Saturday, April 30, 2011

Tambalan

Namiss ko ang makinig sa radio station nila Chris Tsuper at Nicole Hyala na Tambalan ng isang balahura at ng isang balasubas nila tuwing umaga sa Love Radio 90.7. Sabado pala kaya walang sila ngayon sa radyo. At tulad pa din ng dati, nakakaloko silang pakinggan. Ang daming nakakagagong suggestions at comments na sinasabi nila. Aliw na aliw ako, kasi isa ako sa mga libo-libo gagong tagapagsubaybay sa kanila sa radio.

Kung hindi man maganda ang gising ko, makikinig lang ako sa kanila at ako ay magiging alive na agad. Ganyan ang epekto ng healing powers nilang dalawa sa akin. hehe. Mas aliw ung mga sumusulat sa kanila at humihingi ng mga payong walang bahid kamanyakan... Tulad nung isa, ganito ang sinabi nya...


Dear Nicole at Chris Tsuper,

Tanong ko lang po kung paano ba magpaputi ng singit? Mataba po kasi ako at nakakahiya naman pag maitim ang singit? Kahit ako kapag nakikita ko ang singit ko, nandidiri ako sa sarili ko... Help me naman po and more power sa show nyo...



Ganyan na ganayan ang sinabi ng letter sender. Ang laki ng problema nya dba?... ahahaha.. kung ung ibang tao, mas malaki ang problema kasi wala silang makain, walang trabaho, walang ikabubuhay... pero sya, pinoproblema  nya pa ang SINGIT nyang maitim! ahahaha... laughtrip tuloy silang Nicole at Chris eh..

At dahil trabaho nila ang magbigay ng komento na walang halong kamanyakan... eto ang mga sinabi nilang soulusyon kung maitim ang singit moh.




  • - alisin mo singit moh. kung sagabal ang singit mo sayo, alisin mo un
  • - magpaitim ka din. magpa-TAN ka araw araw sa beach para pumantay ang kulay ng singit mo sa kulay ng balat mo. Para hindi halata at wala nang magtatanong sayo kung bakit maitim ang singit moh, kasi obvious naman na kapag maitim ang balat moh ay maitim na din ang singit mo.
  • - kung gusto mo talagang pumuti singit mo, magpa AN-AN ka sa katawan mo. pati singit mo lagyan mo ng AN-AN para pumantay lahat.
  • - kung wala na talagang pag-asa, ang siyensya ay may magagawa jan. Maraming mataba ang pumapayat sa tulong ng Science, maraming bansot ang tumatangkad.. at maraming maitim ang pumuputi dahil sa science. kung wala pa din talaga... MILAGRO na lang yan.. ahahaha


Lahat yan ay galing sa kanila. Pero mas maganda talaga kung pakikinggan mo sila kasi maganda sila magdeliver at katawa-tawa talaga. Tawa pa lang ni Nicol ay ulam na! ahahaha



==================================


May isa pang sender, ang sabi ng letter sender, makikitulog daw sa kanila ang crush nya in a week. Etong si sender naman ay tuwang-tuwa at hindi alam ang kanyang gagawin... Dahil trabaho uli nilang magbigay ng payong walang bahid ng kamanyakan, eto ang sinabi nila...


  • - una sa lahat, kung gusto nya matulog, patulugin mo sya! ganon kasimple.
  • - kung makikitulog si crush mo senyo, siguraduhin mong walang ibang tao sa bahay. Kasi di nyo magagawa ang pwede nyong gawin kung madaming sagabal.
  • - siguraduhin mo na maayos ang pananamit mo nun. Try mong magsuot ng mga silhouette na damit lang. o kaya, try mong magsuot ng Apron lang... kung walang Apron, katsa... kung wala, Harina nalng ipahid mo sa katawan mo or olive oil... o kaya naman iodized salt... 
  • - hindi importante kung anong gagawin nyo. ang mahalaga, ipakita mo sa kanya na maasikaso ka sa kanya, mabait ka at kung ano ka talaga kapag nasa bahay.


At bago kong tapusin ang entry na ito, share ko lang din ang lagi nilang pinapatugtog sa programa nila. Ang ganda ng lyrics eh... Akala ko Spanish at Tagalog ito, pero Chavacano pala... 







Tulala lang sa’king kwarto
At nagmu-muni-muni
Ang tanong sa’king sarili
Sa’n ako nagkamali

Bakit sa’yo pa nagkagusto
Parang bula ika’y naglaho

Chorus:
Porque contigo yo ya iskuji
Aura mi corazon ta supri
Bien simple lang iyo ta pidi
Era cinti tu el cosa yo ya cinti
Ta pidi milagro, vira’l tiempo
El mali hace derecho
Na dimio reso ta pidi yo
Era olvidas yo contigo

Ang lahat ay binigay ko
Ngayon ay sising-sisi
Sobra sobra ang parusa
Di alam kung kaya pa

Wag nang lumapit
At tumawag pa at baka masampal lang kita
Di babalikan
Magsisi ka man
Ako ay lisanin

Porque contigo yo ya iskuji
Aura mi corazon ta supri
Bien simple lang iyo ta pidi
Era cinti tu el cosa yo ya cinti

Bakit ikaw pa ang napili
Ngayon ang puso ko ay sawi
Kay simple lang ng aking hiling
Na madama mo rin ang pait at pighati

Sana’y magmilagro
Mabalik ko
Mali ay maiderecho
Pinagdarasal ko sa’king puso
Na mabura na sa isip ko


Ayan ang mga aral na nakuha ko sa kanilang dalawa. Kung hindi aral sa inyo yun, wag na kayong kumontra kasi para sa akin, ARAL un! ahahaha...

Sa mga hindi nakakaalam ng station na iyon, kung andito kayo sa Pinas at Metro Manila at iba pang civilized na lugar dito (civilized? ahahaha) basta sa radio 90.7 LOVE Radio. May online website din ata sila, pero not sure kung eto nga. Live na mapapakinggan silang dalawa every 8am at 9am. www.loveradio.com.ph 


15 comments:

krn said...

nakss. hahaha! pantanggal stress ang mga ganyang station. mahilig din ako dati makinig ng radio. 97.1 nga lang. laugh trip din. hehe :)

Leonrap said...

baranggay LS na sila ngayon dba?... oo, un dalawang station lang lagi kong pinapakinggan..

hazel vega said...

nakakaaliw..nakakabaliw..amazing!ahahahahahah. mababaw kaligayan ko kaya yang mga ganyan swak na swak sa akin!

musingan said...

Rap.. alam mo bang nakita ko na ng personal si Nocole Hyala.. atg nakapag pa picture na ako sa kanya... ang lefets niya... nakikipag picture ako sa mga myembro ng Banda na Frio... yung kumanta ng Alive,,, tapos.. ayun.. nasa tabi ko siya.. tapos sinabi ng kasama niaya naa magpapicture daw akos a knya.. tapos ayun.. nagulat siya sa reaction ko.. kasi di ko siya kilala,., pero sinabi ko na sa mukha hindi ko po kayo kilala pero sa boses... naku.. kahit nakatakip tenga ko.. alam ko na na ikaw po yun... tawa kami ng tawa.. sabay sabi niya... nagulat ka no.. kasi nasabi mo.. na Mukhang tao rin pala si Nicole Hyala no.. the best talaga silang dalawa ng christ tsuper...

yes.. tama,,, magpaitim na lang para pantay ang kulay ng balat sa singit...

Diamond R said...

ang saya saya naman ng mga ito.napagulong ako at bumalintok ng 2 1/2.salamat sa pag share ng mga ginintuang aral.

Leonrap said...

hazel - mababaw lang din kaligayahan ko....



al - nakita ko na din sila ni Tsuper ng Live.. nagpupunta ng PUP dati un.. naghost sila dun... ayos naman sila.. makulit talaga silang dalawa




acre - hehehe.... masobrahan ka sa paggulong mo jan ah... baka kung ano mangyari sayo. lol

Akoni said...

mamaya ko na babasahin ito ng buo dahil busy pa ako..pero dahil sa love radio ang topic mo, sasabihin ko lang, pang kupal lang. Ayaw ko sa love radio, mga adik nga DJ don, grabe kung tumawa fake na fake, nakakairita mga halakhak nila..hehehe..parang mga adik kung tumawa, e fake naman..hehe..
basta "Huwag mong sabihin radio, sabihin mo ENEGRY" .LOL

Leonrap said...

akons - ahahaha.. ENRGEY FM?... mas corni kaya un... ung TAMBALAN lang gusto ko at ung kay PAPA JACK.. pero ung iba, hindi ako nakikinig dun... sa umaga lang ung tambalan.. at sa gani nmn kay papa jack

Leonrap said...

* at sa gabi nmn kay papa jack *



ang tanga ko talaga magtype minsan.. ahaha

mommy-razz said...

natawa ako sa mga payo rap, hahahaaha! pang adik na payo.. hehe! pero ok lng natawa ako.

Leonrap said...

mommy - adik ang taga payo eh... at adik din ang mga listeners kaya swak na swak lng!

khantotantra said...

hahaha. laughtrip mga comments ng balahura at balasubas. :D

nakakaaliw yan sa umaga kasi andaming nakatutok sa slot nila :p

~ JaY RuLEZ ~ said...

ahahha.ang tindi ng problemA ahahaha...



namiss ko na din ang dalawang yan....


brgy,LS na sila ba?

Bino said...

pati singit problemahin ba? lol

Leonrap said...

khanto - oo baliw na baliw ako sa kanila... gumaganda umaga ko sa kanilang dalawa... hehe



jay - hindi sila sa brgy LS.. ibang station un...97.1 un eh



bino - ang laki nga ng prob nya noh?.. pakamatay nlng kaya sya.. lol

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...