Thursday, July 28, 2011

Sa kabila ng aking pagluha...

Iyak... Hagulgol.. Pagluha...
                    Masakit pero di maiiwasan.
Iyak... Hagulgol... Pagluha...
                       Ito'y nararamdaman ng lahat.
Iyak... Hagulgol... Pagluha...
                         Sadyang hindi natin maipagkakaila
na kapag tayo'y umibig,
                       hndi maiwasan ang lumuha.




Noong nakilala ko ang una kong pagsinta,
                      ako'y sabik, natuwa at nagalak.
Hindi alintana ang pagod at puyat
                      dahil sa t'wing sya'y aking kasama... Ako'y natutulala!
Subalit hindi nagtagal at kami'y naghiwalay,
                      hindi ko sinasadya pero sya'y aking nasaktan.
Tatlong taon ang lumipas at ako'y lubusang nagpapasalamat,
                      dahil hanggang ngayon kami'y tunay pa din magkaibigan.



Ikaw ay nasa mabuti din namang kalagayan,
                     Sana lumigaya ka at andito pa din naman ako bilang kaibigan.
Sa ngayon, hindi ko alam ang aking nararamdaman,
                     may isang tao na lubos kong kinababaliwan.
Iniisip ko sya lagi, at hindi ako mapalagay,
                     sana alam din nya kung ano ang aking nararamdaman.
Masaya ako ngayon dahil kami ay "parang nagkakamabutihan".
                    Pinapangako ko, hindi ko na sya magagawang saktan...







(dahil wala akong magawa, pinatulan ko ung pacontest ni Iya)


9 comments:

iya_khin said...

salamat sa pagpatol mo, kahit napipilitan ka lang! at ang landi ng tula mo parang may pinaghuhugutan!

mommy-razz said...

wow at ikaw ay sumali din!! hehe!Good luck! it only shows madaming emo like me and opkors like iya. hehehe

Bino said...

oh eh ikaw na umeemo din hahaha. btw, ung entry ko support poem lang un. di me kasali. heheheh

nieco_speaks said...

ang deep. may pinaghuhugutan nga. :)

~ JaY RuLEZ ~ said...

owssssss????


hindi nga,may maipost ka lang eh hahahah..piz...

joke :)

totoong storya ire?

ikaw na umeemo!haha

J. Kulisap said...

Nakipaghiwalay naging magkaibigan, ngayon naman umiibig muli.

Laging kasama ang luha sa pag-ibig, marahil dahil yon ang nagpapalinis sa hangarin ng puso.

Leonrap said...

iya - malandi ba?.. ahaha.. ayoko mag emo eh.. di bagay sakin mag-emo. lol



mommy - ako emo?.. kelan pa?... emo ba talaga, hindi namn ah.... hmmm.. basta hindi yan emo! ^^



bino - may nalalaman pa kasing support entry eh..



nieco- oo, may pinaghuhugutan.. galing sa diaphragm ko.. =) (parang mali ung spelling ko ah?)



jay - ewan ko sayong tae ka!!! ahaha... OO tama, maipost lang! lels




Jkulisap - yup, were still friends... ahihihi (ang landi!) Thanks po sa pagisita... ^^

empi said...

E di mabuti kung nagiging friends kayo. hehe... sino ba yang kinapalagayan mo ng loob ngayon? siya rin? #angchisomoko hehehe

Leonrap said...

empi - ahaha.. sekretong malufet!!!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...