Saturday, July 30, 2011

Alam mo ung feeling???

> gusto mong matulog pero di ka makatulog..? 



> ung feeling na nakaset na sa utak mong wala kang pasok this weekend...?


> ung feeling na may lakad ka bukas pero di ka makakapunta kasi nga bigla mong nalaman na may pasok ka....?


> ung feeling na alam mong restday/dayoff mo na dapat..?


> ung feeling na akala mo Saturday-Sunday pa din ang off mo for the whole month..?


> ung feeling na akala mo makakatipid ka na, pero hindi kasi magtataxi ka uli...?


> ung feeling na di mo alam kung dapat ka bang pumasok ng maaga at dun ka na lang sa office matulog kasi alanganin sumakay ng mga bandang 1am at 2am ng umaga?... at ung feeling na uuwi ka ng tanghaling tapat na sobrang init..?




> ung feeling na makikisama ka na naman sa ibang tao kasi nalipat ka na ng ibang team...?


> ung feeling na kahit gusto mong matulog habang nagwowork, pero di mo magawa kasi may camerang nakatingin sayo..?


> ung feeling na bawat konting mali mo lang, may papel at memo kang pipirmahan..?








alam mo ung feeling?...







wahahahaha.. nakakabwiset lang din minsan isipin. 


> eto pa, ung feeling ng 9-days straight kang magtrabaho?... San ka pa diba?!


> at ung feeling mong mas tataas pa ang sweldo mo, ung may night diff nga ay di mo maramdaman eh, what more pa kaya kung balik morning shift ka?!! wahahahaha








well, thats life. NAKAKAGAGO LANG DIN MINSAN.









Thursday, July 28, 2011

Sa kabila ng aking pagluha...

Iyak... Hagulgol.. Pagluha...
                    Masakit pero di maiiwasan.
Iyak... Hagulgol... Pagluha...
                       Ito'y nararamdaman ng lahat.
Iyak... Hagulgol... Pagluha...
                         Sadyang hindi natin maipagkakaila
na kapag tayo'y umibig,
                       hndi maiwasan ang lumuha.




Noong nakilala ko ang una kong pagsinta,
                      ako'y sabik, natuwa at nagalak.
Hindi alintana ang pagod at puyat
                      dahil sa t'wing sya'y aking kasama... Ako'y natutulala!
Subalit hindi nagtagal at kami'y naghiwalay,
                      hindi ko sinasadya pero sya'y aking nasaktan.
Tatlong taon ang lumipas at ako'y lubusang nagpapasalamat,
                      dahil hanggang ngayon kami'y tunay pa din magkaibigan.



Ikaw ay nasa mabuti din namang kalagayan,
                     Sana lumigaya ka at andito pa din naman ako bilang kaibigan.
Sa ngayon, hindi ko alam ang aking nararamdaman,
                     may isang tao na lubos kong kinababaliwan.
Iniisip ko sya lagi, at hindi ako mapalagay,
                     sana alam din nya kung ano ang aking nararamdaman.
Masaya ako ngayon dahil kami ay "parang nagkakamabutihan".
                    Pinapangako ko, hindi ko na sya magagawang saktan...







(dahil wala akong magawa, pinatulan ko ung pacontest ni Iya)


Tuesday, July 26, 2011

Lumindol!!!!

sa mga oras na ito... daming nagsshout-out sa fb ng about sa lindol.. OO lumindol daw... Saan?.. sa metro manila?... sa luzon?... bakit wala akong naramdaman.. busy pa nga ako kaka-youtube eh... Malakas ba?... haayy.. wala talaga akong naramdaman! 






ahahaha... wala nga talaga eh.. anong magagawa ko? busy pa nga akong nanonood sa youtube at nagtutumblr pa 








Monday, July 25, 2011

Baliw lang... sori naman

Buong araw akong naghintay na magparamdam ka... OO alam kong nasabi mo sa akin na busy ka at may gagawin ka... Sorry naman kasi sobrang namimiss lang kita. 


Hindi ako sanay na wala akong natatanggap na text mula sayo. At hindi din ako sanay na itigil ang pangungulit ko sayo sa text. Kung pwede nga lang bawat ginagawa ko ay sasabihin ko sayo eh... Pero may pinagkakaabalahan din naman ako minsan... Pero never akong nakalimot... Never kitang kinalimutan.


Ang sabi mo, tetext mo ako kapag may free time ka na, kasi sa sobrang dami ng ginagawa mo. Naghintay ako.... Pinigilan ko ang sarili kong wag kang kulitin. I kept myself busy... Lumipas ang tanghali, hindi ka nagtext.. Siguro kasi hindi ka pa tapos sa ginagawa mo.... Sumapit ang dinner at wala ka pa din text. Hindi mo siguro naisip kung kumain na ba ako, or kung ano ba ginagawa ko... Hindi mo siguro naisip na may taong sobrang napaparanoid kaiisip sayo kung ok ka pa jan... 


Pero hindi ganun ang nasa isip ko... Baka kasi napagod ka na at wala lang talagang time, or nakatulog ka na...


Naghintay pa din ako hanggang sa matapos ang gabi. Eto nga at lagpas ala-una na ng madaling araw... Pero... wala pa din pangalan mo sa inbox ko.... Hindi na ako nakatiis at tinext kita, para naman maisip mong may nag-aalala na sayo... Pero wala akong natanggap na reply... 


Paranoid na talaga ako sayo. Sobrang nag-aalala na ako... Hindi ko alam kung OK ka pa ba jan? or kung ano na nangyari sayo... Kapag nagtext naman ako sayo, baka isipin mo naman ang kulit kulit ko, eh busy ka nga di ba?... Baka magalit ka pa sakin... I understand naman yun, pero ewan ko.... Hindi talaga ako mapakali kapag hindi tayo nag-uusap... Sana bukas... hindi na ganito pag-iisip ko.. Sorry kung masyadong baliw sayo.. OO. BALIW NA AKO!!! yun ay DAHIL SAYO. Pasensya na... itutulog ko na lang ito....


Gudnight.



Sunday, July 17, 2011

Unexpected (nya) uli

Masaya akong nakasama ka sa araw na ito... Pagod man tayo dahil sa sobrang haba ng nilakad natin at sa sobrang dami ng tao sa mall, wala lang yun para sa akin.. kasama naman kita eh.. nawawala ang pagod na nararamdaman ko kapag ikaw ay ngumingiti at kapag hawak mo ang kamay ko... Kung iba siguro kasama ko ay malamang nag-tantrums na ako. Pero iba ka eh... Basta masaya ^^

Tulad pa din nung una tayong nagkita, LATE ka naman sa usapan. Oo nga masyadong advance ung relo mo, pero di mo din naman sinusunod kasi alam mong "advance nga eh". ahaha.. Adik ka lang, nag-relo kapa! ahahaha. Para hindi muna ako mabagot sa kahihintay sayo, naglibot muna ako... Sa wakas nagtext ka na din at nagkita na tayo... Ang bungad mo sa akin, "gutom na ako eh"

haaayyy... bakit di ka kasi nagbreakfast?... Kasi alam mong male-late ka?.. eh late ka naman talaga eh.. ahahaha.. (kung nababasa mo to, bati tayo ah.. niloloko lang kita, miss lang kita... ahaha)

Mang-inasal ang drama. Grabe, hindi ka nga gutom, naka 3 rice ka.. ako naman napilitan sa 2 rice kasi sabi mo dun sa staff lagyan ng rice ung plato ko kahit ayoko na at busog na ako sa 1 rice... Pero sa dahil ayokong isipin mo na tinatanggihan kita, pumayag na ako.. Hindi ako makahinga, super bloated ako sa 2 rice! hmpf!

After natin kumain, nagdecide tayong manood ng sine. Gusto ko Transformers, ikaw naman Harry Potter 7... Pero, pareho tayong ayaw manood sa 3D kasi kulang ang budget. hehe. Hindi pa din tayo magkasundo kung ano talaga panonoorin natin. Habang nasa pila para bumili ng movie tickets, nagtatalo pa din tayo kung ano ang bibilin natin. Shet, malapit na tayo sa counter nun... Sabi ko sayo, ililibre na kita kung Transformers panonoorin natin. Ngumiti ka lang at nag-iisip kunyari... tinanong din kita kung ililibre mo ba ako kapag HP ang bibilin natin?.. Isa lang isinagot mo, "HINDI, KKB TAYO!"

waaaahhh.. unfair diba?.. ang ganda ng sugggestion ko pero inuutakan mo ako. ahaha.. pinipilit pa din kita sa suggestion kong ililibre kita kapag transformers. Matagal bago ka sumagot, pero napa-OO na din kita. OK, ako na ang taya, ililibre kita... Pero may panghihinayang sa mukha mo nun eh. At ayokong makita kang ganun ang itsura moh. Although pumayag ka na mag-transformers tayo, pero hindi ka naman masaya eh... kakalungkot :(

Nasa counter na tayo. Naglabas na ako ng pera para magbayad nang biglang....

Miss: anong ticket po?
Ako: ahmm.. Harry Potter po, for 2!

Nagulat ka. Ang buong akala mo siguro transformers na talaga tayo. Pero nung nakita kitang mejo malungkot, sige payag na ako sa HP... PARA SAYO, GAGAWIN KO! in short, ikaw na ang nagwagi. ikaw na ang nasunod, ako pa ang nanlibre... pero wala lang sakin yun, masaya ka naman eh... mapapanood ko din naman ang transformers sa ibang pagkakataon... Ikaw lang muna ang priority ko sa araw na ito. ^^

Typical na holding hands tayo sa loob ng sinehan. Wala lang, wala na akong masabi, yun na yun eh.. ^^ Hanggang sa matapos na ang palabas at nagshopping na tayo hanggang sa mapagod at umuwi...

Pero bago tayo umuwi, tambay muna sa Starbucks at konting palipas ng oras.. May inilabas akong silver bracelet, binili ko un last week. Binigay ko sayo.. at kunyari nagulat ka! ahahaha... Isinuot ko sayo, at kunyari din bagay sayo. lols. (bagay naman talaga eh, kasi may silver bracelet din ako, so match na match dba? para pareho tayong meron.) Gift ko sayo un... Para sayo talaga yun... Sana lang ingatan mo... At inihatid na kita sa MRT para maaga kang makauwi at may work ka pa bukas...

Kumpleto ang araw kong kasama ka. Pagod man, pero masaya.


Monday, July 11, 2011

Korean Food-trip


This happened July 10, 2011 when my ex-teamates (from my previous employer) and me decided to have a reunion. Unfortunately, we're only 4 available at that time. The rest were busy and of course, cant make it because they have work.. 


We've decided to try SEOUL GARDEN in SM ANNEX, NORTH EDSA. An eat-all-you-can Korean Restaurant. The food was amazing and so good. Plus the fact that we've enjoyed a lot cooking those meats, veggies, fish, together... That was an amazing cooking-and-dining experience I've ever had so far... And also while eating together, I enjoyed myself listening to the background KPOP music all over the reataurant! so love it! ahaha 


These are my ex-teamates. (the one in yellow shirt is me. dont mind the looks,.. just mind the foods! ahaha)







tables inside the Seoul Garden...







Different marinated and mixed meats...






Monday, July 4, 2011

Unexpected 2

Nung Saturday ay niyaya uli kitang lumabas kasi nga 1 week na din magmula nung huli tayong nagkita. Tinext kita ng Friday pero ang sabi mo hindi ka sure kasi kulang budget moh. Ako din naman eh, pareho lang tayo. hehehe... Hinintay ko ang reply mo hanggang sa mismong araw ng Sabado. After ko sa work, tinignan ko cellphone ko... pero wala ka pa din reply. Ang sa isip ko tuloy baka tulog ka pa...


Nagpalipas ng ilang minuto, tinext uli kita. I asked you kung ano na desisyon mo, kung tuloy ba lakad natin o hindi.... Pero malungkot man isipin, naiintindihan ko ang dahilan mo. In short hindi nga tayo natuloy... Kumain nlng kami sa labas ng mga workmates ko kasi ayoko pang umuwi ng maaga... Pero habang kasama ko sila, hiling ko din sana ay kasama kita. Mas masaya sana...


Gusto ko sanang i-suprise ka. Ako na ang nagvolunteer na puntahan ka malapit sa inyo pero tumanggi ka. Ang sabi mo next time na lang dahil madami pa namang pagkakataon. Pumayag ako at yun na lang ang pinanghahawakan ko...


Bago ako umuwi sa bahay, gusto ko pa din talagang i-surprise ka. Nahihiya kasi ako sayo dahil ikaw pa ang tumatawag sakin. Naka-postpaid ka nga pla sa network moh, ako dakilang prepaid lang at bebente ang load. Ayoko naman ma-charge ka pa ng sobra sa bill mo nang dahil lang sakin... Kaya minabuti kong bumili ng sim card na kapareho ng network mo para sa ikatitipid nating pareho. Dalawa naman ang phone ko kaya ok lang... 


Sumapit ang gabi at tayo'y nagtawagan at nagtext... Sa di inaasahang pangyayari, hindi ko alam kung bakit biglang na-blocked agad ang sim card na yun. Hindi makatawag at hindi na din makatext... Pinasahan mo ng load ung sim card na yun pero hindi din makareceive ng text at hindi mo din ako matawagan... As in ACCOUNT SUSPENDED ang sinasabi ng babaeng recorded ang boses kapag nagta-try akong tumawag...Nabadtrip ako at nainis... pinakalma mo ang pakiramdam ko. Buti na lang may load ang original sim ko at dun nlng tayo nagtext, ang sabi mo naman ok lang sayo kahit dun ka magtext... Ang sabi mo naman, touched ka naman sa ginawa kong iyon kahit saglit lang gumana ang simcard na yun. Ang sabi mo pa nga, naappreciate mo ang EFFORT ko. Dahil sa mga salitang iyon, napanatag na uli ang badtrip kong mood... 


Kinabukasan, Sunday, pareho lang tayong nakatambay sa ating mga bahay-bahay. Mas mahaba-haba ang oras ng pag-uusap natin sa text dahil siguro pareho din tayong walang trabaho kapag Sunday. Although may mga pagkakataong hindi ka nagrereply, diko alam kung nagpapamis ka lang or tulog ka... Pero lahat ng iyon ay napapalitan ng tuwa at pagkagalak sa tuwing makikita ko ang pangalan mo sa inbox ko. Sa katunayan nga, hindi ko binubura ang mga text mong napaka-sweet... Napapangiti ako at binabasa ng paulit-ulit ang mga text na yun...





Ang nakaraan: Unexpected




Saturday, July 2, 2011

Unexpected...

Saktong isang linggo ang nakalipas nung una tayong nagkita. Naalala ko pa, nagsimula ang lahat nang pinallow kita sa blog moh. Pinallow back mo din ako nun. Nagko-comment sa mga posts nung active kapa sa blog moh. Naging "mejo" close.... Naging friends sa FB... at nang lumaon laking gulat ko ng hingin mo ang number ko sa FB.


Hindi naman ako nabigla kasi dati pa lang din ay gusto ko na din ang kunin ang number moh. Kaso nahihiya akong gumawa ng move. Hindi pa kasi tayo "super close" nun. Ni hindi naman tayo masyadong nag-uusap kapag OL ka sa FB. Alam kong matagal ka ng hindi active sa blog kaya hindi din talaga tayo nakakapagkwentuhan man lang... 


Binigay ko ang number ko sayo nung hiningi mo ito. Piniem mo ako sa FB eh, ang bastos ko naman kung hindi ako magrereply... Kahit iba ang network moh, ok lang sayo kasi nakapostpaid plan ka. Ako naman itong walang choice kundi itext ka din, at magregister sa txt to all networks. Kahit nakaregister na ako, hindi ko inuubos ang 250 texts na yun sa ibang tao.. sayo lang... Gusto ko kasing isipin mong nageefort ako sayo. I'd like to know you more kaya naman excited akong mabasa ang reply mo sa inbox ko. At may konting ngiti sa mukha ko kapag name mo ang nakikita ko sa inbox ko.


Nagkapalagayan tayo ng loob sa text. Naging close na din kahit papaano. We've decided na magkita tayo. Ikaw pa nga ang unang nag-invite kaso hindi ako available sa schedule na yun... Lumipas ang ilang araw, kahit bumabagyo, tinext kita. Ako na ang nag-invite sayong magkita tayo. Pumayag ka naman. Matagl mo akong pinaghintay sa meeting place natin. Nabagot ako. Inaantok pa ako nun kasi wala akong tulog at galing ako sa work... Pero naghintay pa din ako sayo kasi alam ko naman pupunta ka din talaga.


Nakita na kita sa escalator nung umakyat ka para puntahan na ako. Hindi ako nagpa-obvious na tawagin ka at lapitan ka agad kasi gusto ko ikaw ang lalapit at hahanap sa akin. Sinabi ko sayo kung ano ang kulay ng suot ko at kung saan mo ako makikita. Pero dahil sa maraming tao, hindi ka nakatiis at tinawagan mo ako. 

"asan ka?"

"andito... hanapin moh... derecho ka lang, nakikita na kita... "


Kumaway na ako sayo para madali mo na akong makita. At simula nun, magkasama na tayong lumibot, kumain at nagpalipas ng oras... 





Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...