Sunday, December 12, 2010

Game KNB?


Napag-uusapan ang reality shows sa bahay ngayon. Siguro dahil linggo, namimis nila mama ang willing willie. ahaha. mga adik. I had also my own experience about game shows... ganito un....

Few months after graduation, (mga mid year of 2008) dahil sa hirap maghanap ng work, tambay muna sa bahay ang libangan. Wala akong magawa nun kundi maghapon nakatutok sa TV at sa PC. At dahil nasa bahay kasama ang parents ko, lagi silang nanonood ng Eat Bulaga at Pilipinas Game Ka na ba?.. Pero madalas ay sa GMA7 sila nakatutok dahil sa hindi maipaliwanag na mahinang reception ng ABSCBN samin (eto ay 2008 pa, now mejo ok na. hehe).
 
Nang minsan pinalipat ko sa ABS para maexperience naman namin ang GKNB, bigla din akong napaisip na bakit hindi ko itry sumali. ahaha. Naaaliw kasi ako loob ng studio nila eh. Parang ang laki-laki, at mukang hight-tech ang mga facilities. Basta, curious lang ako kung ano man ang meron sa loob ng studio ng GKNB. Kaya ayun, sa isang ding hindi maipaliwanag na desisyon, palakasan lang ng loob to sabi ko sa sarili ko. Tutal naman, honor student ako (nung elementary ahahaha), so why not give it a try. ahahaha...
 
Hindi alam ng mga parents ko na nagregister ako as studio contestant as GKNB. Nagdalawang-isip din naman ako sa desisyon na yun. Pero sa kagustuhan kong makita talaga ang loob ng studio ng GKNB, tumuloy ako sa pag-register. Nanginginig ako sa pagpindot ng send button sa cellphone ko. Mas tumindi ang nginig at kaba ko nung nagreply sila at kelangan magpunta ako sa ABS-CBN para sa screening process nila, "WAAAAHHHHH!!!" eto lang tanging nasabi ko habang binabasa ung text. Hindi ko pa din sinabi sa mga parents ko ang tungkol dun. Hanggangsa dumating na ang araw ng screening date...
 
Maaga ako. 9am daw kasi dapat andun na. Pagpasok ko sa gate, ang daming tao. Ang sabi ko sa sarili ko, ang dami palang malalakas ang loob na sumali. Kahit galing pa ng province ung iba, pumila pa din sila at tinanggap ang hamon ng pagsali sa game show. Ako naman tahimik lang. Syempre walang kakilala. Walang pressure sa akin. Ang sa isip ko lang, konting hintay na lang at makakapasok na ako sa studio. ahahha. Yun lang naman ang habol ko eh. Wala akong paki kung ano man ang mangyari, basta makita ko ang loob, achievement na sa akin yun.
 
Eto na, pumasok na kami sa studio. Ang liit lang pala. Mali ang akala kong malaki sya. Camera effect lang pala. Atleast nakita ko na ang hinihiling kong makita. Umpisa na ng screening. Part 1 ng screening ay bibigyan kami ng 10 questions. Multiple choice. We have our own answer sheets at sabay-sabay pinasa ang papel. Out of 10 questions, ang mga taong may 7 and up scores ang susunod sa 2nd screening. Unfortunately I only got 6 questions correctly. how sad. huhuhu. Ang mga questions kasi ay ung mga tinatanong din sa mismong show sa TV. Kung avid watcher ka ng GKNB, for sure familiar ka sa mga questions sa screening. At dahil sa laging Eat Bulaga ang TV namin that time, di ako familiar sa mga tanong. But in the end, I was super happy kasi ung stage at studio nakita ko sa wakas. lol


No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...