Sunday, March 13, 2011

Roundtrip

Mga 4 days din ako nanahimik sa lungga ko. At sa 4 days na yun, parang and dami kong hindi nagawa or talagang wala lang akong magawa.

Kanina, natuwa ako sa result ng Talentadong Pinoy. Joseph the Artist, deserves the title na maging Ultimate Talentadong Pinoy. Sya din ang bet ko kaya I am happy for him. At ewan ko kung bakit, pero sa lahat ng mga talent scouts (judges) kay Tuesday Vargas lang ako napapahanga kapag nagbibigay sya ng mga comments. Aliw na aliw ako sa kanya. ahahaha... Lalo na nung natanggal ang necklace nya, ang saya-saya pa din nyang tignan! (may tumblr din sya at tweeter, kayo na maghanap kung gusto nyo. heheh)

Enough of Tuesday Vargas and of Talentadong Pinoy. Moving forward, sumapit ang weekends at wala akong naipost about sa aking paggagala. Himala noh? Nasanay din kasi akong magpost ng mga foodtrips ko, pero this weekend talaga, wala maxadong happenings. NAGTITIPID KASI AKO!!!! wahahahaha.... joke.

Although, gumala pa din ako nun kasama ko ang isang friend na clanmate ko sa SM Fairview, kumain lang kami sa ordinary at common na kainan ng masa - ang goldilocks. Nakakasawa ang mga pagkain dun kaya di na ako nageffort pang gumawa ng food blog. So bakit sa goldilocks lang kami kumain? Eh kasi, gusto daw nya ng pinoy food... No choice naman ako kundi sumabay nlng sa trip nya. hehehe...

Nung saturday, dapat sa MOA ako pupunta together with my college barkadas para manood ng finals ng pyrolympics. Nagkatamaran siguro at may ibang personal reasons ang iba, kaya ayun hindi natuloy. Ayoko pa naman sa lahat ung planado na ang lakad a week before the said date, tapos bigla bigla na lang hindi matutuloy. ANG SAKIT SA BATOK!!! nakakabadtrip. Nakaset na sa utak ko na gagala ako sa ganoong araw tapos cancelled na lang. Haaayyy... Kaya ginawa ko, nagload ako.... nagtext ng kung sino-sinong pwedeng ayain.... ung iba nagreply na hindi din sila pwede.... ung iba naman, di nagreply na akala nagjojoke lang ako kapag ako ang nagyayaya sa kanilang lumabas. 

After lunch na pero nasa bahay pa din ako. Ayoko tumunganga sa bahay hanggang sumapit ang gabi. Ang isa ay nagreply na pwede daw sya. Ayun, 5pm na nang kami ay magkita. From SM Fairview, derecho kami Megamall. Dapat sa MOA na din kami tutuloy pero di na kami aabot pa sa fireworks kasi 2 hours ang byahe. Kaya nag megamall nlng kami at dun kami kumain. After nun, di namin alam kung saan susunod na pupunta. Wala din naman kasing ibang mapagtatambayan dun. After kumain, balik uli kami sa SM Fairview. So in short, nagroundtrip lang kami from Fairview to Mandaluyong. At dun pa kami kumain kahit alam naman namin na may goldilocks din sa fairview. ahahaha.. Maiba lang ng lugar eh noh?...

Masaya naman sa byahe. Kahit di masyado nagenjoy sa lakad, bawi naman sa byahe. Kwentuhan to the max habang nagpapalamig sa aircon bus. Pagdating namin sa fairview, nakitambay uli kami sa mga kapwa clanmates namin at tumambay sa SB, at umuwi na din ako ng 11pm. Yun na ang pinakamaaga kong uwi sa lahat ng Saturday na nagdaan. Usually, kapag Saturday inuumaga na ako. ahahaha... 

Kinaumagahan, syempre Sunday na, late na akong nagising. Nagtulog lang ako ng nagtulog. Hindi ako sanay sa mahabang tulog at paggising ko ay ang sakit ng ulo ko! Mas sanay kasi ako sa puyatan, ung tipong 2-3 hours of sleep lang. ahahaha... 

Kaya eto, wala din akong maiblog sa ngayon.





6 comments:

Akoni said...

At ano ang tawag mo dito? hahaha..yan ba ang walang mai-blog? pwedi ka nang maging DORIO the explorer..LOL

iya_khin said...

sa lagay na yan wala ka pang naiblog?!!! hahaha! patawa ka!!

Bino said...

sa lahat ng walng pera ikaw anglaboy ng laboy hehehe

Rap said...

akoni at iya - nagkopyahan lang kayo ng comment noh? wahahaha..


Bino - gusto ko yang term na yan, ung "laboy ng laboy". si mama din ganyan din lagi ang linya sakin. palaboy daw ako. lol.

khantotantra said...

di ako nakapanood ng talentadong pinoy kasi sobrang late na. Si joseph the artist pala ang winner. nice :D

Anonymous said...

rap: ang galing galing nga ni joseph the artist, bow ako sa knya.. grabi..!

gala ka ng gala, minsan daanan mo ako d2.. hehe

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...