Ang sabi ni Nicole Hyala at Chris Tsuper kanina sa kanilang programa sa radyo, kung lumaki ka daw na mahirap hindi mo naman daw kasalanan na naging ganun ang kapalaran mo... pero kung namatay ka ng mahirap ka pa din, yun na daw ay kasalanan mo na dahil hindi mo ginamit ng husto ang kakayahan at talentong meron ka para kahit papaano ay umangat ka sa buhay.
Napaisip ako...
Ang hirap kasi wala naman akong isip! ahahaha
Pero sabagay, may point sila. Hindi porke mahirap ka mula pagkabata, ay tatanda ka na lang na mahirap. Kaya nga binigyan tayo ni God ng kanya-kanyang telento at kakayahan para ito ay magamit natin sa magandang paraan - para sa ikaaasenso ng ating buhay.
Marami na din akong nakitang mga inspiring stories na kagaya nun sa TV at sa mga magazines. Nakakamangha diba? Very insipring talaga. YUng iba kasi, nakaset na sa utak nilang porke mahirap sila, wala na silang mararating.. Pero ang hindi nila lubos maisip na sila din ang dapat gumawa ng paraan. Ang tinutukoy ko ay sa mabuting paraan lamang. YUng iba nga nakakagawa ng ibang bagay, pero sa pamamagitan ng pagnanakaw, pagpatay at kung ano-ano pang krimen para lang guminhawa ang kanilang buhay which is infact HINDI nararapat.
At yung ibang mejo nakakaangat naman sa buhay, kelangan din nilang ishare ang blessings nila sa iba. So, penge naman ako ng mga kayamanan nyo jan oh.. ahaha
wow, si rap may sineshare na makabuluhang bagay... AKALA nyo lang yun kasi ang point ko dito ay hindi para magkonsensya ng tao.. kundi para ipalaam sa madla na hindi lang BASTOS at NONSENSE ang mga pinagsasabi nila Nicole at Chris Tsuper. May SENSE din sila MINSAN!!! ahahaha... (grabe maka-promote noh, hindi naman ako mababayaran dito.. ahahah. pangalawa na ito, eto ang nauna)
12 comments:
Nasa pagsisikap kasi yan. :D
Tama si Kuya Empi. Nasa pagsisikap yan. Nasa diskarte na rin. :)
Tama. dadagdagan ko lang. Ang totoong kayamanan ay di ang marami ang pera or mga pagaari. Dahil di yan ang tunay na magpapasaya sayo. Ibig sabihin walang mahirap nasa isip lang.
Ang totoo lang ay kung masaya ka ba sa kung ano ang meron ka ngayon. Kaylam ay di hadlang ang anumang meron ka para makuha mo ang gusto mo kung gusto mo lang ito Di mo lang siya talaga siya seneseryoso kaya akala mo wala ka nito.
Ako na ang nagpapayo ngayon. wala eh Thursday ngayon I love thursday at suot ko ang bago kong rubber shoes,pants basta lahat bago sa araw na ito at syempre naligo akos sa pabango. I love it.
Happy weekend leonraf.Be cheerful ang God bless
AGREE!! pero kelan kaya ako yayaman? haha.. Para makumpleto ko na yung bob ong books na yan haha. nainggit naman kase ako ng sobra dun sa collections mo haha, at bakit hindi related ang comment ko sa post mo? hehe sayang hindi ko nakapakinig ng tambalang balasubas at balahura..
Empi at Nimmy - sana nga lahat ng tao ganito ang maging pag-iisp nila... hindi ung tipong sinisisi nila sa iba (sa govt) ung kahirapan nila...
acre - tama, ung kahirapan ay "label" lang yan... nasa tao din un kung gusto nyang mabago ang pananaw nya about dito... well, masaya ako sayo dahil may new shoes at pants ka.. ahahaha...
Kench - hehe.. ok lng khait walang kinalaman.. magkakaron ka din nun balang araw... hindi nawawala sa bukstores un mga un eh.. kahit kelan ka mabibili mo din un.. ^^
nice! najustified na ang maling cliche katulad sa existing prejudices natin nagyon, na ang ipinanganak sa basura, ay mabubuhay at mamatay sa basura.
http://sikodaker.blogspot.com/
madalas naman ako'ng makinig sa tambalang balahura. bagamat naughty minsan ang kanilang komento, may laman ang kanilang sinasabi. regarding naman sa pagiging mahirap, tama yun! hindi lahat ng mahirap ay namamatay ng mahirap. maraming umaasenso dahil sa pagsisikap. yun ang dapat tularan ng karamihan. yun lang. hehehehe
sabi pa nga kung may tyaga may porkchop! hahahah!
rap..rap..rap... ikaw ba yan?!gising nanaginip ka lang...
claro - tama, mali nga un tulad nung nakagisnan natin... salamat sa pagdalaw... ^^
bino - bastos nga kung minsan pero binabawi din nila sa tamang pangaral. hehehe... at yun ang gusto ko sa kanila. sana nga makuha nilang tularan kung ano ang dapat.
iya - di ko nga din alam eh... bangungot ito!!! ahahaha
You're right! (or they're right) Lahat naman tayo ay nabigyan ng parehong panahon para makagawa ng paraan para maisaayos ang kabuhayan natin sa buhay. Probably not necessarily to be as rich as Manny Pacquiao (pero pwede rin diba, why not!) pero yung maayos at may improvement naman, at di na lang paulit-ulit na kapalaran tulad ng sa mga magulang, lolo at lola...
at talagang di mo tionigilan sina nicole hayala at chris stuper ahhh...
hmmm. on the lighter note, dati pinapakinggan ko rin yang tambalan na 'yan (madalas kasi sa kanila naka-tuned in ang mga driver ng FX tuwing papasok ako sa umaga). Kaso nalipat ako panghapon kaya di ko na sila napapakinggan.
Masaya, magulo, maingay masyado ang tambalan pero tulad mo, kelangan lang ng konting buntong-hininga at marerealize mo na may mas malalim na kabuluhan ang mga banat nila.
Post a Comment