Sunday, May 29, 2011

Ingats...

Parang once in a week na lang ako makakapag post ng bago sa blog ko ah... Andun na din kasi minsan ung tinatawag nating "tinatamad factor" hehehe... Plus the fact na once a week ko lang din lagyan ng load si globe tattoo ko... Pulubi kasi eh, walang pang linya. lol.


Nung thursday pa ako matamlay. May sipon ako nun. Ayoko pa naman sa lahat ang magkaron ng sipon dahil kapag nagkakasipon ako, almost 1 week bago ito mawala sa katawang lupa ko. Hindi din ako pwedeng uminom ng kahit anong gamot sa sipon dahil kapag uminom ako ng gamot mas matutuyo ang sipon ko at mas lumalala sya. At ang worst scenario ay kapag naging tuyo na ang sipon ko, syempre mahirap huminga kasi barado ang ilong ko. ahahaha... Ngo-ngo pa ako magsalita. 

Nung friday, mas lumala na nga sya. Sumabay pa ang ubo kasi ang sipon naging plema na. ahaha. kadiri ba?...  well, talagang ganun eh... At ngayon naman, dahil magkasabay na ang ubo at sipon, dito ko na uli maeexperience ang mas malalang sakit ko - ang ASTHMA. 

Nagsimula sa simpleng sipon... natuyo at naging ubo... at naging asthma, so lahat yan, taglay ko pa hanggang ngayon sa katawang lupa ko... ako na ang kawawa. Pero magkalinawan lang, hindi naman ako lantang-gulay! Cute pa din ako. Artistahin pa din. ahahaha... Nakakatayo pa ako, nakakalakad, nakakakain, nakakaligo, nakakagala, nakakaramdam ng init sa katawan. (ano daw? ahahahaahah), at lahat ng ginagawa ng masiglang nilalang ay nagagawa ko pa. May mga gimik pa nga ang wavemates ko together with our trainer at syempre kasama pa din ako sa lakad nila. Ako na pasaway eh. hehe. Mejo hirap lang ako huminga ng konti kasi nga sa asthma at bawal din ako mapagod, pero keri lang. ^^,



Take good care of yourselves. Ngayon rainy season na, mas madaming sakit ang mas kakalat pa. Ingat kayong lahat mga kabloggers... missyou! 


Saturday, May 21, 2011

quickie

pasensya na sa mga diko nadadalaw... maging ako man ay bihirang makadalaw sa blog ko eh... blocked kasi lahat ng websites sa office,... at kain tulog lang naman ako sa bahay pag-uwi dahil masandal lang ako ay madali na akong makatulog... hahaha...


may mga pc sa office na pwedeng mag browse ng kahit anong website, pero gudlack naman... ang haba ng pila... at maximum of 15 minutes lang, kasi mahihiya ka sa kasunod mong naghihintay... ayoko kasing may naririnig akong nagpaparinig sa likod ko at baka kung ano pa magawa ko sa kanya pag narinig kong may sinabi sya.. =)


anyway dahil wala akong mapost at mabilisan lang ito, tatapusin ko na ito.. 



Monday, May 16, 2011

O-tanjobi omedetto

Birthday ni mama today.... weeeeeeeeee!!!!






dahil wala pa akong sweldo, next month nlng ang celebration.. ahahaha






wala din naman syang handa, ordinary day lang...






wala din naman si kuya kasi pumasok sa work...






ako naman, mamaya pang gabi....






so ayun, isang simpleng araw lang ang kanyang kaarawan....






Happy bday mama!!!!




Padaan lang...

Almost 1 week akong nawala sa mundo ng blog. Busy sa training kasi. Kelangan maging productive at magpakabibo sa training kasi I NEED MONEY!!! yun lng naman ang sense kaya nagwowork tayo dba?. hehehe.. AKO NA ANG MUKHANG PERA!!! Siguro magiging mahaba tong post na ito para pambawi na 1 week na lumipas..

Back to training days, masaya naman sya kahit mga bagong mukha ang mga naging kabatch ko. May mga fresh grad at mga tenured na din. Wala naman maangas sa batch namin, cool ang lahat. Konti lang kami, 21 lang kami sa batch at may mga ibang pang sumunod uli na batch na nagtraining.

During our first day, petiks pa ang lahat. 5pm to 2am ang oras namin. Hindi mawawala ang INTRODUCTION. Sa pagkakataong iyon, syempre dapat maipakilala namin ang sarili namin infront of the class. Dito pumapasok ung idea ng "First impression". Syempre sa una nagkakahiyaan pa kaming lahat, pero after we've introduced ourselves, dun na kami nagkapalagayan ng loob. We've started to tell stories with each other. We have eaten our lunches together, and as if we're really close na talaga. New circle of friends na naman sila sa buhay ko. Ang saya at masarap ang feeling everytime I've met new people...

To introduce ouselves, we need to think of an adjective for every letter of our nicknames that will best describe our personalities. So for example, dahil ang nickname ko ay RAP, dapat ang adjective ay magsstart sa R, A at P.... Ang hirap kaya mag isip ng adjective! ahahahaha... Di ko na sasabihin ung mga napili kong adjective sa name ko, corni kasi eh... Basta ganun na yun. hehehe...

Second day of training. Hindi na masyadong petiks, pero magagawan ng paraan para maging petiks ang oras. Puro lectures, discussions at class presentations na ang nangyari. We were divided into groups, and good thing, ok naman ang mga groupmates ko. Infact, kami ung group na may mataas na score at the end of the week kaya may price kaming chocolates! Yehey!!! Actually, may isa pang group na pareho ang score sa amin kaya 2 groups ang nagwagi... Pero may sarili din silang chocolates. 

3rd day. Continuation lang ng mga discussions at lectures. After shift, naisipan nilang magpalipas oras lang sa Padi's Point sa SM North Sky Garden. Edi gora naman kami kahit may pasok pa kinabukasan. Nga pla, nag-iba na ang sched namin kasi pina-adjust. Masyado kasing alanganin ang 2am na uwian sa mga trainee kaya ginawang 2pm to 11pm nlng... So mga 11:15pm na kami nakapunta ng Padis dahil sa mismong SM North naman ang site namin. Natapos ang inuman session mga 12:30am. Sandali lng talaga, tig-isang bote lang at dalawang Vodka squirts dahil may pasok pa talaga kinabukasan.  

4th day. Mejo busy ang araw na ito. Naghabol kasi sa lahat ng mga lectures at topics kasi sa 5th day namin may assessment and its the judgement day samin kung makakapasa at tutuloy pa kami sa next training week...

5th day. Judgement day. Pagpasok pa lang, syempre kabado ang lahat. Pag hindi kami nakapasa dito, bale wala ang pagod namin sa buong week na iyon... Thanked God, we all passed the assessment! Walang naiwan sa batch namin. Masaya ang lahat pero wala pang celebration na naganap kasi wala pang sweldo. ahahaa.. sa June pa ang sweldo kaya tiis-tiis muna... At dahil kelangan english ang usapan, at usong-uso ang salitang "IKAW NA!",  dito na kumalat ang salitang "YOU ALREADY".... kasalanan ito ng isang ka-batchmate namin kaya nabenta naman sa buong klase at pati trainer namin ay nahawa nadin sa salitang ito. parang adik lang kami. We Already!



At dahil monday na ngayon, iba na uli ang shift namin mamaya, 8pm to 5am... at least may night diff!!! at umpisa pa lang ito ng mas mahihirap pang training.... Mawawala na naman ako pansamantala sa mga dashboards nyo... ^^




Friday, May 6, 2011

Mama. Mom. Nanay.

  • Para sa taong nag-alaga at nagpalaki sa akin.....
  • sa babaeng nakasama ko sa loob ng 24 na taon...
  • sa taong nagbigay ng aking pangalan at nagluwal sa akin,
  • sa kanyang mga palo, sa kanyang mga pangaral at sa kanyang pagmamahal... 




SALAMAT!


  • sa lahat ng suporta na kanyang binigay mula nung ako'y nag-aaral pa...
  • kasa-kasama ko sa stage kada recognition day buong elementarya, taga-sabit ng medalya sa akin at kasama sa pagsaksi sa aking pagtatapos nung highschool at college....
  • sa lahat ng kanyang mga masasakit na salita kapag ako'y nagkakamali.... 




SALAMAT.


  • Sa mga putaheng araw-araw kong nakikita sa hapag-kainan...
  • sa malinis na bahay sa tuwing kami ay uuwi galing sa trabaho at anumang lakaran...
  • sa mga damit na kanyang napapaputi at nalalabhan ng mahusay...
  • sa mga reklamong naririnig ko sa bahay tuwing mataas ang bill sa kuryente at sa tubig...
  • sa paggising sa amin sa tuwing kami ay tinatanghali ng gising...
  • sa pagpapaalalang dapat na kaming matulog dahil may trabaho at lakad na naman kinabukasan...
  • sa pagreremind sa amin na magtipid daw kami...




SALAMAT.


  • sa mga oras na napapaiyak namin sya dahil sa sobrang tigas ng ulo namin ni kuya...
  • sa mga oras na ngumingiti sya kasi binibigyan namin sya ng mga pagkaing gusto nya...
  • sa mga tawa nya sa tuwing inaasar namin siya...
  • sa pagiging maasikaso sa bahay,..
  • sa lahat ng kanyang pagtatiyaga at sakripisyo sa amin at hirap na dinanas para lang kami ay mapalaki ng maayos.
  • sa lahat lahat.... 




SALAMAT PO.


hindi ko man masabi ang lahat, pero sapat na ang maipakita ko kung kaano kita kamahal.
Ikaw ang tumayong ina at ama habang nasa abroad pa dati si papa. Hindi man ako close kay papa, anjan ka pa naman sa aking tabi.
Nasaksihan ko lahat ang iyong pagtitiis para lang maging masaya tayong pamilya.

Hindi man namin masabi sa iyo ng derecho na MAHAL NA MAHAL KA NAMIN, pero alam kong HINDI KAMI NAGKULANG TO SHOW TO YOU HOW MUCH WE LOVE YOU.




I LOVE YOU, MA! 





galing kay bunso,

Thursday, May 5, 2011

Tambalan 2

Ang sabi ni Nicole Hyala at Chris Tsuper kanina sa kanilang programa sa radyo, kung lumaki ka daw na mahirap hindi mo naman daw kasalanan na naging ganun ang kapalaran mo... pero kung namatay ka ng mahirap ka pa din, yun na daw ay kasalanan mo na dahil hindi mo ginamit ng husto ang kakayahan at talentong meron ka para kahit papaano ay umangat ka sa buhay.



Napaisip ako... 









Ang hirap kasi wala naman akong isip! ahahaha




Pero sabagay, may point sila. Hindi porke mahirap ka mula pagkabata, ay tatanda ka na lang na mahirap. Kaya nga binigyan tayo ni God ng kanya-kanyang telento at kakayahan para ito ay magamit natin sa magandang paraan - para sa ikaaasenso ng ating buhay. 

Marami na din akong nakitang mga inspiring stories na kagaya nun sa TV at sa mga magazines. Nakakamangha diba? Very insipring talaga. YUng iba kasi, nakaset na sa utak nilang porke mahirap sila, wala na silang mararating.. Pero ang hindi nila lubos maisip na sila din ang dapat gumawa ng paraan. Ang tinutukoy ko ay sa mabuting paraan lamang. YUng iba nga nakakagawa ng ibang bagay, pero sa pamamagitan ng pagnanakaw, pagpatay at kung ano-ano pang krimen para lang guminhawa ang kanilang buhay which is infact HINDI nararapat.  

At yung ibang mejo nakakaangat naman sa buhay, kelangan din nilang ishare ang blessings nila sa iba. So, penge naman ako ng mga kayamanan nyo jan oh.. ahaha




wow, si rap may sineshare na makabuluhang bagay... AKALA nyo lang yun kasi ang point ko dito ay hindi para magkonsensya ng tao.. kundi para ipalaam sa madla na hindi lang BASTOS at NONSENSE ang mga pinagsasabi nila Nicole at Chris Tsuper. May SENSE din sila MINSAN!!! ahahaha... (grabe maka-promote noh, hindi naman ako mababayaran dito.. ahahah. pangalawa na ito, eto ang nauna)



Wednesday, May 4, 2011

Ano bang magandang title? hehehe

Bakit kaya pag may bagay tayong nabili, mas gugustuhin pa natin itong itago kesa gamitin ang mga ito?... Ganun ka din ba?... For example, may nagustuhan akong magandang notebook, ang gagawin ko ay hindi ko susulatan yun at itatago ko lang hanggang sa maluma. ahaha.. Or kunyari naman, may mga gamit sa bahay na kelangan ng palitan, pero dahil nakakapanghinayang gamitin ang mga iyon, itatago ko pa din ito... Ewan ko ba, mas masaya ata ung nakikita mo silang walang gasgas, walang gamit at mukang bago pa din. hehehe... Weird di ba?

Parang 2 years ago lang, bago dumating si Ondoy, may mga biniling bagong gamit sa kusina si mama. Andun ung bagong blender, bagong steamer, bagong mga plato etc... That was 2 years ago. Hindi ginagamit ni mama ung blender pero ung iba nagamit nya na. Pilit ko syang kinokonsensya na gamitin ung blender para makagawa ng fresh fruit juices at mga shakes, pero ayaw nya talagang gamitin. Pinagsasabihan na nga namin sya ni kuya kung bakit pa nya binili yun kung ididisplay nya lang, pero tumawa lang sya. Hangang sa dumating na nga si Ondoy at nabaha at nasira ang mga gamit na iyon... So hanggang ngayon, fresh pa din ang itsura ni blender. Hindi na nga lang sya virgin kasi nauna na si Ondoy sa kanya, naputikan na sya sa loob at kinakalawang na ung blades. Pero ung labas nya, makintab pa din, kaya naka-display pa din sa bahay... Walang pinagsisihan naman si mama, lagi nyang sinasabi na mapapalitan naman daw yun. heheh..











Ako din naman mejo namana ko ang ugaling ito kay mama. (mag-ina nga kami! ahaha). Ung binili kong Deathnote na notebook ay naka display lang din sa kwarto ko. Walang sulat. Walang lukot. Nakaplastic pa. As in bagong bago pero that was 2 years ago pa din (pero nailigtas sya kay Ondoy). Sa mga di nakakaalam kung ano ung Deathnote, igoogle nyo nlng. hehhe... Anime po sya. basta ganun. lols.


Pati ung ballpen na Pilot G-TEC (pa-advertise lang ah. hehe), bagong bili din sya pero til now, di pa masyadong gamit kasi di naman ako nagsusulat. hehe.. Maganda nga pala ung bolpen na yun, 0.3 lang ang point nya kaya napakanipis at magandang ipansulat. mura lang, nasa Php70 above lang. hehehe..




At speaking of anime, syempre may collection din si kuya ng mga Gundams. Dahil mas malaki ang sweldo nya kaya keri nya lang ang gumastos ng mga 3k to 5k na mga action figure. After nya buuin ung mga parts, dinisplay nya lang at never na uling hinawakan (baka daw madumihan hehe). Yung iba ay nasa kahon pa at hindi pa din bukas.


Ayan sila... Ibat-ibang klaseng gundam na nakalimutan ko ang mga names nila. hehe... Meron pa din syang mga transformers kaso wala akong makitang pictures sa pc... nagreformat pla kami. jeje.. Lahat yan, kamuntikan ng na-ondoy pero nailigtas agad...



Bukod jan, aside sa Deathnote kong notebook, hindi ko pa din sinusulatan ung Starbucks 2011 planner ko. Korean version ung planner na yun at binili ko online kasi ayoko ng design at planner dito sa pinas. hehe... Since wala pa din syang sulat, balak ko na syang sulatan pagdating ng june, para wala lang... hehehe.... May maisulat lang. May box at ribbon pa yun kesa ung pinas version na planner... nakaka-eeeewwww yung version dito. ahahaha. 



Eto last na, pati ung mga Coke glasses ng McDo, hindi ko pinatawad.. ang cute kasi ng mga kulay kaya ayun, inipon ko.. ahaha... Never pa din ito nagamit.


Haaayyy, sabagay, mabuti din naman ung ganito hindi ba?... Dun mo kasi makikita kung gaano kasinop ung isang tao. Ung tipong may pagpapahalaga sa ibang bagay kaya ganun na lamang kaingat sa mga ibang gamit. Hehehe.. Wala me maipost eh. 





Tuesday, May 3, 2011

Busy busyhan uli ako...

Sobrang busy... haaayyy... sa sobrang init na din dito sa bahay.. sa pilipinas actually, minsan may mood na akong tinatamad magbabad sa harap ng computer.. hehe... kulang ang dalawang electric fan na nakatutok sa akin. mainit pa din ang singaw. (wala pang pambili ng aircon eh, mahal ang kuryente!!!)

Lately, nag-asikaso na ako ng mga requirements ko for my new job. Start na ako next week. Oo, nakakasawa pero call center pa din ang bagsak ko. ahahaha.... Dun nga lang kasi kahit papaano feeling mayaman ang mga tulad ko! ahaha... Hindi naman kalakihan ang sweldo pero malaki naman sa normal. So tamang-tama lang para may ipambili ako ng mg luho ko.... (yun lang naman habol ko eh.. hehe joke)

So ayun, sa almost 2 weeks kong pagtambay dito sa bahay, magiging busy uli ako by next week. 2 weeks na din naman kasi akong walang minumurang mga callers eh, so may chance na uli akong gumanti sa kanila. ahahaha...

Galing ako SSS (main branch) kanina para magprocess ng SSS digital ID ko. Wala pa kasi akong ID eh. Pagpunta ko dun, kelangan pala magpa-approve muna daw ng E-6 form sa SSS branch na malapit sa lugar kung saan ka nakatira... Ayun, pinapunta ako sa branch malapit sa amin... after nun, balik uli sa main branch para magpa-schedule ng pictorial sa ID (pictorial?? ahahah). Buti na lang at hindi traffic sa commonwealth at nagawa ko syang tapusin ng 11am. Kelangan ko na lang daw uli bumalik sa August 10, para sa pictorial ko... Ang tagal noh?. August pa ang picturan tapos makukuha ung ID mga after a month uli... Susme!!!

Hindi naman ako nag-iisa sa lakad na ito. Kasama ko si mama kasi ayokong magpunta sa ganitong mga lugar ng ako lang mag-isa. Hindi ko kasi alam kung saan ako magtatanong at kung saan ako pipila. Ang daming mga tellers kasi... Eto ang mga tipong ayokong puntahan ng ako lang mag-isa. Tulad ng mga banko, hospital, at government buildings. Baka kasi maligaw ako at hindi ko talaga alam kung saan ako magtatanong. hehehe... Pero kung mga galaan at gimikan yan.. ahmmm... kahit ako lang keri! ahahahaha... 

After namin ni mama sa SSS, syempre gutom kami. Kami ay nagenjoy at nagpalamig muna sa mall bago umuwi... Syempre, dahil tambay nga muna ako for now, lahat ng pamasahe, pagkain at pinagshopping namin kanina ay pera ni mama!!!! ahahaha... So may purpose din kung bakit sya kasama. Utakan lang yan... LOL.




Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...