Almost 2 weeks tayong hindi nagkita. Busy tayo pareho eh. But I understand all those reasons kasi love kita. Hindi man tayo nagkita for two weeks, hindi ko naman hahayaang maging 3 weeks pa yun. I do really miss you and I really want to see you...
This week lang din nagbago sched ko sa work. May pasok na ako ng weekends at malamang sa malamang, mas mawawalan tayo ng time para makapag bonding kasi ikaw lang ang walang pasok ng weekends, samantalang ako, nagwowork habang buong isip ko ay nakalaan lang sayo... Nakakalungkot hindi ba? Kaya ayokong patagalin pa ang panahon para lamang makita uli kita..
Kahapon, August 3, 2011.
Wala kaming pasok, at ikaw meron. Dahil sa sobrang miss na nga kita, I decided na sunduin ka sa work mo. Ayoko man magpunta ng Makati kasi malayo at nakakabwiset magbyahe papunta dun, pinilit ko ang sarili ko makita at makasama kita kahit sa konting oras lang. Nagtext ako sayo na susunduin kita, ang sinagot mo lang sa akin ay "bahala ka po..." kasi siguro ayaw mo din akong magpagod at may bagyo pa nung araw na yun. Salamat sa concern mo, pero naisipan kong ituloy ang pagsundo sayo. Pasaway ako eh!
4pm ako umalis ng bahay dahil sabi mo mga 6pm pa ang out mo. Tama lang yun para di ako maghintay ng matagal dahil wala akong mapagtatambayan bukod dun sa unloading station ng bus. Sumakay ako ng bus papuntang Ayala Ave. Pero dahil konti na lang ang tao sa bus, pinalipat na kami sa iba pang bus. At sa pagmamadali ko, mali ang nasakyan kong bus. Oo may nakalagay na "Ayala" sa nilipatan naming bus, pero BACLARAN pala ang pinaka ruta nila. So in short, malayo ang binabaan ko. At naglakad ako papunta sa meeting place natin. (kawawa naman ako...)
Bumaba ako sa SM makati. Nilakad at dumaan sa loob ng Glorietta, Landmark at Greenbelt para kahit papaano ay makaramdam ako ng kahit konting aircon man lang. Ang layo kasi talaga. Maulan pa kaya!! Muntik pa nga ako maligaw, pero thankful ako at hindi naman nangyari sa akin yun. Nakarating din naman ako sa meeting place natin. Although, naghintay din ako kahit papaano pero wala lang sa akin yun. Nawala lahat ng pagod ko nung dumating ka na, at hindi ko nga namalayan na nasa harap na kita kasi sa moment na yun, tinatry kong itext ka... Nasa harap na pla kita. Napalitan ng ngiti at excitement ang mood ko. =)
Pinagtawanan pa nga kita kasi ang laki ng payong moh. ahaha.. Pero sabi mo naman sakin ay uso yun sa mga taga-Makati at napansin ko nga, karamihan sa mga pauwing empleyado ay malalaki ang payong. Ako lng kasi ang tamad magbukas ng payong ko kahit may dala ako. hehe.. Ikaw pa nga ang nagpapayong sa akin, pero nahiya na ako kasi sabi mo baka may makakita sa ating dalawa. Edi sige, kunyari di tayo close at pinayungan ko ang sarili ko, ganun ka din pero magkasabay tayong naglakad... May separate na payong nga lang. ahahaha...
Gabi na at inaalala ko ang oras mo. May pasok ka pa nga pala kinabukasan kasi ako wala pa din. Ayokong abutin tayo ng gabi dahil kawawa ka naman, late ka na nga lagi sa work mo eh, baka sisihin mo pa ako. hehe.. (pero alam kong di mo ako masisisi, love mo din ako eh! lol)
Nagdecide tayong sa Cubao na lang kumain. Dun naman ang way mo eh, at may sakayan din naman ako dun pauwi sa amin para atleast malapit na lang ibabyahe mo. Traffic sa EDSA habang nasa bus tayo. Umaandar ang oras. Pagabi ng pagabi... Pinaputulog muna kita sa bus pero ayaw mo matulog. Holding hands na lang ang drama natin habang nasa bus. Infairness, namiss ko ang paghawak ko sa mga kamay moh. Ganun ka din kaya sa akin?... Mas natuwa pa ako kasi suot mo pa din ang binigay kong silver bracelet sayo nung nag-movie date tayo ng Harry Potter two weeks ago. Nakakatouch kasi akala ko hindi mo isusuot un, pero sabi mo sakin, araw-araw mo naman pala suot. SALAMAT AH! IMPORTANTE DIN PALA AKO SAYO...
May moment na hinding-hindi ko malilimutan sayo. Ano un?.. Nung tinanong kita kung kelan ang monthsary natin. ahahah.. Nakakatawa ka kasi na nakakainis eh. ahaha.. Confident ka pa sa sagot mo ah, pero mali naman ang date na sinabi mo. Nagtaka tuloy ako baka kasi ibang tao ung ka-monthsary mo sa date na yun... Alam mo ung may konting dissapointment sa side ko kasi di mo man lang naalala ung date na binigyan kita ng silver bracelet at ung date na nonood tayo ng sine together?.. Hmpf! Pero... Natawa ako sayo kasi todo defensive ka sa pagsabi na ako lang ang love mo. ahaha.. na wala kang ibang ka-monthsary nun kundi ako lang.. I trust you naman. Love kita eh. I even showed you may phone kasi naka-save sa calendar ko ung mga special dates natin. Inagaw mo pa phone ko, tapos nung nakita mong mali nga ung date na sinagot mo, isang malakas na tawa lang ang ginawa mo! Nakakaloko ka! ahaha.. And because of that, napatitig ako sa mukha mo at dahil dun, mas cute ka pa pala kapag tumatawa... and *boom* ahahaha...
Umuwi na din tayo after nun. Pasensya na kung ginabi tayo, at sorry kung puyat ka kinabukasan sa work mo. Namiss lang naman kasi kita eh. At ngayon nga habang ginagawa ko tong blog na ito,. ikaw ang nasa isip ko... Super miss pa din kita... Hanggang sa muli nating pagkikita...
6 comments:
ay naku maniwala ka, miss ka rin niya pramis! nangingialam? hehehe
landi mo!
harot!
waahhh kilig!!!! nakakakilig naman yan, "hindi ko hahayaang maging 3 weeks...." love nga naman Oo..
bino - hehe.. adik ka!!!
iya at jay - cge, ako na malandi... ako na din maharot... ako na pokpok!?!! ahaha.. POKPOK??!! mga bwiset kayo! ahahah...
mommy - yihii... salamat... kinikilig ka ata mommy ah, ano ka teenager?. ahaha joke lang mommy.. ahahah
YUCK!
hahaha joke!
gawa-gawa mo lang to eh... sakin mo sa tendons! lels! halos lumabas liver ko sa pagbabasa nito ..haha
Post a Comment