"Kung hindi ka na masaya sa buhay mo ngayon,.. bakit hindi mo subukan magpunta sa 'kabilang buhay'?! Malay mo mas masaya dun. Wala na din balikan..."
Hahahaha! Natawa ako sa quote or joke na ito. Narinig ko sa 90.7 Love Radio station na sinabi ni Chris Tsuper ang linyang ito. Dahil wala naman sa personality nila ng magseryoso, todo tawa talaga ako nung narinig ko to. ahahaha...
Pero like what I've said dati, nasa tao kung bibigyan nya ito ng ibang meaning. Sa iba, oo malamang joke lang to. Pero kung titignan mo sa ibang paraan at seseryosohin mo, iba ang meaning... Ano ang gusto kong ipaliwanag? Ganito un....
May mga taong masaya ngayon. SIla siguro yung mga taong nasa kanila na ang lahat - kayamanan, karangyaan, katalinuhan, magandang pamumuhay at kung ano pa man. Sino ba naman ang hindi sasaya kung nasa sayo na ang lahat hindi ba?... Well, sila yun. Huwag din natin kalimutan na may mga taong pinipilit na maging masaya. Kahit malabong mangyari sa kanila yun, pinipilit pa din nilang ipakita ang mga ngiti nila kahit papaano sa ibang tao. Maraming lunod sa kung ano-anong problema ng buhay. Kung ikaw ang may malaki at mabigat na problema, sasaya ka ba? Hindi... Pero kaya mong ipakitang masaya ka dahil madali lang gawin yun.
Dahil sa quote na ito, may option ang taong magpunta sa 'kabilang buhay'. Ito ay masasabing 50-50 chances of a lifetime. May mga taong nagawa na ito dahil sa hindi na nila nakayanan ang bigat ng mga pasanin nila sa buhay. Nakakaawa... Nakakalungkot isipin na ito na lang ang natitira nilang option para kahit papaano ay sumaya naman sila. Pero sure ba sila na masaya nga sila sa 'kabilang buhay'? Ang sagot ay hindi ko alam.
2 comments:
Oo nga naman... sumakabilang buhay nga pero di natin alam kung magiging masaya doon Hehehe.. okey lang sana yong may roundtrip papunta roon di ba... para kung di ka masaya doon pwede kang bumalik... hahaha
adik?... roundtrip? ahahaha...
Post a Comment