Monday, March 28, 2011

Ikaw ang strawberries ng buhay ko....

Matagal tagal ko na din pinangarap na matikman ka. Sabik na sabik akong malasap ang halimuyak mo. Ahhmmmm... Napakabango moh. Ako'y natutukso sa taglay mong kagandahan. Natutukso na wari ba'y ako ay nawawala sa aking katinuan... May kung anong kirot sa aking damdamin na hindi ko maipaliwanag kung ano ang ibig sabihin nun. Basta sayo ko lang nararamdaman yun.... Hanggang sa eto na nga at ikaw ay natikman ko na!.... Ang sarap mo pala!!!!



Ito ay hindi eksena sa isang porn movie. Ang bagay na tinutukoy ko ay literal na strawberry. OO, si strawberry. "Yummy!" yan ang unang nasambit ko nung natikman ko sya. Nakakahiyang sabihin pero ngayon lang ako nakatikim ng napakaraming strawberries. Bakit ngayon lang? Kasi bibihira kami makakita ng strawberries sa mga palengke at kung meron man, napakamahal sa supermarket. Meron mga nakalagay sa styro at binebenta pero dahil na din sa kaartehan ni mama (mana ako sa kanya heheh) ay hindi din sya bumubili kasi ayaw nya ng lasa. Ung iba, kapag inalis mo sa styro, bulok na ung ilalim kaya sayang lang pagbili. Although, nakakatikim naman ako nito sa mga desserts na nakakain ko like ice cream at sa mga cakes, pero hindi ko pa sya nata-try na kainin ng buong-buo... hehehe


Galing sa Baguio sila kuya kasama ang GF nya. Si GF nya kasi taga Baguio kaya dumalaw sila dun. Ayun, pag-uwi nila kanina, may uwi silang 2 kilo ng strawberries. WOW!!! THIS IS IT!!!  NAKIKITA KO NA SILA NG LIVE!! ahahaha. inamoy-amoy ko... at ang bango. Tinitigan ko sila ng matagal... Nagdadalawang isip kung kakainin ko na sila or ididisplay ko lang sila. ahaha (gawin daw bang pang display?) Masarap nga talaga... Nakarami na din ako at may naisip akong magandang idea para mas maappreciate ko sila. 






Sabi ko kay mama, bumili sya ng all purpose cream at ito'y imi-mix kasama ng saging. Yes, instant strawberries at banana dessert ito. Mas yummy!!! Kahit hindi dessert, pwede na din main dish para sakin kasi busog na ako. hehehe... Sana may iba pang fruits sa bahay pero nagkataong saging lang din meron so pwede na din yun. Eto ang resulta..






Mejo masabaw sya kasi napadami ata sa condensed milk. hehe.. Pero the best pa din ang lasa. Feeling ko Pasko na! hehehe... pero summer pa lang pala..... Enjoy eating!! ^^

Friday, March 25, 2011

Feeling artista

"move on... yan ang mami-miss ko sayo eh...walang katulad pagka walang modo mo!!!  ikaw na!!  "



Ito ang mga salitang bumulaga sakin pagka-open ko ng work email ko. Galing sa teamate ko na isang mommy na nasa mid 30's or 40's ang edad. Ayaw nga yang sabihin kasi paimportante pa sya! lol.. Single mom sya, kaya parang anak na din nya kami, kasi ung mga anak nya almost ka age ko lang din. Pero kahit alam naman natin na mas matanda sya, syempre dahil isa akong bastos na tao, di ko pa din syang makuhang galangin. ahaha.. Close kami, super. Parang kami lang ni mama na kahit anong biro pwede at wala lang sa kanya. Binabara ko sya sa mga banat nya. Barahan kung barahan ito pero walang pikunan, kundi sa tawanan lang natatapos ang lahat... Kaya, kahit kung ano-anong kagaguhan na din ang nasasabi ko sa kanya ay okay lang.

Sabi ko nga sa kanya, kung natutuwa sya sa ugali ko, bakit hindi nya na lang turuan anak nya ng mga kawalangyaan ko para hindi nya ako mamiss masyado. ahahaha... At bumanat sya ng katagang "LECHE KA TALAGA RAP!!!"

Wala nga daw katulad ang kasamaan ng ugali ko.. Mabait naman ako pero pilyo at gago lang talaga. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay magiging anghel ako, kaplastikan na yun para sakin. Aminado naman ako na masama talaga ugali ko (minsan) kasi expression ko na ang magmura. At mas natutuwa ako kapag nakakarinig ako ng mga taong mas malutong pang magmura kesa sakin! wahahahaha... Nagpapakatotoo lang ako sa sarili ko. Ayokong magbait-baitan minsan, kasi inaabuso na din ng ibang tao kung sobrang bait-baitan ang drama ko. Ako naman etong tanga, nagpapaabuso sa kanila. ahahah... Tanga nga eh. lol :)

Kaya kung siguro makakasali ako sa PBB, naku, laging putol mga eksena ko sa TV kasi puro mura lang un. ahahaha.... parang ganito...


Toni: mga viewers, sa tingin nyo bakit pinatawag ni BigBrother si Rap?... may kasalanan kaya syang nagawa?.. eto at tignan natin ang mga eksena sa loob ng bahay ni kuya....


(sa confession room)


BigBro: kamusta ka na rap?

Ako: Ok naman, obvious ba? Ahahaha

Alam mo ba ang dahilan kung bakit kita pinatawag dito sa confession room?

.... ahhmm..hindi.. may task ako? heheh.. bakit kuya? sabihin mo na, wag kang epal!

Napansin ko kasi mejo nag-iiba ang ugali mo dito sa bahay ko.

... huh?... kelan pa?.. weh?..

OO. Napansin kong napapadalas ang pagmumura moh dito sa pamamahay ko...

.... sus, yun ba?. hindi ba normal un?... may mga ibang housemates din naman na nagmumura ah.. may gumagawa pa nga ng "kababalaghan" dito sa bahay mo eh, bakit un hindi mo napansin?... ahaha... patawa ka kuya! Ahahaha

Napansin ko un, pero iba ang dating ng pagmumura mo dito.

.... *walang imik... nag-papacute sa camera*

Nakikinig ka ba sakin rap?

... OO naman, hindi ako bingi noh... so ano na mangyayari? may parusa ako ganun?... tsk!

OO. isang mabigat na parusa rap. Dahil hindi ko pinahihintulutan ang ganyang klaseng ugali sa bahay ko. At dahil jan rap,...ikaw ay pinapatawan ko ng parusang....


(hindi pa tapos si kuya magsalita, umepal agad si rap)


... BITAY?... ahahaha...

Hindi.. parusang FORCED EVICTION!

-.... the fuck naman oh?...!! seryoso?... wala naman ganyanan... tangna naman oh..

Maaari ka ng lumabas ng confession room, at magpaalam sa mga kapwa mo housemates....

.... DUH?!!! TANDAAN MO TO KUYA!! SISIKAT AKO!!! PUTANGNA MOH!!! WALA KANG KWENTA!!! NAGPAPAKATOTO LANG AKO!!! WAHAHAHAHAH!!!



(sa labas ng bahay ni kuya)


Toni: Eto na po si rap mga kaibigan na nabigyan ng forced eviction ni kuya.. At ang daming fans ni rap sa labas... wow!... ano masasabi mo rap sa mga nangyari?


... salamat sa mga fans ko!!! LAB u mga kapwa ko gago!!! ahahaha \m/


Tuesday, March 22, 2011

Halo-halong larawan ng buhay...


Wala naman akong mabigat na problema sa ngayon. Happy go lucky nga daw ako eh. Kung anjan si problema, wala lang.... tatawa lang ako... Kakain... Matutulog.... Tapos, wala na. Deadma kumbaga. Ayoko din kasing may iniisip na problema at ayoko din gumagawa ng sariling problema.


Nung Sunday, may nagtext sa akin. Inaya nya ako sa MOA at sya daw ang taya. Nagulat ako kasi nag-volunteer sya na sya daw ang taya, eh usually, ako lagi ang taya... Bibihira ang taong nanlilibre sa akin, kaya natuwa naman ako nung inivite nya ako... The last time kasi kaming magkita 2 years ago, ako ang naging taya nun. Hindi ko naman inakala na maaalala pa nya yun at eto, para makabawi, sya na nagkusa. Pumayag ako, dahil ako pa, gagala na naman ako. hehehe...


First time kong makarating sa seaside MOA. Pag nagpupunta kasi kami dati dun ng ilang friends ko, hindi kami nagagawi dun. Sa loob lang kami ng mall, doing usuall shopping at dining. Lalo na kapag marami kami, ung iba ang tatamad maglakad-lakad, kaya no choice mag-stay sa loob ng mall at magtititigan.

Habang naghihintay sa kasama ko at nagwa-wifi sa labas, dumating ung mga nag street dancing at syempre nanood ako ng program nila. Aliw naman silang panoorin, maganda kasi native kung native ang dance number nila. Hanggang sa matapos sila at balik wifi uli ang drama ko. hehehe...

alin ang naiba?
si ate, nakatingin sakin! ahaha wag ko daw syang kunan ng pic


Napalingon ako sa gitna nang may madaming tao ang nag-uumpukan. sigaw sila ng sigaw ng "Ang cute naman!!" "ang cute naman".

Ang buong akala ko, ako ang sinasabihan nila ng cute. ahahaha. Lumapit ako at pinairal ang pagiging chismoso ko at nakita ko ang dalawa kong stuff toys na nabuhay at naglalalakad sa daanan. Ang cute nga nila!






Mababait naman ung dalawang stuff toys ko. Madaming humahawak sa kanila at nagpapapicture, kaya nakigaya na din ako. Gusto kong iuwi pero hindi pwede. hehehe... At hanggang sa umuwi kami ng gabing-gabi na, marami pa din stuff toys na nagkalat. Karamihan chow-chow. siguro it's Chow-Chow day! ahahaha

Nung bandang palubog na ang araw, dumating na din ang hinihintay ko - sya. Nagpunta na kami sa seaside at doon at tumambay at moment ng konti habang hinihintay ang sunset. Mejo cloudy nung araw na yun at syempre feeling DSLR naman ang hawak kong camera phone. At after nun, dun na nya inubos ang pera nya kasi gutom na gutom ako! ahahaha... Libre eh. Kasalanan nya, inivite nya ako. ahahaha...






Ang sarap pagmasdan ng sunset. Nakakawala talaga ng kung ano-anong problema kahit sandali lamang ito. Pero kung sakaling may problema man ang isang tao, sana hindi magtapos un sa simpleng sunset lang. Kinabukasan ay may sunrise at sana sa sunrise na yun ng kanyang buhay, nawa'y mas maging matatag pa silang lahat....


Monday, March 21, 2011

Akala mo wala ng Slumbook, pero MERON!! MERONN!! MERONNN!!!

Dahil sa post ni Khantotantra about sa kakaibang slumbook Tanso Edition, na curious tuloy ako kung ano meron dun. Nung nakita ko lang ung pic, natuwa naman ako. Kaya nung Saturday, nagpunta ako sa St. Francis Square para bumili nun. 


Mahirap daw sagutan sabi ng iba (eh may choices naman) tapos ung iba, nangongopya pa din ng dedication! ahahaha... 













Saturday, March 19, 2011

Nicest email ever

I received this email from our work. It's like a chain email, and because this is a blog world, i cannot send or forward this to you guys... Just read it...hehe. Reblog if you want. Post it on your forehead perhaps! wahahaha ^^





I AM THANKFUL:

FOR THE WIFE
WHO SAYS IT'S HOT DOGS TONIGHT,
BECAUSE SHE IS HOME WITH ME,
AND NOT OUT WITH SOMEONE ELSE.


 FOR THE HUSBAND
WHO IS ON THE SOFA
BEING A COUCH POTATO,
BECAUSE HE IS HOME WITH ME
AND NOT OUT AT THE BARS.
 


FOR THE TEENAGER

WHO IS COMPLAINING ABOUT DOING DISHES
BECAUSE IT MEANS SHE IS AT HOME,
NOT ON THE STREETS.
 


FOR THE TAXES I PAY

BECAUSE IT MEANS
I AM EMPLOYED
. 


FOR THE MESS TO CLEAN AFTER A PARTY

BECAUSE IT MEANS I HAVE
BEEN SURROUNDED BY FRIENDS.
 


FOR THE CLOTHES THAT FIT A LITTLE TOO SNUG

BECAUSE IT MEANS
I HAVE ENOUGH TO EAT.
 


FOR MY SHADOW THAT WATCHES ME WORK

BECAUSE IT MEANS
I AM OUT IN THE SUNSHINE 


FOR A LAWN THAT NEEDS MOWING,
WINDOWS THAT NEED CLEANING,
AND GUTTERS THAT NEED FIXING

BECAUSE IT MEANS I HAVE A HOME
 


FOR ALL THE COMPLAINING I HEAR ABOUT THE GOVERNMENT
BECAUSE IT MEANS WE HAVE FREEDOM OF SPEECH. 


FOR THE PARKING SPOT I FIND AT THE FAR END OF THE PARKING LOT

BECAUSE IT MEANS I AM CAPABLE OF WALKING
AND I HAVE BEEN BLESSED WITH TRANSPORTATION
 


FOR MY HUGE HEATING BILL

BECAUSE IT MEANS
I AM WARM.


FOR THE LADY BEHIND ME IN CHURCH
WHO SINGS OFF KEY

BECAUSE IT MEANS
I CAN HEAR.


FOR THE PILE OF
LAUNDRY AND IRONING

BECAUSE IT MEANS
I HAVE CLOTHES TO WEAR.


FOR WEARINESS AND ACHING MUSCLES
AT THE END OF THE DAY

BECAUSE IT MEANS I HAVE BEEN
CAPABLE OF WORKING HARD.



FOR THE ALARM THAT GOES OFF
IN THE EARLY MORNING HOURS

BECAUSE IT MEANS I AM ALIVE.



AND FINALLY, FOR TOO MUCH E-MAIL

BECAUSE
 IT MEANS I HAVE FRIENDS WHO ARE THINKING OF ME.


SEND THIS TO SOMEONE YOU CARE ABOUT. I JUST DID.


Live well, Laugh often, & Love with all of your heart!



This email is confidential and intended for the addressee(s) only.
If you are not the addressee, please notify the sender and delete the message. Do not use the content in any other way.

Wednesday, March 16, 2011

Sikreto sa likod ng mga lockers - REVEALED

 
 
 
Nagmamadali ako sa pagpasok sa work kanina kahit may 1 hour and 15 minutes pa akong allowance sa actual login ko. 1:30am na ng ako'y marakating sa mismong building. Derecho locker para kunin ang jacket, spill-proof mug kong maganda na galing SB (ahahaaa, talagang kelangan imention ung "SB" noh?) at ang headset ko...
 
 
Pagpunta sa mismong locker, laging gulat ko na lang nang biglang ayaw magbukas ng padlock. Alam kong sure ako sa 3-combination number ng lock na yun (hello, mag 2 years ko ng gamit un!!!), at inulit ko din sya ng tatlong beses pero ayaw pa din magbukas. So andun na yung itsura ko na may malaking question mark uli sa utak ko kung bakit at naguguluhan kung ano ang nangyari samantalang naopen ko pa un kahapon pag-uwi ko.
 
 
Kagabi, may nagtext sa akin na ka-teamate ko. Hindi din daw nya mabuksan ang locker nya kaya kung maaga daw ako papasok ngayon (which is infact lagi naman akong maaga), tinext nya sakin ang code ng locker nya at itry ko din daw buksan... So tinry ko..... WALA DIN NANGYARI!
 
 
SO BAKEEEEETTTTTT GAANNUUUUUUNNNNNNNNN????????????
 
 
Yan ang tanong ko sa sarili ko. Pumunta ako sa station namin, nagbabakasaling may tao na dun at baka sya makatulong sa pagbukas ng locker namin. May tao na ngang nauna sa sakin, ka teamate ko din. Tinawag ko sya. Pinabuksan ko ang locker namin nung isa naming ka-teamate, pero wala ding nangyari....
 
 
Nagpunta kami ng facilities,.. Giniba namin ung pinto nila. May hawak kaming mga banner at may nakalagay na "HOY!! BUKSAN NYO LOCKER NAMIN!!"  ahahahaha.... Kinausap namin ung isang tao dun (malamang tao sya) at ang sabi ay nag-update na daw ng mga codes ng lock. So that means, ung dating combination na alam namin sa mga locker namin ay binago na nila.
 
 
Ay, sheeettttt!!!!! Sana naman bago nila ginawa un ay iniform nila ang lahat ng empleyado noh. NAKAKAGALIT!!! Bigla-biglang daw bang baguhin... bwiset! nakakainis!! ang aga-aga eh... Ang inaalala ko ay ung mga iba kong teamates na laging last 2 minutes kung dumating. Wala din silang kaalam-alam sa mga nangyayari tapos pag late sila dahil sa locker na yun,... wala lang.. hehe. Late talaga sila. ahahaha.
 
 
Ayun, nakakaasar lang...
 
 
 
 
 
 
 
PS.
2nd day ko pa lang sa work.. haaayyy ang tagal ng saturday...
This email is confidential and intended for the addressee(s) only.
If you are not the addressee, please notify the sender and delete the message. Do not use the content in any other way.

Monday, March 14, 2011

Relationship Status

Nakakasawa ng makita, or better to say nakakaasar makita ung relationship status ng ilan sa Facebook nila (or any social networking sites). Lalo na sa mga taong malalandi, for example kapag wala silang jowa, syempre ang status nila ay walang kamatayang "SINGLE".




Kung nabigyan naman sila ng pagkakataong makakita at magkaroon ng partner ay dali-dali agad nilang babaguhin ang status nila. From single, anjan na si "In a Relationship".




Kung mejo may pagkastrict ang parents at ayaw ipahalatang may nilalandi or lumalandi sa kanila, gagawin naman nilang "It's Complicated". Ito ang hindi ko maintindihan kung paano naging complicated. Sa tuwing may nakikita akong ganitong status, may malaking question mark sa ulo ko, nakataas ang isang kilay na para bang pinipilit kong intindihin kung bakit complicated. Pero... whatever, trip nila un, so di ko na sila papakialaman. hehehe...




At eto ang nakakasawa ng makita (ang sarap magmura kapag may nakikita akong ganito). Kung sakaling nagbreak or hiwalay na silang magjowa, balik "SINGLE" uli.... tapos, after ilang days lang uli ay balik sa "In a Relationship".... Bakit?... kasi nagkabalikan daw uli sila! wahahahha... AY PUTA!!!! MGA PUTA KAYO!!!! ahahahaha...




Sana ganito na lang ang mga nakikita kong relationship status. YUNG TIPONG MAKATOTOHANAN. ahahaha. Kung naghiwalay, "SEPARATED" or "DIVORCED" hindi ung ibabalik sa "SINGLE" ang status... o kaya, kung sakaling nawala partner mo ng wala sa oras, pwedeng "WIDOWED" or "DECEASED". (pero wala sa choices ang "deceased", trip ko lang isama. ahahahaha)






Ung ibang choices naman sa picture ay self explanatory, pero di ko uli magets ung "TALKING" at "KINDA TALKING". paki explain please... hehehe






Naaliw naman ako dito sa mga ito: 


"FUCK BUDDY" - ahaha.. kayo na bahala mag insert ng meaning dito. 


"CONFUSED" - maraming ganito di ba?...


"BESTFRIENDS WITH BENEFITS" - naisip ko tuloy, ano-ano ung mga benefits na nakukuha natin sa bestfriends natin?... Dahil marumi isip ko, marumi talaga naiisip ko dito. May pagka "gamitan" na eksena ang naiisip ko. ahahaha


"Mutual Understanding" - sana nga may ganun noh. Para hindi masakit sa damdamin kung hindi talaga naging kayo. 


"MISTRESS" - TAMAAAA!!!! ung iba proud sa pagiging mistress nila, so bakit hindi na lang ipagsigawan na MISTRESS SILA!!! 


"IN A LOVE TRIANGLE" - isang malaking check!!!! Kung magpapakatotoo lang ang isang tao at hindi sya takot, dapat ito ang status na bagay sayo. Mas masamang sabihin "In a relationship" pero dalawa naman sila. So be specific lang. hehehe....


"BROKEN HEARTED" - ito ang tamang status para sa mga naghiwalay or kahihiwalay pa lang. Hindi ung balik "single" sila. Para atleast alam ng iba ang pinagdadaanan mo, at maraming magcomfort sayo. For me kasi, kung balik single uli ang drama mo, para mo na din sinabi na "OK LANG AKO. LALANDI ULI AKO!"... ahahaha.. ung tipong ganun. wala lang. opinyon ko lang.... ^^


And to end this post, para sa mga taong ayaw ng sakit sa ulo, bagay sa inyo ang "FOREVER ALONE". At sa mga taong akala mo kung sino, saktong-sakto senyo ang "BITTER". 




Last na, sayang at wala sa choices, pero ito ay totong nangyayari din sa isang relationship na pilit dine-deny lang ng iba.... ito ay ang pagiging.... 






"BATTERED".






wahahahaha.. totoo naman diba? BATTERED SILA!!! Kawawa naman. lols 

Sunday, March 13, 2011

Roundtrip

Mga 4 days din ako nanahimik sa lungga ko. At sa 4 days na yun, parang and dami kong hindi nagawa or talagang wala lang akong magawa.

Kanina, natuwa ako sa result ng Talentadong Pinoy. Joseph the Artist, deserves the title na maging Ultimate Talentadong Pinoy. Sya din ang bet ko kaya I am happy for him. At ewan ko kung bakit, pero sa lahat ng mga talent scouts (judges) kay Tuesday Vargas lang ako napapahanga kapag nagbibigay sya ng mga comments. Aliw na aliw ako sa kanya. ahahaha... Lalo na nung natanggal ang necklace nya, ang saya-saya pa din nyang tignan! (may tumblr din sya at tweeter, kayo na maghanap kung gusto nyo. heheh)

Enough of Tuesday Vargas and of Talentadong Pinoy. Moving forward, sumapit ang weekends at wala akong naipost about sa aking paggagala. Himala noh? Nasanay din kasi akong magpost ng mga foodtrips ko, pero this weekend talaga, wala maxadong happenings. NAGTITIPID KASI AKO!!!! wahahahaha.... joke.

Although, gumala pa din ako nun kasama ko ang isang friend na clanmate ko sa SM Fairview, kumain lang kami sa ordinary at common na kainan ng masa - ang goldilocks. Nakakasawa ang mga pagkain dun kaya di na ako nageffort pang gumawa ng food blog. So bakit sa goldilocks lang kami kumain? Eh kasi, gusto daw nya ng pinoy food... No choice naman ako kundi sumabay nlng sa trip nya. hehehe...

Nung saturday, dapat sa MOA ako pupunta together with my college barkadas para manood ng finals ng pyrolympics. Nagkatamaran siguro at may ibang personal reasons ang iba, kaya ayun hindi natuloy. Ayoko pa naman sa lahat ung planado na ang lakad a week before the said date, tapos bigla bigla na lang hindi matutuloy. ANG SAKIT SA BATOK!!! nakakabadtrip. Nakaset na sa utak ko na gagala ako sa ganoong araw tapos cancelled na lang. Haaayyy... Kaya ginawa ko, nagload ako.... nagtext ng kung sino-sinong pwedeng ayain.... ung iba nagreply na hindi din sila pwede.... ung iba naman, di nagreply na akala nagjojoke lang ako kapag ako ang nagyayaya sa kanilang lumabas. 

After lunch na pero nasa bahay pa din ako. Ayoko tumunganga sa bahay hanggang sumapit ang gabi. Ang isa ay nagreply na pwede daw sya. Ayun, 5pm na nang kami ay magkita. From SM Fairview, derecho kami Megamall. Dapat sa MOA na din kami tutuloy pero di na kami aabot pa sa fireworks kasi 2 hours ang byahe. Kaya nag megamall nlng kami at dun kami kumain. After nun, di namin alam kung saan susunod na pupunta. Wala din naman kasing ibang mapagtatambayan dun. After kumain, balik uli kami sa SM Fairview. So in short, nagroundtrip lang kami from Fairview to Mandaluyong. At dun pa kami kumain kahit alam naman namin na may goldilocks din sa fairview. ahahaha.. Maiba lang ng lugar eh noh?...

Masaya naman sa byahe. Kahit di masyado nagenjoy sa lakad, bawi naman sa byahe. Kwentuhan to the max habang nagpapalamig sa aircon bus. Pagdating namin sa fairview, nakitambay uli kami sa mga kapwa clanmates namin at tumambay sa SB, at umuwi na din ako ng 11pm. Yun na ang pinakamaaga kong uwi sa lahat ng Saturday na nagdaan. Usually, kapag Saturday inuumaga na ako. ahahaha... 

Kinaumagahan, syempre Sunday na, late na akong nagising. Nagtulog lang ako ng nagtulog. Hindi ako sanay sa mahabang tulog at paggising ko ay ang sakit ng ulo ko! Mas sanay kasi ako sa puyatan, ung tipong 2-3 hours of sleep lang. ahahaha... 

Kaya eto, wala din akong maiblog sa ngayon.





Wednesday, March 9, 2011

This is it, my final decision!

 "Taking risk is part of maturity. Taking risk is needed for us to grow... to grow personally and emotionally and to know ourselves more... I have decided. I am a man with one word. How will I grow if I am not going to take risk of something?"

- rap

 

 

Sabi ko sa sarili ko dati... ayoko ng magtake ng calls. ayoko ng maging call center agent. Pero sa mga panahon ngayon, ang BPO pa din ang madaling pasukan at applyan. 1 day lang malalaman mo na ang result, no need pang maghintay ng kung ano-anong tawag. Uuwi ka na lang agad or hahanap ka uli ng iba kasi initial interview pa lang bagsak ka na at dahil dun maaga kang natapos.... wahahaha... DUH!!! (ang arte? ahaha)

Dahil bata pa naman ako, (ehem!) or I must say mukang bata pa naman ako hehehe, sa mga panahon din ito, gusto ko munang makapag-ipon... tapos kapag nakaipon na ako, saka ako aalis sa BPO. ang tanong - hanggang kelan naman kaya yon? Hanggang kelan ako makakapag-ipon kung ang daming luho sa paligid! (saka ko na iisipin un... muka lang talaga akong pera sa ngayon. hehehe...)

Dahil naka VL ako for 1 week, nagdecide akong mag job hunt. Nung december ko pa balak gawin to, pero ngayon ko lang nagawa kasi ngayon lang ako nag VL. 3days ang inilaan ko sa paghanap ng kabuhayan and then the rest, puro pagpapakasarap na sa buhay. :))

 

First day of job hunting.

I tried an Australian based company (BPO pa din) somewhere in Ortigas. Nakita ko lang sa jobstreet un at naisipan ko lang puntahan bigla. Muka lang akong tanga kasi ako lang mag-isa nagwalk-in. ahaha. More on scheduled appointments sila. They were still managed to entertain my application, pero ako tinamad na. Kung ano-ano na lang sinagot ko sa interview at expected ko ng di ako papasa....

After nun, someone approached me at the lobby. She is from Convergys (CVG). Try ko daw. That was my second time to try CVG. The first time was 2 years ago (in commonwealth). Nakaschedule na ako for the final interview 2 years ago, pero di ko sinipot ang interview ko kasi on that same day, it was my contract signing dito sa current employer ko....

Edi, un na nga, i tried CVG for the 2nd time. Dahil experienced callboy na ako, wala na daw initial interview sabi nung girl na nag-approached sa akin kasi may position sya sa HR ata. ako naman nagulat kasi wow! taga HR sya, so mataas expectation nya sa akin. Shet!!! Pero normal lang naman sa mga experienced na callboy at callgirl ang bumagsak din. hehehe. (kasi ung iba may attitude problem, kaya mas gusto ng ilan ung mga newbie)

Eto na, exam na. OK lang ang exam. ang cool kaya ng exam nila. ahaha. may spelling na 51 items... at syempre pasado ako sa exam. Pinabalik ako ng 4;30pm for my final interview. SHET! eto na ang mas nakakakabog ng dibdib. Ang taray pa ng interviewer. Sya na ang may accent!! Sya na!!! Nakakapanliit lang talaga ng pagkatao, pero game pa din ako. Nasagot ko naman ang mga tanong nya, pero in the end, siguro nainsecure sya sa akin kasi ang cute ko kaya binagsak ako sa final interview. Akala ko for formality na lang yun, pero hindi kasi MAARTE SYA!!! ahaha. At dahil dun, gumala na lang ako sa Robinsons Galleria kasi 5pm na ako natapos at sabay uwi... (siguro kung sya lng ung girl na nag-approached sakin sa lobby, pasok ako,.. pero hindi sya eh... hehe)

 

Kinabukasan, its my 2nd day of job hunting. I decided to go to SM north. Andun kasi ang recruitment ng Stream Global. Cool din ang exams nila. Ganda ng interior kasi bago-bago pa lang. Dahil inabot na din ako ng mga 6pm sa dami ng tao at may kabagalan ng konti, pinabalik ako kinabukasan for my final interview (again) to one of the supervisors of the account. Ang aga ng interview, 6am. Pagtapak sa floor, comfortable naman ako at maganda ang loob ng building. Feel at home agad ako. To make this short, after ng interview antay daw uli ng tawag witihin the day kung ano ang susunod na gagawin.., dahil currently employed pa din naman ako, derecho ako sa current office namin kasi may pasok pa ako. hehe.. Di ko inexpect na itetext nila ako.. PASADO DAW AKO SA FINAL INTERVIEW at pinapabalik uli ako kinabukasan para sa mismong JOB OFFER para sa contract signing at sa MARCH 14 na ang start ng training. ANG SAYA-SAYA KO!!! SA WAKAS!!!!!!!

 

BUT... But.... BUTT..... (past, present, future tense ng BUT!! lol)

 

I am still working here sa current employer ko. Hindi pa ako nagreresign at hindi pa nagpapasa ng resignation letter. We've been told before na HINDI PWEDE ANG IMMEDIATE RESIGNATION, kasi we still need to render atleast 30 days before umalis. Naghihigpit sila ngayon, dati kasi kahit immediate pinapayagan... at dahil dun, dumami ang nagresign at dun na nga sila naghigpit na dapat ay after 30 days na ang bagong process.

Monday, March 7, 2011. Restday ko nun pero pumasok ako para kausapin ang Team Leader ko. Nagsabi ako ng maayos. Nagpaalam ako kung pwede ako mag immediate resignation at 1 week na lang ang itatagal ko (mamamatay na kasi ako eh. heheh). Hindi ko na sasabihin ang buong detalye ng pag-uusap namin, pero hindi daw talaga pwede ang immediate.

Dahil ako na si sigurista at talagang pinag-isipan ko na itong mabuti, I prepared myself sa ganung sitwasyon. Dalawa ang resignation letter kong dala - isang effective date is March 11 (immediate) at isang April 10 (30 days).

 

TL: May letter kang dala?...

Ako: NAMAN!!! prepared ako noh. Alin sa dalawa, ung immediate or 30 days?

TL: batukan kaya kita jan, edi ung 30 days!

AKO: nyahahahaha

 

Papayag ako sa 30 days nilang sinasabi, pero isa-submit ko pa din ang resignation ko A.S.A.P para makaalis na din sa current employer ko. Pwede ko naman kausapin ung nag-oofer sa akin na iconsider ang job offer ko by next month kung may openings sa April or may next batch of hiring. Pwede naman un kung makikipag usap lang ako sa kanila in a professional way...

I've formally submitted my resignation letter today, effective on April 20. (more than 30 days pa un) Sabi din kasi ng TL ko, gawin ko na daw saktong April 20, para saktong 2 years ko sa company (oo tama, 2nd anniversary ko sa april 20 at un ang araw na aalis ako). OK FINE. PAYAG AKO.... I've talked to the person in-charge for the job offer in the other company, I asked if they can still review my qualifications by next month and also requested to endorse me to other branch (kung pwede). Pumayag naman sila. Pero kung wala ng openings by next month, at least malaya na din akong maghanap pa ng ibang company jan. At, hindi na din ako mangangarag at wala na akong iisispin pang immediate resignation if ever. Mas maganda mag-job hunt kung wala ka na din sa pader ng employer moh, para anytime ready ka ng magstart... 

 

I am not closing my doors sa other opportunities. Hindi lang BPO ang papasukin kong industry. Kahit ano pwede. hehehe.. BASTA KAYA NG QUALIFICATIONS KO!!! OO nga malaki ang pera sa BPO, pero mas malaki ang pera sa mga TV networks. wahahahaha... I imagine myself na may pinipirmahan contract as an artist sa isang TV network. wahahaha...

 

 

 

 

pero tulad ng sinabi ko, it just only an imagination... :)

This email is confidential and intended for the addressee(s) only.
If you are not the addressee, please notify the sender and delete the message. Do not use the content in any other way.

Monday, March 7, 2011

How did I celebrate my weekend?

Dahil sumapit na naman ang weekend, nakakasawang sabihin pero malamang gumala na naman ako. hehehe... ako na si male version ni Dora na laging gumagala. Ewan ko ba, pero basta kapag weekend or last day sa work, ayokong umuwi agad (lalo na kung may pera). Hindi kuntento araw ko kung hindi ako gagastos sa last day ko sa work. Kahit ano pa yan, damit, pagkain, movie, kahit ano. YUN AY KUNG MAY PERA LANG. Pero kung wala talaga, no choice kundi tumambay sa bahay.... matulog.. at magpalaki ng ano. wahahahaha... (ano iniisip mo ah?) Magpalaki ng.... bill ng kuryente sa bahay. LOL.


Sabado, March 5, 2011.

After work, pumunta muna ako sa company na inaplayan ko para sa briefing ng job offer. OO pasado ako at pirma ko na lang ang kelangan. Pero dahil ang entry na ito ay tungkol sa paglakwatsa ko at walang kinalaman sa usapang trabaho, sa next entry ko na lang sasabihin at kekwento ang nangyari sa job hunting ko.

Balik tayo sa pagbubulakbol ko. Nagkita kami ng isang friend ko sa SM North. Dun lang kami nagkita kasi derecho kami ng Mall of Asia. 5pm na. We have decided na mag bus na lang para makapagkwentuhan habang bumabyahe. Pareho kasi namin ayaw mag MRT pag rush hour. 2 hours ang byahe. Ok lang naman at hindi boring kasi ang dami namin napag-usapan sa loob ng bus. Kumakain pa kami ng fries ng Mcdo.

7pm na kami nakarating ng MOA. Daming tao, kasi weekends -araw ng gimikan. Ang dami din mga bata. May mga cute na aso pang kasama. Ang main reason ng pagpunta namin dun ay para makita ang pyrolympics. Pero dahil maulan nung gabing iyon, at hindi pala pinapalapit sa mismong seaside ang mga tao, sa taas lang kami nakitambay at kahit papaano naman nakikita namin ang mga pangyayari. Bibili sana kami ng tiket kahit ung pinakamura lang na 100, pero dahil ako na ang maarte at ayokong mabasa ng ulan, di na kami bumili. ahaha... 

After nun, syempre gutom na kami. Lahat ng kainan at restaurants ay puno. Sa tapat kami ng Yoshinoya tumambay ng konti. Mejo madami pang bakanteng upuan, so, go na kami sa Yoshinoya. Favorite ko din naman ang Japanese foods, kaya happy na din ako at matagal-tagal na din akong nagccrave sa Beef Gyudon nila pati ng Red Tea. 

wala lang, nagandahan lng ako sa interior nila



Para sa akin, mas masarap ang Yoshinoya kesa Tokyo-Tokyo. In my opinion lang naman, parang pinoy food lang din kasi ang menu sa Tokyo2 eh... Pati rice ata sa kanila NFA rice! wahahaha.. unlike Yoshinoya, japanese rice talaga. At dito ako may nakikitang mga korean, chinese at totoong japanese na kumakain. Sa Tokyo2 wala pa akong nakita. hehehe... 

beef gyudon with shrimp tempura

mixed veggie tempura

Kani Siumai

Pork Katsudon Bento meal

red tea nila na the best!!!

malamang pamunas ng pwet to.


Sa akin ung beef gyudon at sa friend ko naman ang bento meal. Tapos share na kami sa iba. All in all, friendly naman sa bulsa ko. Hindi naman ako nabigla sa presyo kasi planado naman to, so may budget na agad ako.


At syempre hindi kumpleto ang pagpunta sa MoA kung wala kang remembrance na picture dun sa imiikot na globe. Puro ads ang andun, kaya globe tattoo ang nakuhaan ko ng picture at about sa Smile something. hehehe...

si globe.... so globe tattoo na ads. hehe

SMILE!

Ang sarap ng feeling ko sa tuwing nakakagala ako. Sa mga panahong iyon nakakalimutan ko ang mga problema ng buhay. Sana ganun na lang lagi, kahit hindi ito considered as comfort foods, pwede na din. 



PS. 
Hindi ko first time sa MOA. ahahaha.. baka kasi isipin ng iba first timer ako sa moa. Nagpupunta ako dito pero di madalas unlike Trinoma. Ang layo kasi eh, saka di ko kabisado mga stores sa loob. Trip ko lang magpicture. ahahaha.

Nung Sunday naman, sa bahay lang ako. Nagninilay-nilay at nag-iisip mabuti kung magreresign ba ako sa work ko ngayon at tatanggapin ang offer ng kabila...



Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...