Eto na... Malapit na. 10 days before Christmas. Start na ng simbang gabi bukas ng madaling araw. Busy na ang mga tao sa umaga kasi pagkatapos nila magsimba, derecho na sa work nila. Ang hirap nga lang gumising sa madaling araw. Pero kung tutuusin, 9 days lang ang sakripisyo na yun kung gusto mo talagang matapos ang 9 days na simbang gabi...
Ako naman, hindi ko na pinangarap na magsimbang gabi. Mula nung nagtrabaho na ako, wala na akong time. Aminado ako, time management lang ang kelangan. Pero sa tulad kong nagwowork ng graveyard shift, itutulog ko na lang yun para at least hindi ako antukin sa work. Hindi din naman ako naniniwala na matutupad ang wish mo pag natapos mo ang 9 days na pagsisimba. Nasa tao din nakasalalay kung talagang iga-grab nya ung opportunity na matupad nga yun. Kumbaga nasa tao nga daw ang gawa... So kahit magwish pa ako ng kahit ano, at hindi din naman ako determinadong sundin yun, (for the sake na may wish lang) hindi na ako mag-eeffort. Madaling matupad ang isang wish kung determinado kang matupad yun at hindi kelangan tuwing simbang gabi lang...
Dahil start na ng simbang gabi bukas, start na din para maistorbo kami ng mga batang makukulit at nangangalampag ng gate ng bahay. Start na din ng caroling. Ang nakakaasar pa dito, kapag nagbigay ka sa mga bata, sasabihin nila sa mga kasama pa nilang ibang bata na pumunta sa bahay nyo kasi nga nagbibigay kayo ng pera. haaayy... Pass the messege lang yan. Kung saan may pera, ituturo nila kung saan yun. Mga bata talaga! Minsan nga ayaw na namin lumabas pag gabi. Isasara na lang namin ang pinto. Pero syempre hindi naman maiwasan na may gawin kami at lumabas sa bahay. Tapos nakabantay na ung mga batang nagmamasid sa amin kung sino ang lalabas. ahahaha. Ang kulit di ba?. Basta, nakakaasar na. Lalo na kapag hindi namin sila pinansin, talagang hindi sila titigil sa pagsabi ng "namamasko po!!!!" (paulit-ulit) hanggang sa magsawa sila. At sa habang sinasabi nila un, sabay kalampag ng gate namin. Parang naninira na ata sila. ahahaha... Sarap ipalapa sa aso namin! ahahaha...
May matanggap kaya akong gift ngayon? Sana... pero di ako umaasa. Ilang pasko na ang dumaan, isang ordinary day lang ang pasko sa amin. Asa pa akong bigyan ng pera ng mga relatives ko eh alam nilang nagwowork na ako. Sasasabihin lang nila na hindi na ako bata, at dapat pa nga daw ako ang magbigay sa kanila... (neknek nila! ahaha) Kapag may dumadating naman sa bahay na kahit sinong bisita, di na ako lumalabas ng kwarto. Wala naman ako mapapala kung lalabas pa ako. Hindi ko din naman sila kilala. Mas gugustuhin ko pang gumala na lang, mag mall ng mag-isa. Kung may mayaya akong kasama, edi mas maganda.
------------------------------
(dahil nawala na ako sa mood... di ko alam kung paano tatapusin tong entry na to. eto na ang ending kahit hindi....)
No comments:
Post a Comment