Bakit kaya pag may bagay tayong nabili, mas gugustuhin pa natin itong itago kesa gamitin ang mga ito?... Ganun ka din ba?... For example, may nagustuhan akong magandang notebook, ang gagawin ko ay hindi ko susulatan yun at itatago ko lang hanggang sa maluma. ahaha.. Or kunyari naman, may mga gamit sa bahay na kelangan ng palitan, pero dahil nakakapanghinayang gamitin ang mga iyon, itatago ko pa din ito... Ewan ko ba, mas masaya ata ung nakikita mo silang walang gasgas, walang gamit at mukang bago pa din. hehehe... Weird di ba?
Parang 2 years ago lang, bago dumating si Ondoy, may mga biniling bagong gamit sa kusina si mama. Andun ung bagong blender, bagong steamer, bagong mga plato etc... That was 2 years ago. Hindi ginagamit ni mama ung blender pero ung iba nagamit nya na. Pilit ko syang kinokonsensya na gamitin ung blender para makagawa ng fresh fruit juices at mga shakes, pero ayaw nya talagang gamitin. Pinagsasabihan na nga namin sya ni kuya kung bakit pa nya binili yun kung ididisplay nya lang, pero tumawa lang sya. Hangang sa dumating na nga si Ondoy at nabaha at nasira ang mga gamit na iyon... So hanggang ngayon, fresh pa din ang itsura ni blender. Hindi na nga lang sya virgin kasi nauna na si Ondoy sa kanya, naputikan na sya sa loob at kinakalawang na ung blades. Pero ung labas nya, makintab pa din, kaya naka-display pa din sa bahay... Walang pinagsisihan naman si mama, lagi nyang sinasabi na mapapalitan naman daw yun. heheh..
Ako din naman mejo namana ko ang ugaling ito kay mama. (mag-ina nga kami! ahaha). Ung binili kong Deathnote na notebook ay naka display lang din sa kwarto ko. Walang sulat. Walang lukot. Nakaplastic pa. As in bagong bago pero that was 2 years ago pa din (pero nailigtas sya kay Ondoy). Sa mga di nakakaalam kung ano ung Deathnote, igoogle nyo nlng. hehhe... Anime po sya. basta ganun. lols.
Pati ung ballpen na Pilot G-TEC (pa-advertise lang ah. hehe), bagong bili din sya pero til now, di pa masyadong gamit kasi di naman ako nagsusulat. hehe.. Maganda nga pala ung bolpen na yun, 0.3 lang ang point nya kaya napakanipis at magandang ipansulat. mura lang, nasa Php70 above lang. hehehe..
At speaking of anime, syempre may collection din si kuya ng mga Gundams. Dahil mas malaki ang sweldo nya kaya keri nya lang ang gumastos ng mga 3k to 5k na mga action figure. After nya buuin ung mga parts, dinisplay nya lang at never na uling hinawakan (baka daw madumihan hehe). Yung iba ay nasa kahon pa at hindi pa din bukas.
Ayan sila... Ibat-ibang klaseng gundam na nakalimutan ko ang mga names nila. hehe... Meron pa din syang mga transformers kaso wala akong makitang pictures sa pc... nagreformat pla kami. jeje.. Lahat yan, kamuntikan ng na-ondoy pero nailigtas agad...
Bukod jan, aside sa Deathnote kong notebook, hindi ko pa din sinusulatan ung Starbucks 2011 planner ko. Korean version ung planner na yun at binili ko online kasi ayoko ng design at planner dito sa pinas. hehe... Since wala pa din syang sulat, balak ko na syang sulatan pagdating ng june, para wala lang... hehehe.... May maisulat lang. May box at ribbon pa yun kesa ung pinas version na planner... nakaka-eeeewwww yung version dito. ahahaha.
Eto last na, pati ung mga Coke glasses ng McDo, hindi ko pinatawad.. ang cute kasi ng mga kulay kaya ayun, inipon ko.. ahaha... Never pa din ito nagamit.
Haaayyy, sabagay, mabuti din naman ung ganito hindi ba?... Dun mo kasi makikita kung gaano kasinop ung isang tao. Ung tipong may pagpapahalaga sa ibang bagay kaya ganun na lamang kaingat sa mga ibang gamit. Hehehe.. Wala me maipost eh.
13 comments:
kung sakin lahat yan...
wala pang isang araw sira na yan
may sumpa kasi ung kamay ko...
.....X_X
oh no. pero yong planner gamitin mo na kasi magiging notebook na lang siya next year.Ingatan mo na lang ng husto para maganda pa rin. I keep all my used planners masarap silang balikan pag punong puno ito ng mga ginawa mo.Ako naman iba pag may binili ako gusto ko sulitin kaagad para maenjoy ang bawat sandali kaya mabilis ko siyang pinagsasawaan.
hehe..wala akong ugaling ganyan, kapag binili ko lulusyangin ko muna bago ko itago...hahaha
hanglufeeeeeetttttt!!!!!!
buti nligtas mu ung mga gamit mu noh...
at xaka nasalakay pla kayu ni ondoy..
errrmmmmm....parang wala talgang bahid ng pagkaluma...ur so organized and careful with ur thngs,,jooooraaaayyyysssttt...
Kainggit sarap magimbak ng mga gamit at wag gamitin haha.. sana ganyan din ung mga libro ko, hindi ko babasahin display lang heh..
yung mga collectors' edition gaya nga ng coke, di ko din yang ginagamit. pero ung planner, sawang sawa na yata sa kin kasi puro sulat na hehehe
Bino
ganyan din lagi pen ko since first year. pero blue tapos point 4. tinatamad ako magsulat kapag hindi ganyan.
kewl!
may death note notebook at gtech pen din ako pero naging listahan nalang ng utang.
may SBC planner din na naging doodle book.
meron din 2 coke glasses na di ko pa din nagamit. pangdisplay na din.
action figures nlng ang wala. pahingi ng isa. lol eheheh..
cheers!
clai - ganun?... bawal mo pala akong hawakan.. baka masira ako. ahaha
acre - yup, may sulat na sya pero konti lng... balak ko din syang sulatan, blog ko nga din un minsan eh..
akoni - burara ka kasi eh! lol
luloy - oo, naondoy kami... hehe.. organized tlaga gamit ko, kahit bag ko.. tignan mo pa eh,.. hehe...
kench - ung ibang BOB ONG ko, naondoy din.. pero pinalitan ko na sila at dahil nabasa ko na lahat, ung bagong palit na bob ong ko, di ko inopen sa plastic.. may price tag pa. ^^
bino - hehe.. may time ka ata kasing magsulat eh kaya lamog na si planner mo.. ako hindi na nga marunong magsulat. hehe
abiel - since 2nd yr hskul ako yan ang bolpen ko... tulad mo, tinatamad akong magsulat kapag iba gamt kong pen. 0.3 lng lagi ako kasi mas matagal maubos compared sa 0.4. hehe..
nieco - listahan ng utang kamo?.. nagpapautang ka ba?.. ahaha.. pautang naman!!! ahaha. kay kuya ung mga gundams eh, pag pinamigay ko un, naku sa kangkungan ako pupulutin.. lol
naku baligtad tayo. ako naman, hindi ako bibili ng gamit kung hindi rin lang gagamitin. pero pag ginamit ko naman sobrang ingat kaya mukhang bago pa rin. at mapapalitan lang pag yung tipong beyond repair na.
haha, buti ka pa! yung coke nagpromo dito na for every meal sa Mc Do, you get one, pero nung inilagay ko sa cupboard at naabot ng anak ko - ayun, ihinagis isa isa! Kaya marami na sila, pira-piraso nga lang!!!!
Post a Comment