Nung Saturday ay niyaya uli kitang lumabas kasi nga 1 week na din magmula nung huli tayong nagkita. Tinext kita ng Friday pero ang sabi mo hindi ka sure kasi kulang budget moh. Ako din naman eh, pareho lang tayo. hehehe... Hinintay ko ang reply mo hanggang sa mismong araw ng Sabado. After ko sa work, tinignan ko cellphone ko... pero wala ka pa din reply. Ang sa isip ko tuloy baka tulog ka pa...
Nagpalipas ng ilang minuto, tinext uli kita. I asked you kung ano na desisyon mo, kung tuloy ba lakad natin o hindi.... Pero malungkot man isipin, naiintindihan ko ang dahilan mo. In short hindi nga tayo natuloy... Kumain nlng kami sa labas ng mga workmates ko kasi ayoko pang umuwi ng maaga... Pero habang kasama ko sila, hiling ko din sana ay kasama kita. Mas masaya sana...
Gusto ko sanang i-suprise ka. Ako na ang nagvolunteer na puntahan ka malapit sa inyo pero tumanggi ka. Ang sabi mo next time na lang dahil madami pa namang pagkakataon. Pumayag ako at yun na lang ang pinanghahawakan ko...
Bago ako umuwi sa bahay, gusto ko pa din talagang i-surprise ka. Nahihiya kasi ako sayo dahil ikaw pa ang tumatawag sakin. Naka-postpaid ka nga pla sa network moh, ako dakilang prepaid lang at bebente ang load. Ayoko naman ma-charge ka pa ng sobra sa bill mo nang dahil lang sakin... Kaya minabuti kong bumili ng sim card na kapareho ng network mo para sa ikatitipid nating pareho. Dalawa naman ang phone ko kaya ok lang...
Sumapit ang gabi at tayo'y nagtawagan at nagtext... Sa di inaasahang pangyayari, hindi ko alam kung bakit biglang na-blocked agad ang sim card na yun. Hindi makatawag at hindi na din makatext... Pinasahan mo ng load ung sim card na yun pero hindi din makareceive ng text at hindi mo din ako matawagan... As in ACCOUNT SUSPENDED ang sinasabi ng babaeng recorded ang boses kapag nagta-try akong tumawag...Nabadtrip ako at nainis... pinakalma mo ang pakiramdam ko. Buti na lang may load ang original sim ko at dun nlng tayo nagtext, ang sabi mo naman ok lang sayo kahit dun ka magtext... Ang sabi mo naman, touched ka naman sa ginawa kong iyon kahit saglit lang gumana ang simcard na yun. Ang sabi mo pa nga, naappreciate mo ang EFFORT ko. Dahil sa mga salitang iyon, napanatag na uli ang badtrip kong mood...
Kinabukasan, Sunday, pareho lang tayong nakatambay sa ating mga bahay-bahay. Mas mahaba-haba ang oras ng pag-uusap natin sa text dahil siguro pareho din tayong walang trabaho kapag Sunday. Although may mga pagkakataong hindi ka nagrereply, diko alam kung nagpapamis ka lang or tulog ka... Pero lahat ng iyon ay napapalitan ng tuwa at pagkagalak sa tuwing makikita ko ang pangalan mo sa inbox ko. Sa katunayan nga, hindi ko binubura ang mga text mong napaka-sweet... Napapangiti ako at binabasa ng paulit-ulit ang mga text na yun...
Ang nakaraan: Unexpected
11 comments:
hmmmm... hayan mo na sya, pagayaw nya na di wag bahala siya... may mga taong ganun eh ...
waaaaah! inlababo ka nga!!!!! bakit nakakainlove ang month nh july?! hmmmm
sana naman happy ending to hehehe. di binubura ang mga messages ah kilig hehehe
simtomas yan ng inlab, tinatabi ang mga messages. ahahaha.
mukhang nahuhulog ang loob mo sa kanya. ganun talaga yan based on my experience na rin. hahaha. :)
aayyyiieeeeee...kakakilig..ayyiiieeee..Lol
over!!!!!
humayged!!!
hong cheezynezzz!!!!
chino - pakipot plng yun... umaarte.. hehe
iya - at sino ba ang inlove?...
bino - sana nga... yoko mag expect...
khanto - ahahaha... dedelete ko din pag full na inbox ko.. lol
empi - diko pa alam eh.. di ko pa masabi... hehe
akoni - ulol! ahahaha... kilig mo muka moh.. naiihi ka lang! ahaha
lhuloy - weh?... isipin mo parang si SO lang yan...
hang sweet.. di rin ako nag e-eraze ng sweet messages sa inbox... repeat repeat ko lang binabasa..#lol
yun oh!
me <---naiinggit! hahaha
WOW Rap! Your blog has improved a lot. I last visited your blog 4 months ago na ata hehe.. I really like the design of your blog.
With the post, I'm poor at identifying fictional or autobiographical lagi akong mali ang hula, so I just want to say it's well written and filled with excitement.
You really have an awesome blog. Great job! ^_^
Post a Comment