ROSAS....
Ano nga ba ang dahilan kung bakit tayo nagbibigay ng bulaklak?
Dahil ba Valentines day?
O para maipakita mong mahal mo ang isang tao?....
Siguro nga, ung pangalawa ang sagot.
Kanina, gumala na naman ako sa Trinoma (favorite ko ang Trinoma noh? ahahaha). Kasama ko pinsan ko na ginising ko lang at sinabi kong samahan ako para may taga-bitbit ako ng mga dalahin ko. ahaha. joke. Sinama ko na lang sya kasi dapat si mama ang isasama ko, pero dahil nag-iinarte si mama at pakipot pang umalis dahil madami daw syang gagawin sa bahay, ung pinsan ko tuloy ang niyaya ko. Sasama naman un agad kasi ako naman ang gagastos at sasama lang talaga sya. hehehe... (may PA ako)
Dapat talaga ay bibili ako ng black shoes.... Dahil wala akong magustuhan, napunta sa ibang bagay ang pag-iisip ko. Napadaan kami ng pinsan ko sa mga bilihan ng flowers... Madaming tao kaya nakisilip-silip na din kaming dalawa. Kaya pala madaming tao, kasi may tingi-tingi silang roses at 100 pesos lang isa! murang mura na compared sa iba na isang piraso lang nasa 250+ pesos ang isa.
Nilagpasan namin ng pinsan ko ung flower shop na iyon, kasi sabi ko titingin muna ako ng sapatos. Hanggang sa nalibot ko na lahat ng tindahan ng sapatos (hindi naman lahat, ang OA na nun heheh) at wala talaga akong nagustuhan. Sabi ko sa pinsan ko, bibili na lang ako ng bulaklak.... Tinanong nya ako kung para kanino, sabi ko "PARA SA AKIN!!!"
wahahahaha... adik lang eh. Nung Saturday pa ako dapat bibili ng flowers, eh mahal pa ang price. Nagmumura na lang ang flowers pag sa mismong V-day na. So ngayon na ang chance. Bumili ako ng 3 roses para I LOVE ME ang meaning. ahaha. (pauso pa eh, para i love you pala). At dahil kasama ko pinsan ko, kawawa naman sya kung nakatingin lang sya sa roses na binili ko. hehe... Bumili din ako ng 3 roses pa para sa kanila ng nanay nya (tita ko). Napadaan din kami sa M & S para sa favorite kong chocolate cookies... at sabay uwi na. Hindi na talaga ako bumuli ng sapatos kasi kulang na din ang pera ko. Lintik na roses kasi to eh. ahaha.... Next time na lang siguro ang shoes ko... At take note, ganun pala ang feeling ng may hawak na roses.... ang sakit!!! natinik ako ng 3 beses! huhuhuhu :(
Pag-uwi, binigay ko ang roses kay mama. At dahil first time kong ginawa un, at first time ko din magbigay ng flowers kay mama, napatulala sa saya ang mokong. ahahaha... At sabay sabi sa kanya na "may kapalit yan ah... " sabay tawa. Ang sarap ng feeling ng binigyan ko ng roses si mama. Basta, parang ang bait-bait kong anak ngayon. ahaha...
Eto at feeling may alam ako sa photography. kayo na ang humusga. hehehe...
kay tita at kay mama |
ang mokong kong ina ahahaha. pa-tweetams! |
malamang roses sya... |
orange roses to ah... mukang pink lang |
ikebana style. naks, flower arrangement! lol |
muka na ba syang orange dito at hindi pink? |
may halimaw oh! ahahaha... |
obvious naman diba |
blackforest cake from Red Ribbon |
PS.
Saan galing ung cake? hehehe... kahapon pa yan, binili ko din. may tinira lang ako para sa sarili ko at para maiinggit sila kasi sa kanila ubos na, ako may tira pa! ahahaha....
17 comments:
ang sweet.. :)
ahihihi... ngayon lang yan... di na mauulit yan! ahaha
nice nga naman...pero ung caption sa nanay...maka mokong eh noh...salvahe!!!! tsk-tsk-tsk....
lhuloy, ganun talaga.... hehe.. close naman kami ni mama.. tawagan pa nga namin sa bahay ungas eh. ahahaha....
ang tweet naman...este sweet ahihi. me cake din kami bleeh, kahapon din at may tira pa :P
haaay.. natuwa ako habang binabasa.. as in!!:))
cute ni momy mo..hehehe..
anuway happy valentines..:)
Happy Valentine's day folk. I also blog about mothers this day. Seldom I see people remembering their mothers during this day.
http://arandomshit.blogspot.com/
@rap: nice nice aman!! two thumbs up :)
happy hearts day!!
sweet naman! happy valentines pare :)
Hay... yan ang pinaka magandang mabibigay mo sa Nanay mo this valentines day
ang sweet mo parekoy.. ang bait na anak naman hehehe... marami pang beses ara sa shoes mo.. tama ang naging desisyon mo... apir.. happy valentine nga pala kahit late na.. pati kay mama.. :)
ang sweet naman..tsaka yung cake ang sarap papakin.hehe
sweet-sweetan ang arte ah! malamang malaki ang hinihingi mong kapalit sa nanay mo? :p
kidding aside, tama lang naman na ipadama natin sa kanila ang ating love.. kahit corny sa paningin ng ilan, okay lang.. care ba nila? inggit lang sila..
nice.. sweet..
I AL po.. nagpapakilala.. at nagiwan ng bakas...
pwdeniyo po akong sundan http://pasumangil.blogspot.com
salamat sa inyong lahat....
late reply sa mga comments.... busy eh... hekhek...
refreshingly funny.. ill follow you ha (:
don't know pala pano hahaha anyway hanapin ko nalang ulit next time :P
Post a Comment