Saturday, July 2, 2011

Unexpected...

Saktong isang linggo ang nakalipas nung una tayong nagkita. Naalala ko pa, nagsimula ang lahat nang pinallow kita sa blog moh. Pinallow back mo din ako nun. Nagko-comment sa mga posts nung active kapa sa blog moh. Naging "mejo" close.... Naging friends sa FB... at nang lumaon laking gulat ko ng hingin mo ang number ko sa FB.


Hindi naman ako nabigla kasi dati pa lang din ay gusto ko na din ang kunin ang number moh. Kaso nahihiya akong gumawa ng move. Hindi pa kasi tayo "super close" nun. Ni hindi naman tayo masyadong nag-uusap kapag OL ka sa FB. Alam kong matagal ka ng hindi active sa blog kaya hindi din talaga tayo nakakapagkwentuhan man lang... 


Binigay ko ang number ko sayo nung hiningi mo ito. Piniem mo ako sa FB eh, ang bastos ko naman kung hindi ako magrereply... Kahit iba ang network moh, ok lang sayo kasi nakapostpaid plan ka. Ako naman itong walang choice kundi itext ka din, at magregister sa txt to all networks. Kahit nakaregister na ako, hindi ko inuubos ang 250 texts na yun sa ibang tao.. sayo lang... Gusto ko kasing isipin mong nageefort ako sayo. I'd like to know you more kaya naman excited akong mabasa ang reply mo sa inbox ko. At may konting ngiti sa mukha ko kapag name mo ang nakikita ko sa inbox ko.


Nagkapalagayan tayo ng loob sa text. Naging close na din kahit papaano. We've decided na magkita tayo. Ikaw pa nga ang unang nag-invite kaso hindi ako available sa schedule na yun... Lumipas ang ilang araw, kahit bumabagyo, tinext kita. Ako na ang nag-invite sayong magkita tayo. Pumayag ka naman. Matagl mo akong pinaghintay sa meeting place natin. Nabagot ako. Inaantok pa ako nun kasi wala akong tulog at galing ako sa work... Pero naghintay pa din ako sayo kasi alam ko naman pupunta ka din talaga.


Nakita na kita sa escalator nung umakyat ka para puntahan na ako. Hindi ako nagpa-obvious na tawagin ka at lapitan ka agad kasi gusto ko ikaw ang lalapit at hahanap sa akin. Sinabi ko sayo kung ano ang kulay ng suot ko at kung saan mo ako makikita. Pero dahil sa maraming tao, hindi ka nakatiis at tinawagan mo ako. 

"asan ka?"

"andito... hanapin moh... derecho ka lang, nakikita na kita... "


Kumaway na ako sayo para madali mo na akong makita. At simula nun, magkasama na tayong lumibot, kumain at nagpalipas ng oras... 





7 comments:

mommy-razz said...

what? hanggang don lang, walang kasunod? bitin..

inlab ka ata.. sino si 'lucky girl? ..:P

iya_khin said...

hmmmm....sino yan ka eb mo?! dumedate ka ng solo ha! hehehe! ayos yan!

ken said...

naks lumalablayf na ah. buti ka pa may social life ako deprived na drained pa kakaisip pano patataasin 'tong grade ko. parang naghahanap ng kasunod yan ah :))

chino said...

mahilig din ba kayo magpoke sa isatisa rap? hihihi , never na natuloy ang julies natin ba yun sa novaliches?hihihi

Bino said...

tapos ano hangyare???? binitin mo naman! lol. ituloy mo ang kwento oi! hehehe

cLai ♥ said...

sino sya?????
me <-----kinikilig!!!!!♥

Leonrap said...

bakit mas excited pa kayo sakin?... ahahahaha...

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...