Dahil natapos ko na din ang 8th book ni bob ong after 2 weeks pagkabili ko ng book, naisipan kong gumawa ng sort of "book review". ahaha... eto na naman ako, feeling writer na naman ako. At dahil inspired pa sa mga books nya, well, mas maganda ang mood ko ngayon sa paggawa ng review na to.. hehe... Ayoko sa lahat ay ung mahabang introduction. Puro palabok pa sa intro... Parang ganito, itong binabasa mo ngayon ay mapalabok na intro.... hehe... Let's start!
Tama nga ang mga nababasa kong review sa ANG MGA KAIBIGAN NI MAMA SUSAN. Ang weird nga nung book. Although, parang may mga ganung eksena na akong nakikita sa mga horror movies/clips/etc... basta weird pa din. Ang daming symbolisms. Ang paggamit ng color VIOLET ang isa sa mga symbolism dun. Bakit?? edi i-research moh. ahahaha... ang mga rebulto... ang Nazarenong pugot ang ulo... ang paggamit nya ng Latin, ang pagdescribe nya sa mga bagay-bagay ay talagang sakto sa imagination. BASTA WEIRD.
Ang ayoko lang sa book na ito ay boring sa first half. walang climax. as in normal diary lang. (masarap lang basahin ung may mga part na mura). Pero sa 2nd half ng book, malalim na. Lalo na sa part na mejo horror na, kung ano-anong malalalim na mensahe ang mababasa mo dun. Hindi ko alam kung may pagka biblical ang ilang phrases, pero basta para sa akin, sobrang lalim... ( o minsan naman, tanga lang ako umintindi kaya parang malalim para sakin kahit hindi... ahahah)
Nang matapos ko na syang basahin, dun ko nagets ang ibig sabihin ng "wag mong babasahin ang hindi mo naiintindihan...". Literal, pero di ko nga binasa ung mga nakasulat na latin words sa book. ahaha. masunurin lang akong tao, di ko talaga binasa. less time, less effort.
" Ang nagsulat nito ay sa akin. Ang nagbabasa nito ay sa akin... ikaw ay napili... nararamdaman mo ba ang higpit ng yakap ng mga kaibigan ni mama susan?"
Eto ang last sentences sa book. Parang wala lang kung tutuusin... Nung una, parang bitin, kasi ending na to. pero ganun talaga... nasa author un eh. Pero dahil sa malilkot kong imagination, parang sumpa ba... hirap i--explain eh. Parang ganito, sabihin natin na ang nagbabasa nito ngayon ay magkakapigsa... (so magkakapigsa ka ngayon! ahaha...) whatta comparison!! may masabi lang. lols
Sa lahat ng libro ni Bob Ong, pinaka favorite ko ang LIBRO NI HUDAS. Ewan ko kung bakit, pero dun talaga sa book na yun, maraming aral akong napulot. (kung aral man iyon para sa akin) At ewan ko din kung may kinalaman ang title ng book sa pagkatao ko. May "HUDAS" kasi sa title, so kung ikukumpara mo sa pagkatao ko... ehem! alam mo na siguro. ahahaha... (self explanatory). Another reason is ung cover ng book. Ang ganda. Simple pero astig. BLACK! Pang demonyo talaga! wahahahaha! (wala lang... )
Next sa LIBRO NI HUDAS ay ang MAC ARTHUR. (uulitin ko, eto ay arranged according sa kung ano ang favorite ko, hindi sa pagkakasunod ng libro... thank you) Bakit MAC ARTHUR? Nung first time na binasa ko yun, sobrang touched ako. Feel na feel ko ang feelings ng mga character sa book. Drama sya. Ung ang unang-novela ni Ong, so kakaiba sa mga nauna. Basta napaiyak pa ako sa isang scene dun. Pero not literally na humagulgol ako... teary eyed lang. ahahaha... Feeling ko kasi ako ung artista. (wapak!) Sa isip ko nga, kung may mga gadgets lang ako like video camera at may budget ako, gagawa ako ng mini-indie film at ako ang bida. ako ang gaganap na bida sa novelang MAC ARTHUR... pero since wala kong gadgets na ganun, hanggang sa isip ko lang un. heheh...
ABNKKBSNPLAKO!. Tama! eto ang sumunod. Although ito ang unang book na nabasa ko (malamang syempre, first book nya to eh.. adik lang eh noh?) nakarelate din ako lalo na nung nag-aaral pa ako. Kung hindi pa siguro pina-project samin to, hindi ko makikilala si Bob Ong. Siguro walang Bob Ong akong sinasamba sa ngayon. At hindi din ako magiging writer kahit sa pagkakataong eto lang ang libangan ko. ahaha... (may ganun?) Anyway, nakakatawa ang book na to. Dun ko lang nalaman na may lasa pala ang tinapay na lasang sapal. ahahaha. At hindi ko alam kung ano ang itsura ng Nutri Bun. Di ko naabutan un.
KAPITAN SINO. Tulad nung MAC ARTHUR, novela din to. Pang movie din! ahaha. Astig ng story. Pero di ako masyado napaiyak dito unlike nung sa MAC ARTHUR. Siguro kasi di ako mahilig sa mga "super hero" theme. (power rangers lang ako eh. ahaha) So ayun, pero nang matapos ko ang book, maganda na din sya for me. May konting love story kasi, may kilig moments! lols. Ang hindi ko lang gusto sa book na to ay ung cover. ANG PANGET NG SILVER! ahahaha...
Nung bata ako, laging project sa skul ung mga pabula. Kung nag-exist na agad dati pa ang ALAMAT NG GUBAT, sana un na lang lagi ang pinapasa ko sa project namin. Ang cute ng book na yun. Pinakamura lang din. As in pambata. Bagay na bagay sa mga isip batang tulad ko. ahaha. (naaalala ko batibot) Ang cute ni Tong. Sa book na yun natuto akong GUMAWA NG WALA. Dahil sa isang (lobster) character dun na nakalimutan ko ang name, naispired akong gumawa ng wala.. Ang saya palang gumawa ng wala! I lab it!!!!
STAINLESS LONGGANISA. Masyadong malalim para sa akin ang book na ito. Eto ang story about sa buhay ng isang writer na laging ballpen at computer lang ang ginagawa. Sa book na to galing ang pinaka maraming quotable quotes na kumakalat. As in super seryoso ng book na to. Para sa akin, kung wala kang hilig sa pagsusulat baka di ka maka-relate. At dahil kahit "feeling writer" ako, pwes, sasabihin kong naka-relate ako.
Ang last para sa akin ang mala-pulitikang book nya na BAKIT BALIKTAD MAGBASA NG LIBRO ANG MGA PILIPINO?. Yun din ang tanging libro na wala akong kopya. Bukod sa may kamahalan (ahahaha) boring para sa akin. About politics kasi eh. About the country's puppet government. kakaboring. Nanghiram lang ako para basahin. Alam kong hindi lang naman eto ang book nya na tumutuligsa sa kasalukuyang gobyerno natin. Kilala ko si Bob Ong as parang aktibista. ahaha. Lahat ng books nya ay actually may halong pulitika. Kung bibigyan mo lang ng ibang larawan ang mga nababasa mo,.. kung mag-iisp ka lang ng mas malalim..., kung talagang may concern ka sa mga nangyayari sa ngayon,... kung avid fan ka ni Bob Ong.... masasabi mong tama lahat ng mga nababasa mo sa books nya.
=============================
RELATED LITERATURE:
Dalawang klase ang mambabasa. Ang "NAG-IISIP" at ang isa ay "NAGBABASA LANG"... Mapipilitan kang mag-isp kung talagang malalim ang binabasa mo. pipilitin mong makarelate hanggang sa makita mo ang point of view ng writer about sa binasa mo. After that, maiisip mo kung pareho ba kayo ng naiisip... sasang-ayon ka ba sa kanya? o may iba ka pang gustong idagdag. YAN ANG MGA NAG-IISIP.
Kung ikaw ang tipong NAGBABASA LANG, para lang may mabasa... pampalipas oras kumbaga. sinayang mo lang ang pagkakataon mong mamulat sa katotohanan. Dahil sa nagbasa ka lang, yun lang yun. walang side comments. walang violent reactions. wala kang paki sa binasa mo. Pero hindi mo ba alam ang hirap ng isang writer para lang mailabas nya ang gusto nyang sabihin sa tao?... Para sakin, sa lahat ng mga Bob Ong books na nabasa ko, Inintindi ko yun... at hindi ko sasabihin na "binasa ko lang to"...
--------------------------
Bilang isang taong mahilig gumawa ng anumang blog or essay, or any literature, HINDI AKO NANINIWALA na walang kwenta ang isang "literature" kung puro non-sense lang ang laman nito... Kung puro nonsense ito (kagaya ng mga naunang book ni bob ong, bakit maraming tumatangkilik sa kanya???
14 comments:
hindi ko parin nababasa ang ikawalong libro, nagbabakasakali parin kasi ako hanggang ngayon na may magreregalo sa akin ng libro, haha.
kumpleto rin ako ng libro ni BO, yung huli lang ang wala. ang sa akin naman, pinakanaenjoy ko ang tatlong unang libro ni BO (abnkkbs, bakit baliktad, at libro ni hudas). dito, sa tingin ko, lumabas ang tunay na BO. yung mga libro pagkatapos nito ay parang naging "experimental" lang, lalo na nung sumabak na sya sa pagsulat ng mga fiction.
pasensya na at dito na ako nagblog. happy new year. XD
ahaha... no prob. atleast nasabi mo ang gusto mong sabihin. ahaha...
as long as BOB ONG yan, maganda un.
tenks sa pagdalaw sa page na to... ^^
dati, kumpleto ako ng books ni bob.
pero isang araw may nanghiram sa akin...
dahil mabait ako, (haha) pinahiram ko lahat..
tapos, nung binalik saken, kulang ng isa!!!
hmmp.
peborit ko yung first book nya. wala lang ^_^ hehe
http://myheartdoestalk.blogspot.com
ahaha... palitan mo daw, mura lang naman. ahaha....
thanks for the comment ! ^^
Pinakapaborito ko ung first book tsaka ung Libro ni Hudas :))
libro ni hudas rules!! ahaha
tatlo palang na babasa ko dyan yung Alamat ng gubat, Stainless Langonisa, saka Baket baligtad Mag Basa ng Libro ang mga Pilipino.
@adang.... sana mabasa mo din lahat... mahaba pa naman ang panahon mo para mabasa mo mga yun.. tyak na mageenjoy ka sa iba!
ahem.. mukhang nahuhuli na ku jan.. hehe..
hindi ko poa nababasa yung pang 8th book nyan.. makadaan nga sa bookstore mamaya.. :)
huli ka na nga... hehe.. 180 lang! go!
wow.. hanga ako sa iyo.. at nabasa mo lahat ang book niya... anabasa ko rin lahat ng libro niya... pero onti lang ang natapos ko..
AbnkkbsnplAko
Stainless Longanisa
Paburitong libro ni hudas
Kapitan Sino
mga kaibigan ni mommy susie..
McArthur
Alamat ng Gubat
Bakit baliktad magbasa ang pilipino
yan lang...
di ko natapos ang mommy susie, Alamt ng gubat, paburitong libro, at bakit baliktad at yung Mcarthur..
sa kadahilanang.. nawalan ako ng interest... hindi ko alam... basta nawala lang ang interest ko na basahin ang libro...
ahahha...
basta yung unang libro lang talaga ang nagustuhan ko...
ahaha... ako pag tinamad, siguro mga 2 days ko sya tinatapos.. di ko kaya ng isang basahan lang eh... tapusin mo... hehe
kapag nakuha kasi ang interest ko.. gusto ko matapos agad... kaya binabanatan ko agad ng basa.. pero kapag sa una pa lang ay hindi ko nalasahan ang hinahanap ko... naku.. aabutin ka ng siyam-siyam at di ko pa yan matatapos... basahin
Wow buti ka pa may copy na nung pang walong release ni bob ong.. tsk nakakahinayang na kase bumili simula nung nawala ung ganyan ko eh (bakit baliktad magbasa ng libro ang mga pilipino?) medyo mahal pa naman.. PAHIRAM!! haha
Post a Comment