Dahil sumapit na naman ang weekend, nakakasawang sabihin pero malamang gumala na naman ako. hehehe... ako na si male version ni Dora na laging gumagala. Ewan ko ba, pero basta kapag weekend or last day sa work, ayokong umuwi agad (lalo na kung may pera). Hindi kuntento araw ko kung hindi ako gagastos sa last day ko sa work. Kahit ano pa yan, damit, pagkain, movie, kahit ano. YUN AY KUNG MAY PERA LANG. Pero kung wala talaga, no choice kundi tumambay sa bahay.... matulog.. at magpalaki ng ano. wahahahaha... (ano iniisip mo ah?) Magpalaki ng.... bill ng kuryente sa bahay. LOL.
Sabado, March 5, 2011.
After work, pumunta muna ako sa company na inaplayan ko para sa briefing ng job offer. OO pasado ako at pirma ko na lang ang kelangan. Pero dahil ang entry na ito ay tungkol sa paglakwatsa ko at walang kinalaman sa usapang trabaho, sa next entry ko na lang sasabihin at kekwento ang nangyari sa job hunting ko.
Balik tayo sa pagbubulakbol ko. Nagkita kami ng isang friend ko sa SM North. Dun lang kami nagkita kasi derecho kami ng Mall of Asia. 5pm na. We have decided na mag bus na lang para makapagkwentuhan habang bumabyahe. Pareho kasi namin ayaw mag MRT pag rush hour. 2 hours ang byahe. Ok lang naman at hindi boring kasi ang dami namin napag-usapan sa loob ng bus. Kumakain pa kami ng fries ng Mcdo.
7pm na kami nakarating ng MOA. Daming tao, kasi weekends -araw ng gimikan. Ang dami din mga bata. May mga cute na aso pang kasama. Ang main reason ng pagpunta namin dun ay para makita ang pyrolympics. Pero dahil maulan nung gabing iyon, at hindi pala pinapalapit sa mismong seaside ang mga tao, sa taas lang kami nakitambay at kahit papaano naman nakikita namin ang mga pangyayari. Bibili sana kami ng tiket kahit ung pinakamura lang na 100, pero dahil ako na ang maarte at ayokong mabasa ng ulan, di na kami bumili. ahaha...
After nun, syempre gutom na kami. Lahat ng kainan at restaurants ay puno. Sa tapat kami ng Yoshinoya tumambay ng konti. Mejo madami pang bakanteng upuan, so, go na kami sa Yoshinoya. Favorite ko din naman ang Japanese foods, kaya happy na din ako at matagal-tagal na din akong nagccrave sa Beef Gyudon nila pati ng Red Tea.
wala lang, nagandahan lng ako sa interior nila |
Para sa akin, mas masarap ang Yoshinoya kesa Tokyo-Tokyo. In my opinion lang naman, parang pinoy food lang din kasi ang menu sa Tokyo2 eh... Pati rice ata sa kanila NFA rice! wahahaha.. unlike Yoshinoya, japanese rice talaga. At dito ako may nakikitang mga korean, chinese at totoong japanese na kumakain. Sa Tokyo2 wala pa akong nakita. hehehe...
beef gyudon with shrimp tempura |
mixed veggie tempura |
Kani Siumai |
Pork Katsudon Bento meal |
red tea nila na the best!!! |
malamang pamunas ng pwet to. |
Sa akin ung beef gyudon at sa friend ko naman ang bento meal. Tapos share na kami sa iba. All in all, friendly naman sa bulsa ko. Hindi naman ako nabigla sa presyo kasi planado naman to, so may budget na agad ako.
At syempre hindi kumpleto ang pagpunta sa MoA kung wala kang remembrance na picture dun sa imiikot na globe. Puro ads ang andun, kaya globe tattoo ang nakuhaan ko ng picture at about sa Smile something. hehehe...
si globe.... so globe tattoo na ads. hehe |
SMILE! |
Ang sarap ng feeling ko sa tuwing nakakagala ako. Sa mga panahong iyon nakakalimutan ko ang mga problema ng buhay. Sana ganun na lang lagi, kahit hindi ito considered as comfort foods, pwede na din.
PS.
Hindi ko first time sa MOA. ahahaha.. baka kasi isipin ng iba first timer ako sa moa. Nagpupunta ako dito pero di madalas unlike Trinoma. Ang layo kasi eh, saka di ko kabisado mga stores sa loob. Trip ko lang magpicture. ahahaha.
Nung Sunday naman, sa bahay lang ako. Nagninilay-nilay at nag-iisip mabuti kung magreresign ba ako sa work ko ngayon at tatanggapin ang offer ng kabila...
22 comments:
nasa moa din kame nung saturday..dun lng kme sa my gilid ng kalsada ngpabasa sa ulan while watching the fireworks display...lo long....
lhuloy - hay naku, kung tinext mo ko at kung binigay mo #mo sakin, edi sana nagkita na tayo dun!... ahahah..
IKAW na ang hindi BUSY!
hahaha grabe o hectic lang naman... hahha
ayoko nga baka tampalin mu pa ko don...jajajaja....
jengpot - busy ako noh.. un lang ang way para matanggal pagkabusy at stress ko... ang hirap kaya mag isip kung saan ako gagala... ^^
batman - hectic nga eh... puno na sched ko. hirap isingit sa sched ung mga ganitong lakaran. hehe...
nagutom lang ako sa post na ito.hahahah sarap...
san ka nag apply?hehehe
ako din gusto ko sa yoshinoya..yumyum!
hay, nagutom ako sa post mo hehe! buti ka pa nakagala sa weekend, ako wala, love sick..:( pero online pa rin despite of that.. hehe
libre mo din ako pag MAY PERA ka! hahaha! dito mga Japanese amo ko, araw-araw may bento! Hai!
haha. wow. congrats then :) lol.
haha. tama. pinoy pa rin ung menu s atokyo tokyo :) hahaha.,
Oo nga noh? wala naman tokyolanders na kumakain sa tokyo-tokyo..
ma-try nga ang YOSHINOYA na yan para makakita na rin ng hapon ng personal..hehe..
pwedi, libre mo ko dyan?
sinagad ang bakasyon ah! hehehehe. gala at lamon mode. minsan nga magfood trip tayo :D
i still go for tokyo tokyo hehehe
but cge try ko yan sinasabi mo pag uwi ko
cheenee - bkit apply ka din? hehe.. sa stream global sa sm north.
mommy - ok lng yan...
iya - talaganag all caps? ahaha... sa kanila k nlng humingi.. dami pla jan eh
cheen - oo, kaya ayoko dun eh.
akoni - ako kaya libre mo, may fanpage ka diba? asensado! lols
bino - sure, why not... basta kanya-kanya ah. ahaha
uno - hehe... try mo din.. pero mas OK pa din sa Teriyaki Boy. at Oki-Oki. hehehe..
Kyle - sori nmn kung nagutom ka. manlibre ka din. hehe
noh ba yan...linsiyak connection ko eh. Nagcomment ako sayo sabay nawalan ng connection..yan tuloy.. hehehehe nawala.. ulitin ko na naman.
sabi ko paano ka nag-apply? sinabi mo ba na employed ka pa rin sa kabila? GOODLUCK ng marami sayo!!!
Tapos sige na nga Yoshinoya na! Hahaha.. dalawang beses pa lang kase ako kumakaen sa Tokyo tokyo.. yung isa libre pa.. kaya wala lang..wala akong alam sa mga sinasabi mo.. lol... hahahahahha
at si boypren nagpunta din sa pyro olympics... nagbayad siya kase need niya makuhaan ng photo yung mga fireoworks... project niya sa school.. wala lang shinare ko lang sayo kase feeling close tayong dalawa....
EB tayo someday.. pag-uwi ko. :) at pag may pera din... hahaha
mga janapese foods to dba?masarap talaga yung shomai lalo pag linagyan mo ng kalamansi at soy..wow!!at may sili
Sana naenjoy ko din ang aking weekend. Anyway, I'm glad na naenjoy mo ang two day break mo! :D
ikaw na ang manggutom at manginggit sa paggala hehehe...
magandang araw..
ooopppsss, may bagong work ka na? gudluck naman jan parekoy
Kakagutom! :D
Post a Comment