Wednesday, March 16, 2011

Sikreto sa likod ng mga lockers - REVEALED

 
 
 
Nagmamadali ako sa pagpasok sa work kanina kahit may 1 hour and 15 minutes pa akong allowance sa actual login ko. 1:30am na ng ako'y marakating sa mismong building. Derecho locker para kunin ang jacket, spill-proof mug kong maganda na galing SB (ahahaaa, talagang kelangan imention ung "SB" noh?) at ang headset ko...
 
 
Pagpunta sa mismong locker, laging gulat ko na lang nang biglang ayaw magbukas ng padlock. Alam kong sure ako sa 3-combination number ng lock na yun (hello, mag 2 years ko ng gamit un!!!), at inulit ko din sya ng tatlong beses pero ayaw pa din magbukas. So andun na yung itsura ko na may malaking question mark uli sa utak ko kung bakit at naguguluhan kung ano ang nangyari samantalang naopen ko pa un kahapon pag-uwi ko.
 
 
Kagabi, may nagtext sa akin na ka-teamate ko. Hindi din daw nya mabuksan ang locker nya kaya kung maaga daw ako papasok ngayon (which is infact lagi naman akong maaga), tinext nya sakin ang code ng locker nya at itry ko din daw buksan... So tinry ko..... WALA DIN NANGYARI!
 
 
SO BAKEEEEETTTTTT GAANNUUUUUUNNNNNNNNN????????????
 
 
Yan ang tanong ko sa sarili ko. Pumunta ako sa station namin, nagbabakasaling may tao na dun at baka sya makatulong sa pagbukas ng locker namin. May tao na ngang nauna sa sakin, ka teamate ko din. Tinawag ko sya. Pinabuksan ko ang locker namin nung isa naming ka-teamate, pero wala ding nangyari....
 
 
Nagpunta kami ng facilities,.. Giniba namin ung pinto nila. May hawak kaming mga banner at may nakalagay na "HOY!! BUKSAN NYO LOCKER NAMIN!!"  ahahahaha.... Kinausap namin ung isang tao dun (malamang tao sya) at ang sabi ay nag-update na daw ng mga codes ng lock. So that means, ung dating combination na alam namin sa mga locker namin ay binago na nila.
 
 
Ay, sheeettttt!!!!! Sana naman bago nila ginawa un ay iniform nila ang lahat ng empleyado noh. NAKAKAGALIT!!! Bigla-biglang daw bang baguhin... bwiset! nakakainis!! ang aga-aga eh... Ang inaalala ko ay ung mga iba kong teamates na laging last 2 minutes kung dumating. Wala din silang kaalam-alam sa mga nangyayari tapos pag late sila dahil sa locker na yun,... wala lang.. hehe. Late talaga sila. ahahaha.
 
 
Ayun, nakakaasar lang...
 
 
 
 
 
 
 
PS.
2nd day ko pa lang sa work.. haaayyy ang tagal ng saturday...
This email is confidential and intended for the addressee(s) only.
If you are not the addressee, please notify the sender and delete the message. Do not use the content in any other way.

13 comments:

khantotantra said...

aw, yun ang masaklap kapag sa opis ang may duplicate thingy para mapalitan ang combination. Dapat kanya-kanyang padlock at susi. tsk tsk. hassle sa inyo yan at lalo na sa combination :p

Kamila said...

hahaha..hakala ko naman kung anong mysteryo ang irereveal mo dito rap... hahaha

TAMBAY said...

hindi safe ang gamit mo nyan sa locker parekoy... dapat kanya kanya lock at susi at ikaw lang ang may hawak ng susi o may alam ng kombinasyon... delikado yan...

magandang araw parekoy

emmanuelmateo said...

ang sama naman nila frend..pagpasensiyahan mo nalamang sila..maayos din yan.

Anonymous said...

akala ko may kababalaghan sa loob ng locker.. hehe! wala palang privacy sa locker na yan? hehe!

twelveounces said...

ahaha nadali ako don, akala ko rin kung anong hiwaga ang nasa loob ng locker wakekeke.

Bino said...

kala mo may multo na hehehe

Unknown said...

chill! bkit kc hindi naginform hehe

Lhuloy said...

huaw..yan ang wula dito samen, sariling locker...jejeje..lo long..buti nbuksan nyo din at the end...

iya_khin said...

hehehe!ikaw na ang may locker!!!!
shungangot naman yang facilitator nyo di kayo ininform kung ilock mo rin kaya sya?!!

uno said...

hay naku akala ko kung anu ng hiwaga meron doon ah

Rap said...

ahahahaha... natawa naman ako sa iba na akala kung anong "hiwaga" or "kababalaghan" and meron sa mga lockers.. ahaha... ano ba ung iniisip nyo?? kababuyan ba yang mga nasa isip nyo? ahahaha... pero infairness, nung naghanap ako ng mga pics ng locker sa google images, may mga hiwaga akong nakita... try nyo search "lockers" sa images. lol...

Rap said...

nakakaasar nga lang, pero un na nga, nabuksan at may bago ng code.. hindi nga safe mga gamit namin kung ganun kasi may access din sila sa mga codes ng lock... buti na lang di ko tinatago ung mga gold bars ko dito.. ahahaha...

sarado na nga ang banco filipino, hindi ko pa nawiwidthdraw ung kayaman ko dun, tapos pati gold bars ko mawawala. ^^

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...