Monday, July 25, 2011

Baliw lang... sori naman

Buong araw akong naghintay na magparamdam ka... OO alam kong nasabi mo sa akin na busy ka at may gagawin ka... Sorry naman kasi sobrang namimiss lang kita. 


Hindi ako sanay na wala akong natatanggap na text mula sayo. At hindi din ako sanay na itigil ang pangungulit ko sayo sa text. Kung pwede nga lang bawat ginagawa ko ay sasabihin ko sayo eh... Pero may pinagkakaabalahan din naman ako minsan... Pero never akong nakalimot... Never kitang kinalimutan.


Ang sabi mo, tetext mo ako kapag may free time ka na, kasi sa sobrang dami ng ginagawa mo. Naghintay ako.... Pinigilan ko ang sarili kong wag kang kulitin. I kept myself busy... Lumipas ang tanghali, hindi ka nagtext.. Siguro kasi hindi ka pa tapos sa ginagawa mo.... Sumapit ang dinner at wala ka pa din text. Hindi mo siguro naisip kung kumain na ba ako, or kung ano ba ginagawa ko... Hindi mo siguro naisip na may taong sobrang napaparanoid kaiisip sayo kung ok ka pa jan... 


Pero hindi ganun ang nasa isip ko... Baka kasi napagod ka na at wala lang talagang time, or nakatulog ka na...


Naghintay pa din ako hanggang sa matapos ang gabi. Eto nga at lagpas ala-una na ng madaling araw... Pero... wala pa din pangalan mo sa inbox ko.... Hindi na ako nakatiis at tinext kita, para naman maisip mong may nag-aalala na sayo... Pero wala akong natanggap na reply... 


Paranoid na talaga ako sayo. Sobrang nag-aalala na ako... Hindi ko alam kung OK ka pa ba jan? or kung ano na nangyari sayo... Kapag nagtext naman ako sayo, baka isipin mo naman ang kulit kulit ko, eh busy ka nga di ba?... Baka magalit ka pa sakin... I understand naman yun, pero ewan ko.... Hindi talaga ako mapakali kapag hindi tayo nag-uusap... Sana bukas... hindi na ganito pag-iisip ko.. Sorry kung masyadong baliw sayo.. OO. BALIW NA AKO!!! yun ay DAHIL SAYO. Pasensya na... itutulog ko na lang ito....


Gudnight.



6 comments:

Bino said...

baka nga naman walang load or busy lang

empi said...

Paranoid ka lang siguro. Ganun talaga pag inlab. Hehe!

Jessica said...

inlove ka talaga, love is crazy, hihi itulog mo nalang :))

~ JaY RuLEZ ~ said...

hmmm iba na yan

Leah said...

May rason yan.. baka naubusan ng load.. inlababo ka ata ah. hehe..

Leonrap said...

bino - may load un... busy lang...


empi - oo nga eh.. tapos nung sinabi kong napaparanoid ako sa kanya, tinawanan lang ako.. adik?!


jessica - naitulog ko na... hehe.. salamat.. ^^


jay - oy! anong iba pinagsasabi mo jan?... ano un?... tae ka, umayos ka ah! ahahaha


leah - naka-postpaid un.. malabong mawalan ng load.. hehe...

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...