Sunday, May 29, 2011

Ingats...

Parang once in a week na lang ako makakapag post ng bago sa blog ko ah... Andun na din kasi minsan ung tinatawag nating "tinatamad factor" hehehe... Plus the fact na once a week ko lang din lagyan ng load si globe tattoo ko... Pulubi kasi eh, walang pang linya. lol.


Nung thursday pa ako matamlay. May sipon ako nun. Ayoko pa naman sa lahat ang magkaron ng sipon dahil kapag nagkakasipon ako, almost 1 week bago ito mawala sa katawang lupa ko. Hindi din ako pwedeng uminom ng kahit anong gamot sa sipon dahil kapag uminom ako ng gamot mas matutuyo ang sipon ko at mas lumalala sya. At ang worst scenario ay kapag naging tuyo na ang sipon ko, syempre mahirap huminga kasi barado ang ilong ko. ahahaha... Ngo-ngo pa ako magsalita. 

Nung friday, mas lumala na nga sya. Sumabay pa ang ubo kasi ang sipon naging plema na. ahaha. kadiri ba?...  well, talagang ganun eh... At ngayon naman, dahil magkasabay na ang ubo at sipon, dito ko na uli maeexperience ang mas malalang sakit ko - ang ASTHMA. 

Nagsimula sa simpleng sipon... natuyo at naging ubo... at naging asthma, so lahat yan, taglay ko pa hanggang ngayon sa katawang lupa ko... ako na ang kawawa. Pero magkalinawan lang, hindi naman ako lantang-gulay! Cute pa din ako. Artistahin pa din. ahahaha... Nakakatayo pa ako, nakakalakad, nakakakain, nakakaligo, nakakagala, nakakaramdam ng init sa katawan. (ano daw? ahahahaahah), at lahat ng ginagawa ng masiglang nilalang ay nagagawa ko pa. May mga gimik pa nga ang wavemates ko together with our trainer at syempre kasama pa din ako sa lakad nila. Ako na pasaway eh. hehe. Mejo hirap lang ako huminga ng konti kasi nga sa asthma at bawal din ako mapagod, pero keri lang. ^^,



Take good care of yourselves. Ngayon rainy season na, mas madaming sakit ang mas kakalat pa. Ingat kayong lahat mga kabloggers... missyou! 


14 comments:

mommy-razz said...

nabuhay si rap, hehe! get well soon..

nakaka miss ka ah.. :P

cLai ♥ said...

miss you too Rap!
tinatamad din ako
except kung may mgandang nangyari sa life ko...todo blog! ^_^

Diamond R said...

ala eh me magpagaling Raf.

Kench Alegado said...

Matagal din akong hindi nadalaw sa blog mo rap hehe, busy-busyhan sa school eh.. maxadong demanding ang college life.. get well soon.. hehe at magdala ng marameng bimpo hindi para sa pawis kundi para sa sipon hehe..

Bino said...

actually pwede mo'ng gamitin ung ultrasurf sa globe. gumagana un kahit walang load. hehehehe. get well sonn :D

empi said...

buti nga one week lang... pag ako sinipon minsan umabot ng isang buwan. kaya iwas talaga ako para di magkaroon ng sipon.

get well soon... :)

emmanuelmateo said...

pagaling ka manong ko..mis kan jeje

Leonrap said...

@kench - talagang bimpo noh?... bata?... ahaha


@all, salamats... ang sarap ulamin ng plema pramis... ahahaha.. eeeewwww!!!

iya_khin said...

pagaling ka stressed lang yan!

iya_khin said...

pagaling ka stressed lang yan!

iya_khin said...

pagaling ka stressed lang yan!

MOKS™ said...

Welcome Back at get well soon Rap! aantayin ko ang mga post mo pag magaling ka na.

ken said...

asthma lang yan kaya mo yan hehe. ingat din :)

Kapitan Kamila said...

buti ka pa naxuxukat mo gano katagal xipon at ubo mo.. ako talaga walang paki.. ewan ngayon meron akong ubo.. bumabara ilong ko pero walang paki.. feeling ko kaxe hindi mga tunay na xakit toh.. toink.. hahaha parang way of life na lang din!! hahaha :) hoy rap.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...