Friday, May 6, 2011

Mama. Mom. Nanay.

  • Para sa taong nag-alaga at nagpalaki sa akin.....
  • sa babaeng nakasama ko sa loob ng 24 na taon...
  • sa taong nagbigay ng aking pangalan at nagluwal sa akin,
  • sa kanyang mga palo, sa kanyang mga pangaral at sa kanyang pagmamahal... 




SALAMAT!


  • sa lahat ng suporta na kanyang binigay mula nung ako'y nag-aaral pa...
  • kasa-kasama ko sa stage kada recognition day buong elementarya, taga-sabit ng medalya sa akin at kasama sa pagsaksi sa aking pagtatapos nung highschool at college....
  • sa lahat ng kanyang mga masasakit na salita kapag ako'y nagkakamali.... 




SALAMAT.


  • Sa mga putaheng araw-araw kong nakikita sa hapag-kainan...
  • sa malinis na bahay sa tuwing kami ay uuwi galing sa trabaho at anumang lakaran...
  • sa mga damit na kanyang napapaputi at nalalabhan ng mahusay...
  • sa mga reklamong naririnig ko sa bahay tuwing mataas ang bill sa kuryente at sa tubig...
  • sa paggising sa amin sa tuwing kami ay tinatanghali ng gising...
  • sa pagpapaalalang dapat na kaming matulog dahil may trabaho at lakad na naman kinabukasan...
  • sa pagreremind sa amin na magtipid daw kami...




SALAMAT.


  • sa mga oras na napapaiyak namin sya dahil sa sobrang tigas ng ulo namin ni kuya...
  • sa mga oras na ngumingiti sya kasi binibigyan namin sya ng mga pagkaing gusto nya...
  • sa mga tawa nya sa tuwing inaasar namin siya...
  • sa pagiging maasikaso sa bahay,..
  • sa lahat ng kanyang pagtatiyaga at sakripisyo sa amin at hirap na dinanas para lang kami ay mapalaki ng maayos.
  • sa lahat lahat.... 




SALAMAT PO.


hindi ko man masabi ang lahat, pero sapat na ang maipakita ko kung kaano kita kamahal.
Ikaw ang tumayong ina at ama habang nasa abroad pa dati si papa. Hindi man ako close kay papa, anjan ka pa naman sa aking tabi.
Nasaksihan ko lahat ang iyong pagtitiis para lang maging masaya tayong pamilya.

Hindi man namin masabi sa iyo ng derecho na MAHAL NA MAHAL KA NAMIN, pero alam kong HINDI KAMI NAGKULANG TO SHOW TO YOU HOW MUCH WE LOVE YOU.




I LOVE YOU, MA! 





galing kay bunso,

11 comments:

Bino said...

maaga pala ha! hahahaha.

iba talaga ang mga nanay! hay namiss ko tuloy nanay ko

Rap said...

ahaha... nakigaya na din ako..

kenv said...

Sana ganyan din ako ka-expressive sa nanay ko in person. Nung bata ako I tried once, naglagay ako ng sulat sa drawer niya parang love letter hehe. Usually, hindi namin sine-celebrate yung mga ganitong occasions parang regular days lang.

Kahit birthdays nga walang nagbabatian samin sa bahay haha. ang wierdo pero stay bonded pa rin.


Happy mother‘s day na lang din. ;)

Diamond R said...

Ganda ni mommy.their time to shine.
Maraming salamat sa lahat ng nanay.

mga tsinelas ni nieco said...

happy mother's day sa mama mo! :D

Diamond R said...

Galing naman ni mama

Anonymous said...

HAPPY MOTHERS DAY SA IYONG MAMA...

iba talaga magmahal ang ating mga ina.
lahat ay ibibigay para langsa atin.
kaya nararapat lang na bigyan pugay natin ang darating na araw para sa kanila,,,

magandang umaga rap!

Kristeta  (kalokang Pinay) said...

Happy Mother's day to your mom! =)

Thanks din & followed you 2!

musingan said...

happy birthda sa nanay mo.. eh este ano ba yan.. happy aniv pala.. eh este happy mother's day sa kanya.. ehehhe

Akoni said...

Astig pagkagawa nitong entry mo..salamat sa nanay mo and happy mother's day.

Rap said...

same to you guys....
enjoy nyo araw nyo bukas with your moms!!!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...