayayaan ang ilang friends na mag food trip. Matagal tagal na din akong hindi nakakapag-fudtrip dahil sa wala pa akong pera. hehehe... Eat all you can ang drama nila sa Kangaroo Jack sa SM NOrth. Php 150 lang daw, sulit na sulit na. Pero hindi ako sumama kahapon kasi kelangan kong umuwi agad para mag ayos ng gamit dahil akala ko MAKAKASAMA AKO SA BAGUIO... pero HINDI NAMAN PALA!!! Shet yan!





-----------------------------------------------------------------------------------


Naudlot na lakad

Eto na naman ako at biglang susulpot sa dashboards nyo. heheh... End of the week na naman kasi eh. Syempre dayoff. Pero badtrip at nakakawalang gana kasi ang dapat na plano kong sumama kay kuya sa Baguio ngayon ay hindi natuloy. kakainis...

Long story kasi. Nag-iba na naman sked namin sa work ng biglaan. Sunday ng gabi instead of Monday ang pasok. Nakaplano na last week pa na pupunta kmi sa baguio ni kuya ng Saturday ng madaling araw after namin sa work... Pero ng malaman kong iba na sked ko for next week, mawawalan ng saysay ang pagpunta ko dun kasi kelangan ko din umuwi ng Sunday ng tanghali para derecho pasok sa work if ever... So magsasayang lang daw ako ng pamasahe at pagod dahil hindi ko naman daw masusulit ang pag-stay ko dun...

Sa bahay ng GF ni kuya kami tutuloy kasi taga dun si GF nya. Si kuya ay hanggang 1 week dun at natuloy syang umalis kanina at ako ang naiwan dito. So sad... sabi nya sunod na lang daw ako next week. Excited pa naman ako kasi first time kong makakapunta ng Baguio if ever. Pero disappointed after malaman ang dahilan.... haaayyy buhay..... 

Baka kasi hindi na makapunta uli si kuya sa Baguio kasi lilipad papuntang Canada si GF nya before June ends, kaya sinusulit na nya ang lamig sa Baguio habang andito pa si GF nya... At ngayon araw na ito ay ibibigay ni kuya ang engagement ring na binili nya kay GF nya. Kaya din nya ako sinasama ay para ma-witness ko daw ang "proposal" niya. ahahaha... Parang gago lang eh noh.. wala naman akong paki sa engagement ring na iyon at hindi ko naman pera yun... Haayyy.. sana next week matuloy na ako....





Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...