Kahapon, mabuti naman at hindi umapaw ung creek sa mismong kanto namin. Pero nung umalis ako ng bahay para pumunta na sa office, nakita kong madaming tao ang nakabantay at nakatambay sa creek na iyon, yung tipong anytime pwedeng umapaw at bigla silang mapapanic. Nung nasa tricycle ako, ka-level na sya ng pader nung creek, kaya nung nasa byahe ako papuntang office ay di mapanatag ang loob ko kasi inaalala ko sila mama sa bahay...
Wala naman daw nangyari... Oo nga at umapaw ang creek na iyon pero hindi bumaha sa daan. Bumaba din daw nung huminto ang malaks na ulan. Pero ang sabi ni mama, karamihan daw sa kapitbahay namin ay nag-evacuate dala-dala ang kanilang mga sasakyan para iligtas dahil ang lahat ay may mga phobia na dahil kay Ondoy. Pero nagpapasalamat kami at wala talagang nangyari, though, expected na uli na marami pang bagyo ang darating...
-------------------------
para maiba naman, at wala na akong masabi, nakita ko lang sa fb to.. natawa lang ako.
(malamang kasi ang panget kapag sinabi kong nagalit ako or sumimangot ako sa picture na ito). jejeje
11 comments:
Lol sa picture! Tao ba yun o manikin? Parang manikin kasi...
madramang kwento sa una pero nilagyan ng kong anong nakakalokang ewan sa pangalawa.. BUZZ TOAST..:P
moks - alin ang manikin, ung pwet?... ahahah... o ung drawing?.. ewan ko, basta un na yun! :)
mommy - ART yan, di yan bastos! lol
LOL tawa lang ako sa picture...hahaha...Ang macho niya ah..hahaha...genius nakaisip niya, isa isang tunay na NINJA
mAGALING ANG NAKAISIP.
hahaha.... sabaw...
mga banat mo sa photo eh noh! lol
inuulit ulit kong tingnan ng patago ang picture... hahaha. ayon nakuha ko rin. :D
Ako din may phobia sa malakas na ulan at baha! Sana wag ng masyadong maguuulan ng malakas at sana wala ng masaktan na mga tao at pinasalang mangyari.
At natawa naman ako sa pic! Kaylangan may ganun? =)
hahah ganda naman ng pic.
waaaaaaaaaaaa akala ko pwet hihi
Post a Comment