Matagal tagal ko na din pinangarap na matikman ka. Sabik na sabik akong malasap ang halimuyak mo. Ahhmmmm... Napakabango moh. Ako'y natutukso sa taglay mong kagandahan. Natutukso na wari ba'y ako ay nawawala sa aking katinuan... May kung anong kirot sa aking damdamin na hindi ko maipaliwanag kung ano ang ibig sabihin nun. Basta sayo ko lang nararamdaman yun.... Hanggang sa eto na nga at ikaw ay natikman ko na!.... Ang sarap mo pala!!!!
Ito ay hindi eksena sa isang porn movie. Ang bagay na tinutukoy ko ay literal na strawberry. OO, si strawberry. "Yummy!" yan ang unang nasambit ko nung natikman ko sya. Nakakahiyang sabihin pero ngayon lang ako nakatikim ng napakaraming strawberries. Bakit ngayon lang? Kasi bibihira kami makakita ng strawberries sa mga palengke at kung meron man, napakamahal sa supermarket. Meron mga nakalagay sa styro at binebenta pero dahil na din sa kaartehan ni mama (mana ako sa kanya heheh) ay hindi din sya bumubili kasi ayaw nya ng lasa. Ung iba, kapag inalis mo sa styro, bulok na ung ilalim kaya sayang lang pagbili. Although, nakakatikim naman ako nito sa mga desserts na nakakain ko like ice cream at sa mga cakes, pero hindi ko pa sya nata-try na kainin ng buong-buo... hehehe
Galing sa Baguio sila kuya kasama ang GF nya. Si GF nya kasi taga Baguio kaya dumalaw sila dun. Ayun, pag-uwi nila kanina, may uwi silang 2 kilo ng strawberries. WOW!!! THIS IS IT!!! NAKIKITA KO NA SILA NG LIVE!! ahahaha. inamoy-amoy ko... at ang bango. Tinitigan ko sila ng matagal... Nagdadalawang isip kung kakainin ko na sila or ididisplay ko lang sila. ahaha (gawin daw bang pang display?) Masarap nga talaga... Nakarami na din ako at may naisip akong magandang idea para mas maappreciate ko sila.
Sabi ko kay mama, bumili sya ng all purpose cream at ito'y imi-mix kasama ng saging. Yes, instant strawberries at banana dessert ito. Mas yummy!!! Kahit hindi dessert, pwede na din main dish para sakin kasi busog na ako. hehehe... Sana may iba pang fruits sa bahay pero nagkataong saging lang din meron so pwede na din yun. Eto ang resulta..
Mejo masabaw sya kasi napadami ata sa condensed milk. hehe.. Pero the best pa din ang lasa. Feeling ko Pasko na! hehehe... pero summer pa lang pala..... Enjoy eating!! ^^
18 comments:
Waaah! Ang sarap ng strawberries! Mas lalo akong natakam nung nilagyan na ng gatas slurps!
MIss ko na ang Baguio hehehe...
penge!!!!! jejejeje...
natawa ako sa "sa wakas nakita ko na sila ng live!" hahaha.. penge naman ako nian dito! kahit sampung piraso lang..hehehe
hahaha...parehas tayo..tsk..tsk..hindi pa din ako nakakain ng strawberry na buong buo..haha..dahil pareho kami ng mommy mo, hindi ko type ang lasa.hehe
waaaaaaaaa...... ang sarap naman niyan... tagal na rin ako di nakakain ng stroberi.....
ahaha.. sory naman guys.. kung gutom kayo, mas gutom ako!!!! ahahah
bibigyan mo ko? o bibigyan mo ko???hahaha no choice ka!
rap mag share ka naman jan, cge nah?? plsssss hehe! ipa LBC mo hahaha! :P
ako naman ang tao'ng walang kahilig hilig sa strawberry maliban sa strawberry jam at strawberry taho.:D
nyumm nyuum! sarap naman. first time ko makatikim ng strawberries nung college ako, na galing sa boss ko sa ojt. tapos ang kasunod strawberry jam na wahihihi. ang mahal naman kasi ng strawberries.
ang chalap..sna may shake pa ah..
diba maasim din ang strawberry.. hehhee
UBOS NA SYA GUYS!!! SORRY NAMAN!!! ahahaha
kuya bino - bago ung strawberry taho ah?... san meron nyan...
emman - oo nga eh, kaso sira blender namin... ^^
kiko - yup, mejo... parang kiwi fruit na din sya... pero yummy pag may cream at condensed milk. pang sosyal!!! ahahaha
ang sarap naman pahingi favorite ko ang mga ganyan.
huystt.. ako din di pa nakakatikim ng strawberry na strawberry lang talaga.. tapos nung natikman ko na siya.. di ko alam kung hindi lang masarao nakuha ko.. pero di ako natuwa..di rin naman ako nalungkot.. flat affect lang sabay bigay sa nanay ko nung may kagat
sarap nung salad ba yan.
Merry christmas.... penge!
wow sarap nyan! dami nyan dito punta ka! mura lang mga fruits and food dito! makagawa nga ng ganyan ingit ako! hahah
Post a Comment