Tuesday, March 22, 2011

Halo-halong larawan ng buhay...


Wala naman akong mabigat na problema sa ngayon. Happy go lucky nga daw ako eh. Kung anjan si problema, wala lang.... tatawa lang ako... Kakain... Matutulog.... Tapos, wala na. Deadma kumbaga. Ayoko din kasing may iniisip na problema at ayoko din gumagawa ng sariling problema.


Nung Sunday, may nagtext sa akin. Inaya nya ako sa MOA at sya daw ang taya. Nagulat ako kasi nag-volunteer sya na sya daw ang taya, eh usually, ako lagi ang taya... Bibihira ang taong nanlilibre sa akin, kaya natuwa naman ako nung inivite nya ako... The last time kasi kaming magkita 2 years ago, ako ang naging taya nun. Hindi ko naman inakala na maaalala pa nya yun at eto, para makabawi, sya na nagkusa. Pumayag ako, dahil ako pa, gagala na naman ako. hehehe...


First time kong makarating sa seaside MOA. Pag nagpupunta kasi kami dati dun ng ilang friends ko, hindi kami nagagawi dun. Sa loob lang kami ng mall, doing usuall shopping at dining. Lalo na kapag marami kami, ung iba ang tatamad maglakad-lakad, kaya no choice mag-stay sa loob ng mall at magtititigan.

Habang naghihintay sa kasama ko at nagwa-wifi sa labas, dumating ung mga nag street dancing at syempre nanood ako ng program nila. Aliw naman silang panoorin, maganda kasi native kung native ang dance number nila. Hanggang sa matapos sila at balik wifi uli ang drama ko. hehehe...

alin ang naiba?
si ate, nakatingin sakin! ahaha wag ko daw syang kunan ng pic


Napalingon ako sa gitna nang may madaming tao ang nag-uumpukan. sigaw sila ng sigaw ng "Ang cute naman!!" "ang cute naman".

Ang buong akala ko, ako ang sinasabihan nila ng cute. ahahaha. Lumapit ako at pinairal ang pagiging chismoso ko at nakita ko ang dalawa kong stuff toys na nabuhay at naglalalakad sa daanan. Ang cute nga nila!






Mababait naman ung dalawang stuff toys ko. Madaming humahawak sa kanila at nagpapapicture, kaya nakigaya na din ako. Gusto kong iuwi pero hindi pwede. hehehe... At hanggang sa umuwi kami ng gabing-gabi na, marami pa din stuff toys na nagkalat. Karamihan chow-chow. siguro it's Chow-Chow day! ahahaha

Nung bandang palubog na ang araw, dumating na din ang hinihintay ko - sya. Nagpunta na kami sa seaside at doon at tumambay at moment ng konti habang hinihintay ang sunset. Mejo cloudy nung araw na yun at syempre feeling DSLR naman ang hawak kong camera phone. At after nun, dun na nya inubos ang pera nya kasi gutom na gutom ako! ahahaha... Libre eh. Kasalanan nya, inivite nya ako. ahahaha...






Ang sarap pagmasdan ng sunset. Nakakawala talaga ng kung ano-anong problema kahit sandali lamang ito. Pero kung sakaling may problema man ang isang tao, sana hindi magtapos un sa simpleng sunset lang. Kinabukasan ay may sunrise at sana sa sunrise na yun ng kanyang buhay, nawa'y mas maging matatag pa silang lahat....


22 comments:

iya_khin said...

ang cute nga!! pero may phobia ako sa dogs eh...

si ate nahihiya baka kasi mapost sa facebook ang face nya! hahaha

oo,let the problem problem you!ehehe

iya_khin said...

ay base pala ako!! hahaha! wla lang natuwa lang!!

Lhuloy said...

inggit naman ako sa camera ng cp mu...ermmm...di pa ko nkakarating ng seaside...wolo long...

tuwa naman ako sa mga sinabi mu..sana nga parang sunset na lng ang prob...hayysssst....bow!

eMPi said...

Namiss ko ang sunset dyan. :(

Kamila said...

lage seaside ang punterya ko sa moa..kaya nga seaside din yung nasa kwento ko na series di ba..mukhang seaside. lol.. at ang kyuuut ng chow chow... huhuhuhu pakurot... gusto ko guluhin yung buhok... at ang ganda ng kuha mo ng sunset! Ikaw na! Ikaw na talaga rap! Huy! Nga pala..madami dami din ako nakumbinsi na mag buy nung slam book.. hay sana makabili na ko.! Hmwuah!

CheeNee said...

hahaha..i was planning last sunday na dumiretso din sa moa eh..kaya lang nagdecide kami sa baclaran nalang..syang nagkita sana tayo dun.. ang cute ng doggy!!:)

egG. said...

naiingget ako... nagagawi na rin ako sa MOA favorite ko yang seaside... sarap magmuni-muni pero never pa ako nakasaksi ng isang sunset... haayyy naiingget ako kasi ang ganda nung pagkakakuha mo ng picture. as in madugong madugong liwanag ng sikat ng araw.... :)

balang araw makakasaksi din ako ng isang sunset na katulad niyan...

Unknown said...

nice shot, bkit may street dancing

Armored Lady said...

chow chow ang pinaka tamad na aso sa lahat..
ang galing ng huling kuha mo dun sa sunset
pang postcard, poster at coffee table...hahaha

uno said...

excited na akong umuiw ang dami ko ng gustong mapuntahan at isa ito MOA seaside

Bino said...

wow first time sa seaside. heheheh at ang cute ng mga dogs. hehehehe

Akoni said...

ang iitim nila, bakit?

Rap said...

iya - ganun, may phobia ka?... sayang naman.. ang sarap gawin laruan ng mga aso pag sobrang cute nila. ahaha


lhuloy - tara kelan tayo punta, samahan kita!? maganda ba camera ng cp ko? feeling mo lang yun... hehehe... napapangitan ako. hehe


empi - sarap magmuni-muni pag ganun...

Rap said...

kamila - oo kaw na din mukang seaside. hehe... sige, bili ka nung slambook, buy 10 get 1 free!!! go!!! ahaha


cheenee - buti di ka natunaw sa baclaran?... simbahan ba pinuntahan nyo o tiangge lang? ... basta makakapunta din tayo dun pag nilibre mo na ako. lol


egg - hehe.. hintayin mo kasi ung sunset pag nagpunta ka.. masarap tumambay dun ng hapon dba?... maraming nagpipicnic at basta marami din nag-aabang ng sunset... maganda lng talaga ung clouds nun kaya pinicturan ko agad.. nawala na din bigla...

Rap said...

keatondrunk - salamats. feeling photographer lng ako eh. hehe.. every weekends ata may parade sa moa dba? aun, may kung anong sinelebrate ata sila...


clai - natawa naman ako sa sinabing pinakatamad ung chowchow.. ahaha.. well, muka nga kasi ang taba nila. at mas natawa ako sa coffee table, ano ba un?... never pa kong nakakita ng coffee table mag. bastos ba un? ahahaha

Rap said...

uno - tara.. bilis.. libre mo din ako... hehe


bino - oo first time sa seaside... pero sa mismong mall, hindi. hehehe.


akoni - kalahi mo sila dba? ahahaha... joke. malay ko sa kanila, di kami close, di ko sila kinausap.. ahahaha

emmanuelmateo said...

bongga ang sunset ah..hehe

at ang mga dogs..sana may ganyan din ako.

Anonymous said...

nalulungkot ako pag nkakakita ako ng sunset na picture.. hehe!

Armored Lady said...

hahaha...coffee table book ang ibig kong sbhin...di ko rin alm ung coffee table mag...hehehe

Diamond R said...

ang ganda ng lugar na yan. pero kahit isang beses di pa ako nakakapunta. Wow daming cute na aso.

Anonymous said...

hahaha kapamilya ata yun ni nita negrita.. hehehe

Anonymous said...

waaaa ang cute ng chow-chow.hehehe

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...