Tuesday, May 3, 2011

Busy busyhan uli ako...

Sobrang busy... haaayyy... sa sobrang init na din dito sa bahay.. sa pilipinas actually, minsan may mood na akong tinatamad magbabad sa harap ng computer.. hehe... kulang ang dalawang electric fan na nakatutok sa akin. mainit pa din ang singaw. (wala pang pambili ng aircon eh, mahal ang kuryente!!!)

Lately, nag-asikaso na ako ng mga requirements ko for my new job. Start na ako next week. Oo, nakakasawa pero call center pa din ang bagsak ko. ahahaha.... Dun nga lang kasi kahit papaano feeling mayaman ang mga tulad ko! ahaha... Hindi naman kalakihan ang sweldo pero malaki naman sa normal. So tamang-tama lang para may ipambili ako ng mg luho ko.... (yun lang naman habol ko eh.. hehe joke)

So ayun, sa almost 2 weeks kong pagtambay dito sa bahay, magiging busy uli ako by next week. 2 weeks na din naman kasi akong walang minumurang mga callers eh, so may chance na uli akong gumanti sa kanila. ahahaha...

Galing ako SSS (main branch) kanina para magprocess ng SSS digital ID ko. Wala pa kasi akong ID eh. Pagpunta ko dun, kelangan pala magpa-approve muna daw ng E-6 form sa SSS branch na malapit sa lugar kung saan ka nakatira... Ayun, pinapunta ako sa branch malapit sa amin... after nun, balik uli sa main branch para magpa-schedule ng pictorial sa ID (pictorial?? ahahah). Buti na lang at hindi traffic sa commonwealth at nagawa ko syang tapusin ng 11am. Kelangan ko na lang daw uli bumalik sa August 10, para sa pictorial ko... Ang tagal noh?. August pa ang picturan tapos makukuha ung ID mga after a month uli... Susme!!!

Hindi naman ako nag-iisa sa lakad na ito. Kasama ko si mama kasi ayokong magpunta sa ganitong mga lugar ng ako lang mag-isa. Hindi ko kasi alam kung saan ako magtatanong at kung saan ako pipila. Ang daming mga tellers kasi... Eto ang mga tipong ayokong puntahan ng ako lang mag-isa. Tulad ng mga banko, hospital, at government buildings. Baka kasi maligaw ako at hindi ko talaga alam kung saan ako magtatanong. hehehe... Pero kung mga galaan at gimikan yan.. ahmmm... kahit ako lang keri! ahahahaha... 

After namin ni mama sa SSS, syempre gutom kami. Kami ay nagenjoy at nagpalamig muna sa mall bago umuwi... Syempre, dahil tambay nga muna ako for now, lahat ng pamasahe, pagkain at pinagshopping namin kanina ay pera ni mama!!!! ahahaha... So may purpose din kung bakit sya kasama. Utakan lang yan... LOL.




15 comments:

tabian said...

haha..kunwari ka pang maliligaw kung wala ang mama mo yun pala pinagbayad mo lang..wise, very wise!

Congrats sa bago mong trabaho, enjoy training! hehehe :D

Bino said...

ayun naman pala! so sa unang sweldo mo libre mo na ang mama mo hehehehe

Lhuloy said...

hanip! ako nga mag-isa lang kumuha ng sss id...pro dhil nlaman ko din nman nging porpos mu mssbi ko lang ur so!!!! chaaaaarrrr...jejejeje

ganda ng advantij pag may exp. kna sa cc.madali k nlng i-hire...gud for you...

arteh mu klngan talgaah 2 bintilador...char...jajaja..wolo long... toinks!

Akoni said...

magpakain ka..hehehe..libre mo ko!

Nimmy said...

Naks! Congrats on your new job. :)

Roy said...

na-miss ko na rin ang init sa Pinas, mahirap din dito ang lamig sa uk.

you had a great blog. im inviting you for my most interesting blog award contest.

see yah.

www.abdul-hakeem.com

khantotantra said...

tama, dapat sa sweldo may extra para sa luho. Hindi pedeng sakto lang lagi kasi kailangan may reward sa sarili. :D

good luck sa new job

eMPi said...

Good luck sa bagong trabaho!

twelveounces said...

mabilis na pala maprocess ang ID ngaun. yung sakin, after a year ko nakuha ang ID. naloka ako sa tagal.

Diamond R said...

Nasa Philippine Embassy din ako kahapon kumuha ng SSS doon ko lang nalaman kung gaano kaganda ang SSS. nag no 1 pala tayo sa buong mundo pagdating sa SSS. saan ka pa. isipin mo yon.

Sigi manlibre ka naman.

musingan said...

pareho tayo.. wala pa akong ID.. kainis... di ko naaasikaso>? ano ba.. magcoconflict ba yan?

iya_khin said...

hahaha! salbahe ka inuutakan mo pa si mama mo! di mo ba alam na talagang mautak sya dahil TANGA ka?!!! hahahha! peace!

Di ba katangahan ang di mo alam saan ka magtatanong?!! hahahaha! i lab u friend!!!

Rap said...

tabian - wise ba kamo?... heheh... madalas kong gawin yan kay mama... lol



bino - madami na akong nalibre sakanya dati noh...


luloy - waw... ayoko mag isa eh. tatakot ako. lols.. kulang pa nga ang 2 elec. fan eh...


akons - tara, uwi ka dito... bilis!!!

Rap said...

nimmy - thanks... same to you! ^^


roy - tara palit tayo... ahaha...


khanto - tama... reward lagi sa sarili.. kada payday! ahahaha


empi - thanks po..

Rap said...

kraehe - mabilis na ba yun?... matagal din... akala mo lng... hehehe


kuya acre - no. 1 sa sss? hmm... wala me paki.. hehee... anything na may kinalaman sa govt natin, wala akong paki. ahahaha.... ^^


musingan - di ko alam eh...


iya - eh sa ayokong magtanoong eh! ahahaha...

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...