Saturday, June 4, 2011

kahit ano lang


Ngayon ang concert nila ng 2NE1 dito sa pinas, sa Araneta Colisuem. At dahil sa kaadikan ko sa kpop at fan ako ng 2NE1, sa kasamaang palad, hindi ako makakanood ng concert nila unlike nung sa Super Junior na 2 concert nila ay present ako at talagang pinagkagastusan ko...


Etong sa 2ne1 kasi ay hindi nila FULL Concert. Parang lumalabas na guest performer lang sila. Konting kanta lang siguro ang gagawin nila. Ayoko ng may mga front acts at ayokong sayangin ang pera ko para lang panoorin ang mga front acts na yun... (THE BLOOMFIELDS, TECHIE ROMANTICS, CALLALILY, PHIL. ALL STARS, CHRISTIAN BAUTISTA). hehehe...  Ang gusto ko lang makita ay si Sandara at si Park Bom na member ng 2ne1. SILA LANG. hehehe.... ako na talaga adik sa kanila.... *naglalaway mode* ahahahaha...


----------------------------------------------------------------------------


May 1 week na lang kami para magtraining sa work. After nun, malalaman namin kung papasa ba kami or hindi. Syempre hindi ko iisiping babagsak ako kasi kelangan positive thinking lagi. At kung iisipin kong babagsak man ako, edi LAHAT ng BATCHMATES ko ay babagsak din dahil lahat kami mejo tagilid sa scores. ahahaha... wala ngang naka-abot sa passing grade kahapon sa exams eh.. ahahaha... 


Pero nabigyan ako ng free shirt ng trainer namin last monday kasi I've got a perfect score sa individual performance namin. Graded un at ako lang daw ang naka perfect! (yes, un na lang ang pinanghahawakan kong panghatak ng grades ko.. ahaha) Kung naiintriga kayo kung ano ung individual performance na ginawa namin, simple lang... one-on-one lang. As in kami lang. Nasa harap ako ng pc at ginagawa ang dapat kong gawin habang ang trainer naman namin ay nakatingin sa ginagawa ko sa harap ng pc... Nakakakaba. Nung una ayaw ko pang gawin kasi mahirap na at ayoko ng eksena. Baka machismis pa kami... Pero kelangan dahil grade ang pinaguusapan dito... Tagaktak ang pawis ko... pero ang sarap naman. Live na live!!! at nakaraos na din after ng 15 minutes...


yun ay walang kinalaman sa marumi nyong pag-iisip! ahahaha.... MOCK CALLS lang naman yun. kala mo siguro cyber sex noh? ahahaha...  Ung shirt ay may logo katulad nung nasa picture. HP ang account namin kaya wala ng magtatanong kung bakit HP ang shirt. 



---------------------------------------------------------------------------------------



Kahapon din nagkayayaan ang ilang friends na mag food trip. Matagal tagal na din akong hindi nakakapag-fudtrip dahil sa wala pa akong pera. hehehe... Eat all you can ang drama nila sa Kangaroo Jack sa SM NOrth. Php 150 lang daw, sulit na sulit na. Pero hindi ako sumama kahapon kasi kelangan kong umuwi agad para mag ayos ng gamit dahil akala ko MAKAKASAMA AKO SA BAGUIO... pero HINDI NAMAN PALA!!! Shet yan!





-----------------------------------------------------------------------------------


11 comments:

Kapitan Kamila said...

update ba itoo..? kawawang nilalang di makapunta.. ayuko kay christian bautista.. kaya wag ka na din magpunta dun! at congrats naman masigabong palakpakan for you siguro may gusto xayo yung nagpa exam.. lol, joke lang...

~ JaY RuLEZ ~ said...

buti nga!hahaha

iya_khin said...

hahaha! naiwan ka ba o sadyang di ka isinama?! don't worry makakapasa ka!!

heheh! ikaw pa! si rap ka!! yiiii!

mommy-razz said...

grabi ka naman! ngyn araw lang dalawang beses ka magpost.. hehe!

kalimutan mo na c sandara.. kaya wag ka ng manood.. sa bahay ka lang huwag kang lalabas ah. hahaha

Leonrap said...

kamila - wala akong maiblog kaya yan na lang... hehe.. parang update na din...



jay - i dont know to you! hehe




iya - actually, hindi na ako pinasama ni mama.... epal si mama eh.. hindi ko nga kinikibo eh... ahahaha.



mommy - nagawa ko na dati na 2 sunod na post... bakit ayaw mo ko palabasin?... dadami ako?.. hehe....

Diamond R said...

congrats.perfect ang one on one.

Akoni said...

hehe..gusto ko mga movies ng korean, pero never ang mga kanta nila...hehe..astig nakaperfect, ayos yan, ipagpatuloy mo lang yan iho...

musingan said...

wow.. 2ne1.... eee.. eee. eee..eee... naalala ko ang traning namin.. pinasayaw kami ng ganyan.. ehehehheh.. yahooo.. ako na ang magaling sumayaw.. kasi naman nalate kami.. yun ang punishment eh...

Bino said...

good luck! papasa ka dyan pramis! ayoko din ng mga concert na maraming guest performers, kakabanas

khantotantra said...

akala ko concert ng 2ne1 kaya sila andito. baduys namans kung front acts lang sila.

cLai ♥ said...

eto lang ung mga kinanta nila

fire
cant nobody
please dont go
lonely
i dont care
clap your hands
in or out (solo ni sandara)

si Cl tsaka si sandara lang ang nagsasalita
si minji konti lang
may sakit ata si Bom nung time na un....ang galing ni CL..
kng pano mo sya narinig sa CD mag rap..ganun din pag live
mga 45 minutes lang sila nag perform
si dara parang bagong gising lang
naka loose pants at malaking black t shirt....
masaya pala humawak ng glow sticks
..hinahampas pala un pra umilaw...ung una 75 pesos tapos biglang naging 150...
ang galing ng bloomfields tsaka ng callalily...fan na nga ako pagkatpos nila magperform
nkita po si kean ng malapitan..
nag Hi pa nga sya skin...
as in 2 steps away lang sya..

sana 2pm nmn o kya big bang...sa susunod

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...