Saturday, June 4, 2011

Naudlot na lakad

Eto na naman ako at biglang susulpot sa dashboards nyo. heheh... End of the week na naman kasi eh. Syempre dayoff. Pero badtrip at nakakawalang gana kasi ang dapat na plano kong sumama kay kuya sa Baguio ngayon ay hindi natuloy. kakainis...

Long story kasi. Nag-iba na naman sked namin sa work ng biglaan. Sunday ng gabi instead of Monday ang pasok. Nakaplano na last week pa na pupunta kmi sa baguio ni kuya ng Saturday ng madaling araw after namin sa work... Pero ng malaman kong iba na sked ko for next week, mawawalan ng saysay ang pagpunta ko dun kasi kelangan ko din umuwi ng Sunday ng tanghali para derecho pasok sa work if ever... So magsasayang lang daw ako ng pamasahe at pagod dahil hindi ko naman daw masusulit ang pag-stay ko dun...

Sa bahay ng GF ni kuya kami tutuloy kasi taga dun si GF nya. Si kuya ay hanggang 1 week dun at natuloy syang umalis kanina at ako ang naiwan dito. So sad... sabi nya sunod na lang daw ako next week. Excited pa naman ako kasi first time kong makakapunta ng Baguio if ever. Pero disappointed after malaman ang dahilan.... haaayyy buhay..... 

Baka kasi hindi na makapunta uli si kuya sa Baguio kasi lilipad papuntang Canada si GF nya before June ends, kaya sinusulit na nya ang lamig sa Baguio habang andito pa si GF nya... At ngayon araw na ito ay ibibigay ni kuya ang engagement ring na binili nya kay GF nya. Kaya din nya ako sinasama ay para ma-witness ko daw ang "proposal" niya. ahahaha... Parang gago lang eh noh.. wala naman akong paki sa engagement ring na iyon at hindi ko naman pera yun... Haayyy.. sana next week matuloy na ako....





2 comments:

mommy-razz said...

buti naman hnd ka nkasama don, haha! dahil kong nakasama k don wlang rap ngyn..:P

sayang hnd mo nasaksihan ang proposal, kilig much yon im sure.. hay sayang.. ikaw kailan ka magpopropose?

musingan said...

ahala.. dali na sunod na.. kasi kapag nakaalis na si GF ni Kuya.. baka wala ng dahilan para punta duon.. kaya gora na..... ako naka schedule talaga yan.. pagpunta ko pinas.. daan ako bagiou.. yahoo...

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...