Friday, December 31, 2010

Goodbye year of the Tiger… Hello year of the Rabbit

Okay, eto na naman ako at makikiuso sa kung ano ang trending ngayon. Ano pa kundi ang walang kamatayang New Year’s Resolution for this coming 2011. Kasasawa pakinggan, pero ganun talaga, yearly eh. Once a year din lang naman ako makiuso, so okay lang.. hehe…


I’ve checked my previous blog about my new years resolution 2010. (di ko sasabihin kung alin at anong blog yun. ahaha) Napaka ambisyoso ko pala. Ahaha. Kung anu-anong pinagsasabi ko, pero hindi naman lahat natupad.. Like nung winish ko na magkaka-car ako this 2010, ASA NAMAN AKO DIBA!!! Ahaha. Saka ung magta-travel daw ako, ang gago ko talaga. Hanggang pangarap lang siguro un.. or just say na di pa ngayon, baka next 50 years pa.  Pero may mga natupad din naman kahit papaano, more on personal stuffs nga lang – personal changes, maturity in terms of my personal opinion, own decision, choice of what-to-do and not-to-do, etc... Basta more on personal growth. Yes, MATURED NA DAW AKO!!!! Wahahahahahaha!!!! (matured na isip bata)



Year 2010, as per Chinese calendar, it was my year pala. YEAR OF THE TIGER – METAL TIGER. At sinabi ko sa blog ko dati na “I would change something in my life”. It was granted anyway. Ayoko ng i-elaborate kung anu-ano un, sakin na lang yun. Pero malaki at may pinagbago talaga. So I guess, effective ang resolution ko last year kahit papaano. What I need to do lang in this year 2011 is to continue that and wish for another good life.


This 2011, I will….
-          be more friendly. Wahahahaha! Ang corni.. (Para maraming mautangan if ever).
-          Save money for my future… and hopefully, aside for my future, also more LUHO to come. Luho means everything, so kahit anong magustuhan ko, dapat meron ako! ahahahaha
-          Sana dumami pa gadgets ko. Sana dumami pa kpop cds ko. Ahaha… at sana…. Hmmm.. sana.. bahala na.

-          Ayoko ng mag-wish ng alam kong malabong matupad. I’ll let time to carry me on the right path. So far, etong mga bagay lang na ito ang kaya ko pang matupad. At like nung sinabi ko kanina, I just need to continue what I have done on the previous year to be more productive. It’s not necessary naman na mag-wish ng sobra-sobra. As long as alam natin sa mga sarilli natin na kayang matupad yun, okay na – kung determinado ka talaga ka.

Wednesday, December 22, 2010

Nasa nagdadala lang yan...

Shit! may nakita akong officemate at ang design ng jacket nya ay pareho nung sa akin. Although ung sakin ay t-shirt lang, sa kanya ay ung jacket naman pero same design. ADIDAS ang brand. pero nung nakita ko naman pagmumukha nya... masama man ugali ko pero para sa akin, hindi bagay sa kanya! ahahaha... (ang sama ko noh?) Natawa lang ako sa sarili ko... Parang sinayang lang nya ung worth 3K+ na jacket dahil mukha naman syang adik tignan! ahahaha... Basta, parang ayoko na tuloy isuot ung t-shirt ko sa office... mahirap nang mai-compare sa kanya... wahahahahaha... (ang sama-sama ko talaga... ahahaha)

Monday, December 20, 2010

Starbucks Korea 2011 Planner

I just love anything regarding Korea/Koreans (especially kpop!) Eventhough here in Philippines, we have our own Starbucks planner, I looked online and finally I got this! ahaha


Here are the other pictures of the planner.



 i love the black ribbon. (other color is golden brown)


i love the black box


pouch made of canvass??


starbucks zippers


the planner itself (i like the white color but there is another color - brown)



December 25.


I love seeing Korean characters!


Seoul Subway map



I got this by checking this Llink - http://certeza.multiply.com/photos/album/414#
Thanks to them! hehehe.....

Sunday, December 19, 2010

Thursday, December 16, 2010

Kabilang Buhay

"Kung hindi ka na masaya sa buhay mo ngayon,.. bakit hindi mo subukan magpunta sa 'kabilang buhay'?! Malay mo mas masaya dun. Wala na din balikan..."

Hahahaha! Natawa ako sa quote or joke na ito. Narinig ko sa 90.7 Love Radio station na sinabi ni Chris Tsuper ang linyang ito. Dahil wala naman sa personality nila ng magseryoso, todo tawa talaga ako nung narinig ko to. ahahaha...

Pero like what I've said dati, nasa tao kung bibigyan nya ito ng ibang meaning. Sa iba, oo malamang joke lang to. Pero kung titignan mo sa ibang paraan at seseryosohin mo, iba ang meaning... Ano ang gusto kong ipaliwanag? Ganito un....

May mga taong masaya ngayon. SIla siguro yung mga taong nasa kanila na ang lahat - kayamanan, karangyaan, katalinuhan, magandang pamumuhay at kung ano pa man. Sino ba naman ang hindi sasaya kung nasa sayo na ang lahat hindi ba?... Well, sila yun. Huwag din natin kalimutan na may mga taong pinipilit na maging masaya. Kahit malabong mangyari sa kanila yun, pinipilit pa din nilang ipakita ang mga ngiti nila kahit papaano sa ibang tao. Maraming lunod sa kung ano-anong problema ng buhay. Kung ikaw ang may malaki at mabigat na problema, sasaya ka ba? Hindi... Pero kaya mong ipakitang masaya ka dahil madali lang gawin yun.

Dahil sa quote na ito, may option ang taong magpunta sa 'kabilang buhay'. Ito ay masasabing 50-50 chances of a lifetime. May mga taong nagawa na ito dahil sa hindi na nila nakayanan ang bigat ng mga pasanin nila sa buhay. Nakakaawa... Nakakalungkot isipin na ito na lang ang natitira nilang option para kahit papaano ay sumaya naman sila. Pero sure ba sila na masaya nga sila sa 'kabilang buhay'? Ang sagot ay hindi ko alam.

Wednesday, December 15, 2010

10 days before Christmas....

Eto na... Malapit na. 10 days before Christmas. Start na ng simbang gabi bukas ng madaling araw. Busy na ang mga tao sa umaga kasi pagkatapos nila magsimba, derecho na sa work nila. Ang hirap nga lang gumising sa madaling araw. Pero kung tutuusin, 9 days lang ang sakripisyo na yun kung gusto mo talagang matapos ang 9 days na simbang gabi...

Ako naman, hindi ko na pinangarap na magsimbang gabi. Mula nung nagtrabaho na ako, wala na akong time. Aminado ako, time management lang ang kelangan. Pero sa tulad kong nagwowork ng graveyard shift, itutulog ko na lang yun para at least hindi ako antukin sa work. Hindi din naman ako naniniwala na matutupad ang wish mo pag natapos mo ang 9 days na pagsisimba. Nasa tao din nakasalalay kung talagang iga-grab nya ung opportunity na matupad nga yun. Kumbaga nasa tao nga daw ang gawa... So kahit magwish pa ako ng kahit ano, at hindi din naman ako determinadong sundin yun, (for the sake na may wish lang) hindi na ako mag-eeffort. Madaling matupad ang isang wish kung determinado kang matupad yun at hindi kelangan tuwing simbang gabi lang...

Dahil start na ng simbang gabi bukas, start na din para maistorbo kami ng mga batang makukulit at nangangalampag ng gate ng bahay. Start na din ng caroling. Ang nakakaasar pa dito, kapag nagbigay ka sa mga bata, sasabihin nila sa mga kasama pa nilang ibang bata na pumunta sa bahay nyo kasi nga nagbibigay kayo ng pera. haaayy... Pass the messege lang yan. Kung saan may pera, ituturo nila kung saan yun. Mga bata talaga! Minsan nga ayaw na namin lumabas pag gabi. Isasara na lang namin ang pinto. Pero syempre hindi naman maiwasan na may gawin kami at lumabas sa bahay. Tapos nakabantay na ung mga batang nagmamasid sa amin kung sino ang lalabas. ahahaha. Ang kulit di ba?. Basta, nakakaasar na. Lalo na kapag hindi namin sila pinansin, talagang hindi sila titigil sa pagsabi ng "namamasko po!!!!" (paulit-ulit) hanggang sa magsawa sila. At sa habang sinasabi nila un, sabay kalampag ng gate namin. Parang naninira na ata sila. ahahaha... Sarap ipalapa sa aso namin! ahahaha...

May matanggap kaya akong gift ngayon? Sana... pero di ako umaasa. Ilang pasko na ang dumaan, isang ordinary day lang ang pasko sa amin. Asa pa akong bigyan ng pera ng mga relatives ko eh alam nilang nagwowork na ako. Sasasabihin lang nila na hindi na ako bata, at dapat pa nga daw ako ang magbigay sa kanila... (neknek nila! ahaha) Kapag may dumadating naman sa bahay na kahit sinong bisita, di na ako lumalabas ng kwarto. Wala naman ako mapapala kung lalabas pa ako. Hindi ko din naman sila kilala. Mas gugustuhin ko pang gumala na lang, mag mall ng mag-isa. Kung may mayaya akong kasama, edi mas maganda.

------------------------------

(dahil nawala na ako sa mood... di ko alam kung paano tatapusin tong entry na to. eto na ang ending kahit hindi....)

Tuesday, December 14, 2010

Bob Ong's book reviews

Dahil natapos ko na din ang 8th book ni bob ong after 2 weeks pagkabili ko ng book, naisipan kong gumawa ng sort of "book review". ahaha... eto na naman ako, feeling writer na naman ako. At dahil inspired pa sa mga books nya, well, mas maganda ang mood ko ngayon sa paggawa ng review na to.. hehe... Ayoko sa lahat ay ung mahabang introduction. Puro palabok pa sa intro... Parang ganito, itong binabasa mo ngayon ay mapalabok na intro.... hehe... Let's start! 

Tama nga ang mga nababasa kong review sa ANG MGA KAIBIGAN NI MAMA SUSAN. Ang weird nga nung book. Although, parang may mga ganung eksena na akong nakikita sa mga horror movies/clips/etc... basta weird pa din. Ang daming symbolisms. Ang paggamit ng color VIOLET ang isa sa mga symbolism dun. Bakit?? edi i-research moh. ahahaha... ang mga rebulto... ang Nazarenong pugot ang ulo... ang paggamit nya ng Latin, ang pagdescribe nya sa mga bagay-bagay ay talagang sakto sa imagination. BASTA WEIRD.

Ang ayoko lang sa book na ito ay boring sa first half. walang climax. as in normal diary lang. (masarap lang basahin ung may mga part na mura). Pero sa 2nd half ng book, malalim na. Lalo na sa part na mejo horror na, kung ano-anong malalalim na mensahe ang mababasa mo dun. Hindi ko alam kung may pagka biblical ang ilang phrases, pero basta para sa akin, sobrang lalim... ( o minsan naman, tanga lang ako umintindi kaya parang malalim para sakin kahit hindi... ahahah)

Nang matapos ko na syang basahin, dun ko nagets ang ibig sabihin ng "wag mong babasahin ang hindi mo naiintindihan...". Literal, pero di ko nga binasa ung mga nakasulat na latin words sa book. ahaha. masunurin lang akong tao, di ko talaga binasa. less time, less effort.

" Ang nagsulat nito ay sa akin. Ang nagbabasa nito ay sa akin... ikaw ay napili... nararamdaman mo ba ang higpit ng yakap ng mga kaibigan ni mama susan?"

Eto ang last sentences sa book. Parang wala lang kung tutuusin... Nung una, parang bitin, kasi ending na to. pero ganun talaga... nasa author un eh. Pero dahil sa malilkot kong imagination, parang sumpa ba... hirap i--explain eh. Parang ganito, sabihin natin na ang nagbabasa nito ngayon ay magkakapigsa... (so magkakapigsa ka ngayon! ahaha...) whatta comparison!! may masabi lang. lols

 
Sa lahat ng libro ni Bob Ong, pinaka favorite ko ang LIBRO NI HUDAS. Ewan ko kung bakit, pero dun talaga sa book na yun, maraming aral akong napulot. (kung aral man iyon para sa akin) At ewan ko din kung may kinalaman ang title ng book sa pagkatao ko. May "HUDAS" kasi sa title, so kung ikukumpara mo sa pagkatao ko... ehem! alam mo na siguro. ahahaha... (self explanatory). Another reason is ung cover ng book. Ang ganda. Simple pero astig. BLACK! Pang demonyo talaga! wahahahaha! (wala lang... )

 
Next sa LIBRO NI HUDAS ay ang MAC ARTHUR. (uulitin ko, eto ay arranged according sa kung ano ang favorite ko, hindi sa pagkakasunod ng libro... thank you) Bakit MAC ARTHUR? Nung first time na binasa ko yun, sobrang touched ako. Feel na feel ko ang feelings ng mga character sa book. Drama sya. Ung ang unang-novela ni Ong, so kakaiba sa mga nauna. Basta napaiyak pa ako sa isang scene dun. Pero not literally na humagulgol ako... teary eyed lang. ahahaha... Feeling ko kasi ako ung artista. (wapak!) Sa isip ko nga, kung may mga gadgets lang ako like video camera at may budget ako, gagawa ako ng mini-indie film at ako ang bida. ako ang gaganap na bida sa novelang MAC ARTHUR... pero since wala kong gadgets na ganun, hanggang sa isip ko lang un. heheh...

ABNKKBSNPLAKO!. Tama! eto ang sumunod. Although ito ang unang book na nabasa ko (malamang syempre, first book nya to eh.. adik lang eh noh?) nakarelate din ako lalo na nung nag-aaral pa ako. Kung hindi pa siguro pina-project samin to, hindi ko makikilala si Bob Ong. Siguro walang Bob Ong akong sinasamba sa ngayon. At hindi din ako magiging writer kahit sa pagkakataong eto lang ang libangan ko. ahaha... (may ganun?) Anyway, nakakatawa ang book na to. Dun ko lang nalaman na may lasa pala ang tinapay na lasang sapal. ahahaha. At hindi ko alam kung ano ang itsura ng Nutri Bun. Di ko naabutan un.

KAPITAN SINO. Tulad nung MAC ARTHUR, novela din to. Pang movie din! ahaha. Astig ng story. Pero di ako masyado napaiyak dito unlike nung sa MAC ARTHUR. Siguro kasi di ako mahilig sa mga "super hero" theme. (power rangers lang ako eh. ahaha) So ayun, pero nang matapos ko ang book, maganda na din sya for me. May konting love story kasi, may kilig moments! lols. Ang hindi ko lang gusto sa book na to ay ung cover. ANG PANGET NG SILVER! ahahaha...

 
Nung bata ako, laging project sa skul ung mga pabula. Kung nag-exist na agad dati pa ang ALAMAT NG GUBAT, sana un na lang lagi ang pinapasa ko sa project namin. Ang cute ng book na yun. Pinakamura lang din. As in pambata. Bagay na bagay sa mga isip batang tulad ko. ahaha. (naaalala ko batibot) Ang cute ni Tong. Sa book na yun natuto akong GUMAWA NG WALA. Dahil sa isang (lobster) character dun na nakalimutan ko ang name, naispired akong gumawa ng wala.. Ang saya palang gumawa ng wala! I lab it!!!!



STAINLESS LONGGANISA. Masyadong malalim para sa akin ang book na ito. Eto ang story about sa buhay ng isang writer na laging ballpen at computer lang ang ginagawa. Sa book na to galing ang pinaka maraming quotable quotes na kumakalat. As in super seryoso ng book na to. Para sa akin, kung wala kang hilig sa pagsusulat baka di ka maka-relate. At dahil kahit "feeling writer" ako, pwes, sasabihin kong naka-relate ako.

Ang last para sa akin ang mala-pulitikang book nya na BAKIT BALIKTAD MAGBASA NG LIBRO ANG MGA PILIPINO?. Yun din ang tanging libro na wala akong kopya. Bukod sa may kamahalan (ahahaha) boring para sa akin. About politics kasi eh. About the country's puppet government. kakaboring. Nanghiram lang ako para basahin. Alam kong hindi lang naman eto ang book nya na tumutuligsa sa kasalukuyang gobyerno natin. Kilala ko si Bob Ong as parang aktibista. ahaha. Lahat ng books nya ay actually may halong pulitika. Kung bibigyan mo lang ng ibang larawan ang mga nababasa mo,.. kung mag-iisp ka lang ng mas malalim..., kung talagang may concern ka sa mga nangyayari sa ngayon,... kung avid fan ka ni Bob Ong.... masasabi mong tama lahat ng mga nababasa mo sa books nya.


=============================

RELATED LITERATURE:

Dalawang klase ang mambabasa. Ang "NAG-IISIP" at ang isa ay "NAGBABASA LANG"... Mapipilitan kang mag-isp kung talagang malalim ang binabasa mo. pipilitin mong makarelate hanggang sa makita mo ang point of view ng writer about sa binasa mo. After that, maiisip mo kung pareho ba kayo ng naiisip... sasang-ayon ka ba sa kanya? o may iba ka pang gustong idagdag. YAN ANG MGA NAG-IISIP.

Kung ikaw ang tipong NAGBABASA LANG, para lang may mabasa... pampalipas oras kumbaga. sinayang mo lang ang pagkakataon mong mamulat sa katotohanan. Dahil sa nagbasa ka lang, yun lang yun. walang side comments. walang violent reactions. wala kang paki sa binasa mo. Pero hindi mo ba alam ang hirap ng isang writer para lang mailabas nya ang gusto nyang sabihin sa tao?... Para sakin, sa lahat ng mga Bob Ong books na nabasa ko, Inintindi ko yun... at hindi ko sasabihin na "binasa ko lang to"...

--------------------------

Bilang isang taong mahilig gumawa ng anumang blog or essay, or any literature, HINDI AKO NANINIWALA na walang kwenta ang isang "literature" kung puro non-sense lang ang laman nito... Kung puro nonsense ito (kagaya ng mga naunang book ni bob ong, bakit maraming tumatangkilik sa kanya???

Sunday, December 12, 2010

Game KNB?


Napag-uusapan ang reality shows sa bahay ngayon. Siguro dahil linggo, namimis nila mama ang willing willie. ahaha. mga adik. I had also my own experience about game shows... ganito un....

Few months after graduation, (mga mid year of 2008) dahil sa hirap maghanap ng work, tambay muna sa bahay ang libangan. Wala akong magawa nun kundi maghapon nakatutok sa TV at sa PC. At dahil nasa bahay kasama ang parents ko, lagi silang nanonood ng Eat Bulaga at Pilipinas Game Ka na ba?.. Pero madalas ay sa GMA7 sila nakatutok dahil sa hindi maipaliwanag na mahinang reception ng ABSCBN samin (eto ay 2008 pa, now mejo ok na. hehe).
 
Nang minsan pinalipat ko sa ABS para maexperience naman namin ang GKNB, bigla din akong napaisip na bakit hindi ko itry sumali. ahaha. Naaaliw kasi ako loob ng studio nila eh. Parang ang laki-laki, at mukang hight-tech ang mga facilities. Basta, curious lang ako kung ano man ang meron sa loob ng studio ng GKNB. Kaya ayun, sa isang ding hindi maipaliwanag na desisyon, palakasan lang ng loob to sabi ko sa sarili ko. Tutal naman, honor student ako (nung elementary ahahaha), so why not give it a try. ahahaha...
 
Hindi alam ng mga parents ko na nagregister ako as studio contestant as GKNB. Nagdalawang-isip din naman ako sa desisyon na yun. Pero sa kagustuhan kong makita talaga ang loob ng studio ng GKNB, tumuloy ako sa pag-register. Nanginginig ako sa pagpindot ng send button sa cellphone ko. Mas tumindi ang nginig at kaba ko nung nagreply sila at kelangan magpunta ako sa ABS-CBN para sa screening process nila, "WAAAAHHHHH!!!" eto lang tanging nasabi ko habang binabasa ung text. Hindi ko pa din sinabi sa mga parents ko ang tungkol dun. Hanggangsa dumating na ang araw ng screening date...
 
Maaga ako. 9am daw kasi dapat andun na. Pagpasok ko sa gate, ang daming tao. Ang sabi ko sa sarili ko, ang dami palang malalakas ang loob na sumali. Kahit galing pa ng province ung iba, pumila pa din sila at tinanggap ang hamon ng pagsali sa game show. Ako naman tahimik lang. Syempre walang kakilala. Walang pressure sa akin. Ang sa isip ko lang, konting hintay na lang at makakapasok na ako sa studio. ahahha. Yun lang naman ang habol ko eh. Wala akong paki kung ano man ang mangyari, basta makita ko ang loob, achievement na sa akin yun.
 
Eto na, pumasok na kami sa studio. Ang liit lang pala. Mali ang akala kong malaki sya. Camera effect lang pala. Atleast nakita ko na ang hinihiling kong makita. Umpisa na ng screening. Part 1 ng screening ay bibigyan kami ng 10 questions. Multiple choice. We have our own answer sheets at sabay-sabay pinasa ang papel. Out of 10 questions, ang mga taong may 7 and up scores ang susunod sa 2nd screening. Unfortunately I only got 6 questions correctly. how sad. huhuhu. Ang mga questions kasi ay ung mga tinatanong din sa mismong show sa TV. Kung avid watcher ka ng GKNB, for sure familiar ka sa mga questions sa screening. At dahil sa laging Eat Bulaga ang TV namin that time, di ako familiar sa mga tanong. But in the end, I was super happy kasi ung stage at studio nakita ko sa wakas. lol


Wednesday, December 8, 2010

untitled

I've been very busy. hay. kakainis. Ang hirap bumawi ng tulog. Dahil start ng first week of the month, new schedule din sa work. Isa lang ang restday ko. At ung restday na yun ay may lakad pa ako. So, ayun, puyat... at ang oras ng pasok ko ay naging umaga na din, so late ako matutulog at maaga naman magigising. Kaya di maiiwasan na antukin ako sa work. Bad trip pa nga minsan eh. Halos di na ako makapagtype ng matino sa sobrang antok ko.

Sumapit din ang birthday ko. It was may 24th bday na. SHET! ang bata ko pa din. ahaha. Marami pa ding nagsasabi na mukha lang akong 20 or 21. ahaha. ganun lang talaga pag isip bata. bumabata din sa tingin ng iba. lols.

Wala naman magandang nangyari nung bday ko. Normal na araw. May pasok ako kaya mas lalong naging walang kwenta ang araw na yun. Puyat din ako nun, so bad trip talaga ang feeling. Walang handa at wala akong balak na manlibre sa mga kupal kong katrabaho. ahaha. Nagulat na lang ako ng umuwi ako sa bahay dahil  may biniling cake si mama. Kahit para sa aming lahat talaga ung cake na yun, sakin ang pinakamalaking part dahil para daw sakin un. (kung para sakin talaga un, bakit kahati pa sila? ahaha) Ayun, masaya na din kahit papaano kasi nag effort sila. (kung effort man na matatawag un)


Last Sunday...
I bought Bob ong's 8th book. di ko pa nababasa kasi wala pa akong time. Tulog lang 4-5 hours lang ang pahinga ko. nakaka 50 yawn ata ako dito sa work araw-araw at mabilis uminit ulo ko lalo na kapag may tangang kausap. ahaha. waaaahhh. ayoko na! Sana restday ko na!!!!!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...