Friday, March 25, 2011

Feeling artista

"move on... yan ang mami-miss ko sayo eh...walang katulad pagka walang modo mo!!!  ikaw na!!  "



Ito ang mga salitang bumulaga sakin pagka-open ko ng work email ko. Galing sa teamate ko na isang mommy na nasa mid 30's or 40's ang edad. Ayaw nga yang sabihin kasi paimportante pa sya! lol.. Single mom sya, kaya parang anak na din nya kami, kasi ung mga anak nya almost ka age ko lang din. Pero kahit alam naman natin na mas matanda sya, syempre dahil isa akong bastos na tao, di ko pa din syang makuhang galangin. ahaha.. Close kami, super. Parang kami lang ni mama na kahit anong biro pwede at wala lang sa kanya. Binabara ko sya sa mga banat nya. Barahan kung barahan ito pero walang pikunan, kundi sa tawanan lang natatapos ang lahat... Kaya, kahit kung ano-anong kagaguhan na din ang nasasabi ko sa kanya ay okay lang.

Sabi ko nga sa kanya, kung natutuwa sya sa ugali ko, bakit hindi nya na lang turuan anak nya ng mga kawalangyaan ko para hindi nya ako mamiss masyado. ahahaha... At bumanat sya ng katagang "LECHE KA TALAGA RAP!!!"

Wala nga daw katulad ang kasamaan ng ugali ko.. Mabait naman ako pero pilyo at gago lang talaga. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay magiging anghel ako, kaplastikan na yun para sakin. Aminado naman ako na masama talaga ugali ko (minsan) kasi expression ko na ang magmura. At mas natutuwa ako kapag nakakarinig ako ng mga taong mas malutong pang magmura kesa sakin! wahahahaha... Nagpapakatotoo lang ako sa sarili ko. Ayokong magbait-baitan minsan, kasi inaabuso na din ng ibang tao kung sobrang bait-baitan ang drama ko. Ako naman etong tanga, nagpapaabuso sa kanila. ahahah... Tanga nga eh. lol :)

Kaya kung siguro makakasali ako sa PBB, naku, laging putol mga eksena ko sa TV kasi puro mura lang un. ahahaha.... parang ganito...


Toni: mga viewers, sa tingin nyo bakit pinatawag ni BigBrother si Rap?... may kasalanan kaya syang nagawa?.. eto at tignan natin ang mga eksena sa loob ng bahay ni kuya....


(sa confession room)


BigBro: kamusta ka na rap?

Ako: Ok naman, obvious ba? Ahahaha

Alam mo ba ang dahilan kung bakit kita pinatawag dito sa confession room?

.... ahhmm..hindi.. may task ako? heheh.. bakit kuya? sabihin mo na, wag kang epal!

Napansin ko kasi mejo nag-iiba ang ugali mo dito sa bahay ko.

... huh?... kelan pa?.. weh?..

OO. Napansin kong napapadalas ang pagmumura moh dito sa pamamahay ko...

.... sus, yun ba?. hindi ba normal un?... may mga ibang housemates din naman na nagmumura ah.. may gumagawa pa nga ng "kababalaghan" dito sa bahay mo eh, bakit un hindi mo napansin?... ahaha... patawa ka kuya! Ahahaha

Napansin ko un, pero iba ang dating ng pagmumura mo dito.

.... *walang imik... nag-papacute sa camera*

Nakikinig ka ba sakin rap?

... OO naman, hindi ako bingi noh... so ano na mangyayari? may parusa ako ganun?... tsk!

OO. isang mabigat na parusa rap. Dahil hindi ko pinahihintulutan ang ganyang klaseng ugali sa bahay ko. At dahil jan rap,...ikaw ay pinapatawan ko ng parusang....


(hindi pa tapos si kuya magsalita, umepal agad si rap)


... BITAY?... ahahaha...

Hindi.. parusang FORCED EVICTION!

-.... the fuck naman oh?...!! seryoso?... wala naman ganyanan... tangna naman oh..

Maaari ka ng lumabas ng confession room, at magpaalam sa mga kapwa mo housemates....

.... DUH?!!! TANDAAN MO TO KUYA!! SISIKAT AKO!!! PUTANGNA MOH!!! WALA KANG KWENTA!!! NAGPAPAKATOTO LANG AKO!!! WAHAHAHAHAH!!!



(sa labas ng bahay ni kuya)


Toni: Eto na po si rap mga kaibigan na nabigyan ng forced eviction ni kuya.. At ang daming fans ni rap sa labas... wow!... ano masasabi mo rap sa mga nangyari?


... salamat sa mga fans ko!!! LAB u mga kapwa ko gago!!! ahahaha \m/


16 comments:

emmanuelmateo said...

banat kung banat..ang prangka mo brad.hehe

panahon na para baguhin mo ugali mo. be a good boy.

mommy-razz said...

haha! mag audition ka rap, hndi pa huli.. cge na para mabati mo kmi sa tv, tpos labas ka na sa bahay ni kuya after dat.. hehe

Bino said...

pwede ka na sa pbb kaso baka ikaw ang unang maevict hehehe peace

ISTAMBAY said...

ako din, expression ko na din ang magmura.. pero kung ako'y nagugulat lang hehehe.... at nagagalit..

Try mo sumali sa PBB parekoy.. on going pa naman yata ang audition, bait baitan ka muna habang nagaaudition.. pag sa loob ka na eh batiin mo naman kami

magandang araw

jhengpot said...

Hahaha!ogag k tlga rap! Pero sna sumali k tlga s pbb,para feel n feel mu ang pgkafiling artista mu! Haha..

Lhuloy said...

so sa lagay ih mbait kpa nyan...?!!!!

ngmumura din ako pro d ganun ka often...wulo long..

mlamang maraming magagalit sau sa pagmumura mu...pro my mga hahanga dn dhl sa ngpakatotoo kah...

geh nga try mu mgpbb...

Leonrap said...

tapos na audtion sa manila, nung march 4 pa ata... hehe.. nasa work ako nun... kahit di na mag pbb, ok lang.. artista pa din ako!! ahahaha... fighting spirit lang yan! ahahaha

Diamond R said...

DiSa buhay na ito may humahanga sayo sa kung sino ka at nagpapakatotoo ka.YOn nga lang alam mo kung bakit ka nila gusto.Ang galing ng pagkakagawa mo ng post napaka makatotohanan ang galing ng mga usapan niyo ni big bro.Pero sana wag naman ito sa totoong buhay.

jhengpot said...

http://heavenknowsmj.blogspot.com/2011/03/epic.html

DENASE said...

Cge ako nalang si big brother pare. acting tayo na parang mga gago sa loob ng bahay.

Good day folk.


http://arandomshit.blogspot.com/

Kamila said...

sali tayo next year sa PBB... hehehehe nagmumura ako, pero di madalas... kapag nagugulat at pag sobrang saya lang.. hahaha tsaka pag nagkkwento I mean kung yung kwento ay kailangan talaga ng ganung salita... o nasa script talaga... whatever rap! hahahaha

empi said...

Sigurado ako ikaw ang unang lalabas ng Bahay ni kUya... hahaha!

Akoni said...

hindi ko expression ang magmura. hehehe..gago ako, pero hindi ako palamura..sabi kasi nila bad daw un..hahahaha..potang ama :))

cLai ♥ said...

sabi nila pag-nagmura daw
madadagdagan ng 1 foot ang daan mo papuntang impyerno...
hala~! malayo layo nako...OMG
kaw kya rap...ilang feet na kaya ung iyo? peace!

Leonrap said...

ahahaha.... edi ako na unang lalabas!!! AKO NAAA!!!!!! ahahaha...


akoni - bago yan ah,... putang ama?! ahaha.. bagay na bagay sayo.. ahaha peace!


clai - hay naku.. kung nakakamatay nga lang ang pagmumura, siguro marami na akong napatay! ahahaha

iya_khin said...

waah!!! nawindang ako sayo!!! may award ka din sa akin!

ipagluluto kita!! isang bandehadang siling labuyo na pinakuluan sa asupre!! oks ba!!?

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...